Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Paano Bawasan Ang Screentime? Bumuo Ng Upcycled DIY Playground

    Maraming benepisyo ang maidudulot ng paglalaro sa labas.
    by Ana Gonzales .
Paano Bawasan Ang Screentime? Bumuo Ng Upcycled DIY Playground
PHOTO BY Vanessa Salva
  • Para sa stay-at-home mom na si Vanessa Salva, importanteng may pagkakataon ang mga bata na maglaro sa labas, lalo na sa panahon ngayon ng digital advancements at social media. 

    Kaya naman sa tulong ng kanyang pamilya, bumuo sila ng upcycled DIY playground para sa noon ay one year and five months na anak niya. 

    Dalawang taon na ang anak niya ngayon at ilang beses na ring nagbago ang kanilang DIY playground, pero hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ito ng anak niya. Ayon kay mommy Apple, sinusundan niya ang Waldorf method of parenting at education.

    More from Smart Parenting

    Ang Waldorf Approach ay sinimulan ni Rudolph Steiner noong 1919. Sa method o approach na ito, binibigyang kahalagahan, hindi lang ang mga karaniwang academic subjects, kundi pati na rin ang music, dance, literature, writing, at theater. Binibigyang halaga rin ang experience ng bata, hindi lang ang pagtuturo ng mga konsepto.

    “He's not taught any academic concepts (only when he turns 7) kaya we wanted to support his growth and need through this playground,” kwento ni mommy Vanessa. “It also turned out that some of our relatives would drop their kids here during weekend so they could play with my son and my 2 cousins whom we foster parent,” dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ayon sa kanya, walang screentime ang kanyang anak. Hindi ito nanonood ng TV at hindi rin ito gumagamit ng kahit anong gadgets—sa tulong na rin ng kanyang playground at ng mga kalaro.

    Kung interesado kang magkaroon ng ganito ang anak mo, idinetalye ni mommy Vanessa kung paano niya ito nabuo.

    PHOTO BY Vanessa Salva‎

    Nagrecycle siya ng mga gulong

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bago ka pa maglagay ng maraming lumang gulong sa inyong bakuran, siguraduhin munang butas ito at hindi maiipunan ng tubig na pwedeng pamahayan ng mga lamok. 

    Para sa playground na ginawa ni mommy Vanessa at ng kanyang pamilya, gumamit sila ng gulong ng mga 4x2 na pickup trucks. “They were supposed to be sold pero dahil hindi naibenta, ginamit na lang dito,” kwento niya.

    More from Smart Parenting

    Naglagay siya ng mga akyatan

    Mayroon ding Jumparoo sa gitna ng playground. Ayon kay mommy Vanessa, nabili niya ito sa isang kaibigan na walang paglalagyan nito. Halos Php1,000 lang nabili ito ni mommy, kumpara sa orihinal nitong presyo na pwedeng umabot hanggang Php18,000. “Knowing its original price, I immediately grabbed the chance. Tapos ‘yun na, it became the center of attention in our upcycled playground until nasira yung bouncy tire nya,” pagdedetalye niya. 

    Kung wala namang budget para bumili ng isang Jumparoo, pwede ninyong ipagaya ito lalo na kung mayroon kayong kilalang karpentero.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede rin kayong bumuo ng mga hagdang akyatan gamit ang mga lumang plywood o kahoy. Ayon kay mommy Vanessa, inorder niya sa isang local supplier ang wooden climber sa playground ng anak niya. "I copied the style from one of the Western blogs I follow. The difference lang is the climber grips, instead of the rock grips, we used pallets kasi yung supplier walang rock grips," kwento niya. Php1,400 ang nagastos ni mommy dito, kasama na ang delivery fee.

    More from Smart Parenting

    Naglagay din siya ng basketball ring

    Pwede rin namang net para sa volleyball at badminton, depende sa gustong laro ng mga anak mo. Sa playground nina mommy Vanessa, maliit na basketball ring ang inilagay nila. “DIY ng brother ko kasi one of my son's interests is shooting balls,” sabi niya. 

    Bukod pa sa basketball ring at jumperoo, mayroon ding kitchen at water play corner ang anak ni mommy Vanessa. May sea pebbles ito at seashore corals na matagal nang ginagamit ng anak niya. Mayroon ding laruang buckets, cups, at beach play toys ang anak niya na ginagamit nito kapag naglalaro ito ng mud.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    May child-sized wheelbarrow din kung gusto man ng anak niya na ‘maglipat’ ng mga damo, pebbles, o kung ano mang pinaglalaruan nito sa labas.

    Humigit kumulang Php2,900 ang nagastos ni mommy para sa playground ni baby. Mas maliit pa riyan ang magagastos mo kung mayroon kang mga lumang gamit na pwedeng gawing laruan ng anak mo sa labas. Kung may mga puno rin sa inyong bakuran, pwede niyo iyong gawing akyatan ng mga anak ninyo.

    Imahinasyon lang talaga ang limit kung gusto mong bumuo ng munting playground para sa iyong mga anak. Hindi mo kailangan ng mamahaling mga gamit basta't nakasisiguro kang ligtas at matibay ang mga materyales na gagamitin mo.

    May playground na ba ang anak mo sa bahay ninyo? Anong mga ginamit mo para mabuo ito? I-share mo na iyan sa comments section o hindi kaya ay ikwento sa mga kapwa mo nanay sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles