embed embed2
Hindi Favorite Ni Lola: “Ayoko Maranasan Ng Anak Ko Ang Naranasan Ko Noon”
PHOTO BY ADOBE
  • “Grabe pala talaga ang trauma. Kahit matagal na, bumabalik. I am already 27 years old, married, with two kids. Bumalik ako ng province namin without my husband because he is working. Kasama ko ang mga kids para magbakasyon for a month at para makahinga na rin ng ibang hangin dahil rural side dito. Nakatira kasi kami sa city.

    Matagal din akong hindi nakabalik dito, mula noong nag-work na ako at 20 years old, hindi na ako napupunta rito. Nagkapamilya na ako, ngayon lang ulit ako nakabalik. Lumaki ako sa lola kasama mga kapatid at pinsan ko. Single mom kasi ang mama at mga titas ko, nagsipag-abroad sila at iniwan kami kay Lola.

    Lumaki akong hindi paborito. Ewan ko kung bakit. At sobrang lantaran ang pagiging paborito ng Lola ko sa dalawang pinsan ko. Bakit ko nasabi? Ito lang ibang scenario noong bata kami: Magtatago si lola ng pagkain para sa mga paborito, sa iba wala; laging masasarap na parts ng fried chicken ang ibibigay sa mga paborito; alam ang birthday ng paborito, ang iba hindi; kinukunsinti ang masamang ugali nung paborito, samantalang kung iba, namamalo siya ng walis tingting.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan lang 'yan. Siyempre pag binabasa natin ngayon, bilang adults, mababaw. Pero pa bata ako noong na-experience ko ito. Despite all of these unfair treatment, naka-move on naman ako. Nung tumanda na ako, lagi ko parin tinatawagan si lola, kinukumusta ko and I tell her I love her, and I give all the care.

    RELATED: #SPConfessions: Hiwalay Na Hindi? Ayaw Umalis Ni Mister Sa Bahay Namin

    Ngayon nung nagbakasyon kami rito, okay naman ang lahat. Until dumating yung isang pamangkin kong bata who is the same age as my three-year-old panganay. Iniwan kay Lola kasi mag-wowork yung parents. Inaagawan ng toy ng pamangkin ko 'yung anak ko at sasabihin 'That’s mine!' kahit di sa kaniya. So sabi ko sa bata, 'You share'. Sinabi ko na hindi mabuti ang nagdadamot, nagdabog at sinigawan ako ng 'No!'

    During snack time nag-labas ng bread and juice ang anak ko, sabi ko i-share niya sa kalaro, and he did. Ang ginawa nung kalaro, pati yung snack ng anak ko kinuha niya, at sinabi niya nanaman 'That’s mine'. Nainis ako kasi tinulak pa niya ang anak ko kaya medyo napalakas ang boses ko noong sinaabi ko, “Don’t do that”. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    'Ang lagi niya lang sagot sa akin: Magpasalamat nalang ako dahil may tumitingin pa rin sa akin kasi wala ang mama ko sa tabi ko.'

    Sinigawan ako ng Lola ko, bakit daw ako nakikisali sa away bata. Hayaan ko nalang daw yung pamangkin ko kasi raw ganun talaga ugali. At that moment nag-flashback lahat ng experience ko noong bata ako. Pumasok kami ng anak ko sa room at hindi ko mapigilan umiyak dahil nga sa mga naalala ko. 

    The next visit nung bata, may food siya at ayaw niya bigyan 'yung anak ko. Sabi ni Lola sa anak ko, 'Huwag ka na humingi kasi kay (name) ito'. This time, I told myself, uuwi na kami since baka maulit ito na maipamukha nanaman na may favoritism. Wala naman po sakin if hindi maging favorite ng Lola ko yung mga anak ko, hindi ako nagkukulang sa pagmamahal sa kanila. Pero naiisip ko na hindi na bumalik dito kasi ayoko maranasan ng mga anak ko ang naranasan ko noon.”

    Many parents from Smart Parenting Village agree: it’s okay to set boundaries for family members who may be doing you and your family more harm than good. And accepting that the other person will not change is important in such situations.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Others chimed in to say how damaging favoritism is, while others expressed they understand the anonymous mom’s feelings as a person who’s never been anyone’s favorite.

    In the comments section, the anonymous mom thanked the parents who left comments and said she is doing okay. She just wanted to unload her feelings.

    “Thank you for all the empathy parents. I already called out my Lola about it, when I was a child, a teenager. Ang lagi niya lang sagot sa akin: Magpasalamat nalang ako dahil may tumitingin pa rin sa akin kasi wala ang mama ko sa tabi ko. And now as an adult, ang sabi niya sakin ‘Hindi ko ginagawa ‘yan.’

    Okay lang naman po ako. I know that I cannot change my Lola na kasi matanda na. I just thought wala na yung trauma ko noon kaya naman hindi ako nagdalawang isip bumisita. Pero nandun pa rin pala. Wala akong hard feelings. Sabi nga nila, you deserve what you tolerate. Kaya po talagang hindi na ako bibisita rito, dating gawi nalang na kukumustahin ko si mommy thru call.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    For my kids, I will continue to teach them what's wrong and right, para hindi nila gayahin yung mga batang hindi pa alam ang mga bagay bagay.”

    If you want to share your #SPConfessions, email us at smartparentingsubmissions@gmail.com or join Smart Parenting Village.


    Smart Parenting editors made minor edits to the story for clarity.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close