-
Isip Muna Bago Like Pagdating Sa Mundo ng Online Nanay Support Group
- Shares
- Comments
- Parenting can be a lonely job. What helps is having a community who cheers and listens without judgment. And that's what our "Real Parenting" section is for: a space where parents can share the joys, pain and the mess that is parenthoodPHOTO BY iStock
Ngayon lang talaga ako nababad sa mundo ng online support group ng mga nanay. Pakiramdam ko'y wala akong kaibigang makakausap sa tuwina. Lahat ng mga kaibigan ko’y nag-aaral sa ibang bansa, may kaniya-kaniyang trabahong magagara, o di kaya’y may “for the gram” travel feed.
Ako, sobrang bagal ng takbo ng buhay ko. Sa mga araw na bumalik ako ng trabaho galing ako sa mahabang pananatili sa bahay kasama ang mga bata, pakiramdam ko’y tila nalimutan ko na kung paano magsalita na ang kausap ay matanda.
Para sa mga Nanay, lalo na sa mga SAHM (stay-at-home mom) at WAHM (work-at-home mom), ang mundo ay nasa kanilang mga kamay. Kadalasan, ito ay nasa kanilang mga cellphone. Ito na yata ang katumbas ng modernong umpukan ng mga nanay sa hapon pagkatapos ng lahat ng gawaing bahay.
What other parents are reading
Ang magandang naidudulot ng online support group
Sa pagsali ko sa iba’t ibang online support group gaya sa Facebook — breastfeeding, babywearing, feeding, homeschooling, blogging, parenting, at marami pang iba — nagkaroon ako ng isang masidhing tanong. Bakit nga ba nakaeenganyo sumali sa mga online support group? Narito ang ilan sa mga positibong naidudulot ng nasabing gawain.
1. Kung may hindi sila masabi dahil sa sila ay nahihiya o natatakot, maaari silang maging anonymous.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIniisip ko palagi, paano na lang kung ang higit sa 10,000 followers ni Nanay ganito ay magkakasama sa isang lugar, paano kaya nila pinag-uusapan ang isang mainit na paksa?
Siguro ay kakaunti lang ang maglalakas ng loob na magtaas ng kamay at makipagtalastasan.
Sa pamamagitan ng mga social media group, nagkakaroon ng boses ang mga nanay na halos buong araw ay nasa bahay lang — nagpapadede, gumagawa ng gawaing bahay, o kaya’y nag-iisip tungkol sa maraming pagbabagong kanilang hindi maipaliwanag. Nakababawas ng social anxiety ang pakikihalubilo, lalo na sa mga bagong nanay.What other parents are reading
2. “Nanays, ftm here. Anong magandang…?”
“Ganito ba dapat o ganyan?” “Share ko lang. Pic in cb. Patingin ng sa inyo.”
Kung gagawa ako ng pag-aaral ukol sa mundo ng social media ng mga nanay, ito na siguro ang lilitaw na mga pahayag at katanungan. Ayon sa pag-aaral, ang mga pamilyang Pilipino ay “residentially nuclear but functionally extended.” Ibig sabihin, kahit bumukod na ang mag-anak, may halaga pa rin ang papel ng mga lolo,lola, tito, tita, at pinsan.
Kung sakaling walang kamag-anak na makakausap, ginagampanan ng mga ibang kasapi ng online groups ang papel ng pagiging extended family sa usaping pagpapalaki ng mga bata. Nakatutulong ang mga online group sa pagbibigay ng opinyon at payo, lalo na sa mga pamilyang malayo sa kanilang orihinal na pamilya, gaya ng mga lumipat ng tahanan o kaya ay may kabiyak na OFW.
3. Maraming pagbabago sa buhay ng isang bagong nanay.
Kadalasan, nararamdaman ng mga nanay sila'y nag-iisa at walang nakaiintindi sa kanilang kalagayan. Sa pamamagitan ng isang click sa poll or isang “up,” nagkakaroon sila ng boses kahit na nakapambahay lang sila, wala pang ligo, at nasa kama lang kasama ang mga bata.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSa ganitong paraan, nararamdaman ng mga nanay na sila'y hindi naechapwera at kasali pa rin sa isang grupong nakaiintindi nang lubos sa kanilang mga trip sa buhay, mapa hinaing, good vibes video, o mga mungkahi ng subok na produkto.
What other parents are reading
4. Ang mga social media groups ay isang paraan upang tugunan ang mga isyu sa mental health.
Ayon sa isang pagsasaliksik nina Naslund, Aschbrenner, Marsch, at Bartels, ang mga grupong ito ay pumapailalim sa peer-to-peer support na nakatutulong sa mga may mental illnesses na makaramdam ng pagkakaroon ng lakas at pag-asa dahil sa pagbabahagi at pakikibahagi sa mga karanasan ng nasa loob ng komunidad. Lalo itong may benepisyo sa mga nanay na nakararanas ng post-partum blues at depression.
Paano nga ba makisalamuha sa mundo ng online support group ng mga nanay?
Ito ang ilan sa mga payo kung paano tayo makisalamuha.
Isip muna bago like
Napakadaling pumindot ng reaction button, mag-retweet, at makipagtalastasan. Mahirap nang mabawi ang epekto nito dahil sa bilis ng paghahatid ng impormasyon kahit pa sa kabilang panig ng mundo.
Kung wala pa kayong personal na motto, pwede ninyong isaisip ang “Four-Way Test.” Eto ang isang simpleng halimbawa ng pagsagawa nito:
- Ang pagsang-ayon ko ba gamit ng like button ay totoo o nagla-like lang ako dahil wala akong magawa?
- Kung sumagot ba ako base sa aking opinyon, patas ba ito sa mga miyembro ng aming Nanay Group?
- Ang mga salitang gagamitin ko ba ay makatutulong sa adhikain ng grupo o ito ay tunog mom-shaming?
- Ang pagpost ko ba ng mga larawan ng mga anak ko ay para sa ikabubuti nila o dahil lang sa personal kong interes?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Kilatisin ang grupong sasalihan
May ilan sa ating naiilang sumagot sa mga tanong ng admin. “Ano ba yan, gusto ko lang matuto tungkol sa pagsusuot ng cloth diaper, ang dami pang tanong.” Sa katunayan, dapat tayong matuwa dahil sinisigurado ng grupo na totoo ang iyong interes sa grupo.
Nakakatakot ngunit totoo: pwedeng mapahamak ang ating mga anak sa simpleng pag-post tungkol sa kanila. May ilang grupo na may mga fake accounts na nangunguha lang ng mga larawan ng mga bata para sa pedopilya at sex trade, bukod pa sa ibang kapahamakang maaaring mangyari.
Wag puro “ctto.”
“Ma, pwede pa-comment ng laman? Free data lang po.”
Isa nga namang pribilehiyo ang pagkakaroon ng internet, lalo na dito sa Pilipinas. Karamihan na lang ng mga post, nire-reshare, kinokopya, at pinagpapasahan. Sa bagay, para naman sa kabutihan ng mga bata.
Ngunit, alalahanin nating mahalaga ang paghanap ng pinanggalingan ng impormasyon, lalo na kapag may kinalaman sa kalusugan at kaligtasan. Hindi natin dapat isaalang-alang ang kapakanan ng ating mga anak sa pagsunod sa mga payong hindi naman natin alam kung saan galing. Kapag naubusan ng data, pwede pa ring mag-search online sa pamamagitan ng Facebook Messenger.
What other parents are reading
Bawat sagot, mananagot
Para naman sa mga nagbibigay ng payo, siguraduhing ibigay ang inyong pinagkuhanan. Kung kayo ang nagsabi nito base sa karanasan, marapat na ilagay na ang inyong sagot ay base lamang sa personal na karanasan.
Okay lang ang maraming brand
Isa sa mga paborito kong gawain bilang guro ay ang pagbasag ng methodolatry, ang tila bulag na pagsunod sa mga metodo dahil ito'y sikat at subok na.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNaalala ko ang aking guro sa Edukasiyong Pangmusika: isipin mong ang mga bata sa classroom ay mga batang may sakit. Lahat ba sila paracetamol lang ang gamot? Ang sabon para sa labahan ni Inay ay maaring hindi tatalab sa mga damit ni Mommy. Ang breastfeeding ay maaaring hindi angkop sa isang inang may malubhang sakit, ngunit pwede namang bumawi sa pagkain lalo na't halos magi-isang taon na si Baby. Ang ganda ng babywearing gear sa post ni Mom pero ang mahal pala, kaya doon tayo sa safety-tested local brand.
Sa lagi kong pagsali at pagbasa sa mga diskusyon ng mga nanay, napagtanto kong isa lang naman yata ang puno't dulo ng lahat ng ating pagsali: para maging isang mabuting ina. Sa maraming boses na maaaring mapaloob sa isang usapan, ang pinakamahalagang boses na dapat pakinggan ng isang nanay ay ang sarili niyang boses. Sa huli, ikaw pa rin, Nanay, ang tanging masusunod.
What other parents are reading

- Shares
- Comments