embed embed2
  • Paalala Ni Ogie Alcasid Sa Anak Na Si Nate Privileged At Blessed Siya

    Adjusting well ang halos 9-year-old na si Nate Alcasid sa gitna ng pandemya.
    by Jocelyn Valle .
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories. 

    Malaking hamon para sa lahat ang banta ng COVID-19 at kung paano harapin ang dulot nitong pandemya, lalo na sa mga magulang na may mga batang umaasa sa kanilang gabay at aruga ngayong panahon ng tila kawalan ng katiyakan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya ayon kay Ogie Alcasid, malimit niyang isipin kung ang stress na pinagdadaanan nila ng misis na si Regine Velasquez ay nararamdaman din ng kanilang anak na si Nate Alcasid, 9 years old sa November 8, 2020. Sa ngayon daw kasi hindi niya iyon napapansin. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang nakikita ng singer-songwriter ay masaya ang bata sa pakikipag-usap at pakikipaglaro online sa mga pinsan nito. Ngunit hindi daw niya mapigilan ang sarili na hindi mag-alala sa ibang mga bata na walang ganoong privilege at access sa technology.

    What other parents are reading

    Lahad pa ng actor at TV host din na sinisikap niyang kausapin nang madalas si Nate upang ipaliwanag ang nangyayari ngayon sa mundo at sa bansa. May dagdag pa siyang paalala sa anak ng pagiging “privileged at blessed” nito kumpara sa iba. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakausap ni Ogie ang SmartParenting.com.ph sa virtual presser na ginanap nitong Martes, August 4, 2020, para sa benefit project na inorganisa ng World Vision, isang child-centered advocacy organization. Kabilang si Ogie sa mga performers sa One Voice for Children virtual concert na magaganap sa August 29, 7 p.m., sa Facebook page ng World Vision. 

    Habang nasa virtual presser si Ogie ay nasa online school naman daw si Nate. Kuwento pa niya na maagang nagising ang bata, dalawang oras bago ang nakaugalian nitong pagbangon ng 9 a.m. Naligo daw ito kaagad at kumain ng almusal. Excited nga daw kahit na nagkaroon sila ng “technology challenges” sa pagse-set up ng gamit sa bahay para sa online school.

    What other parents are reading

    Aniya, “I would see just how excited he is seeing his classmates and his teachers. And I was watching him from afar, and he’s involved with school. I think he’s really adjusting well to the situation given the challenges.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ni Ogie na sinasabihan nilang dalawa ni Regine si Nate na walang nakakaalam kung kailan babalik sa normal ang lahat. Pinapayuhan na lamang nila ang anak na gawin ang best nito sa pag-aaral sa online school at pagtulong sa household chores. Hinihikayat din nila na magdasal ang bata para sa lahat na may sakit o di kaya nawala ng trabaho.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Samantala, masayang ibinalita ni Ogie na mas mahusay na siyang maghugas ng pinggan ngayon. Tatlong buwan kasi silang walang kasambahay simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong mid-March.

    Kaya silang pamilya ang gumawa sa bahay, kung saan nakatira din ang panganay na anak ni Ogie na si Leila Alcasid. (Ang kapatid ni Leila at pangalawang anak ni Ogie na si Sarah ay nakatira sa Australia kasama ng nanay nilang si Michelle van Eimeren.)

    Bukod sa paghuhugas ng pinggan, nasubukan din ni Ogie ang paglalaba. Pero ang toka niya talaga ay ang paglalakad sa kanilang mga aso araw-araw. Dahil daw sa pagod, diretso tulog na sila sa gabi. Parte daw iyon ng kanyang “productive work,” bukod pa sa pagsusulat ng awitin, pagkanta sa online shows, at iba pang trabaho.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles