embed embed2
  • Hindi Ko Namalayan Na Lumalaking Materialistic Na Pala Ang Anak Ko

    Naibili at napagbigyan ang anak ko sa lahat ng kanyang mga gusto noong maliit pa lamang siya.
    by Isabel Dizon .
Hindi Ko Namalayan Na Lumalaking Materialistic Na Pala Ang Anak Ko
PHOTO BY Pexels
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Bilang isang magulang, gusto natin ibigay ang lahat sa ating mga anak lalo kung kaya at mayroon tayong pera. Ngunit ang alam natin na kapag pinagbigyan natin sila sa lahat ng gusto nilang gamit, damit at laruan ay pwedeng maging dahilan ng pagiging materialistic ng isang bata.

    Na-realize ko ito noong may sinabi sa akin ang isa mga anak ko. Pag-uwi niya galing Christmas party, malungkot siya. Bakit? "Mommy, isa lang natanggap ko sa Christmas Party na regalo."

    Doon ko naintindihan na madalas makatanggap ng regalo ang anak ko at makabili ng gusto niya. Naibili at napagbigyan siya sa lahat ng kanyang mga gusto noong siya ay maliit pa lamang. Hanggang sa sandaling iyon ng party, hindi siya nakaka-experience nang iba sa kinalakihan niya. Naging aral ito sa akin. Ayaw kong lumaki ang anak ko na insecure o palaging may inggit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Paano mapalaki ang isang hindi materyalistang bata

    Paano nga ba maiiwasan na maging materialistic at insecure ang ating anak? Eto ang mga gabay ko — hindi sila bagong lessons. Pero sa experience naming pamilya, maganda pinapaalala namin ito sa isa't isa.      

    1 Iwasan bumili ng materyal na bagay na hindi naman kailangan ng anak

    Kailangan natin tutukan o maging aware kung gaano ba tayo kadalas bumili lalo na sa mga laruan, damit o gadgets. Madalas hindi natin namamalayan hindi naman pala kailangan. Gusto nating mapasaya ang anak. Pero mahalaga na maintindihan niya na ang kasiyahan ay hindi lamang nakukuha sa materyal na bagay.

    Ito ang palagi kong sinasabi sa mga bata: "Hindi natin kailangan sumabay sa uso. Hindi dahil uso ay kailangan. Hindi dahil mayroon ang iba ay dapat mayroon ka rin."

    What other parents are reading

    2 Turuan natin mag-ipon ng pera ang ating anak

    Importante na matutunan nila ang prioridad at halaga ng pag-iipon ng pera habang bata. Ito ay kailangan natin ipakita at maging halimbawa para mas maintindihan nila.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    3 Maging mapagpasalamat tayo at ipakita sa ating anak

    “Monkey see, Monkey do." Sa atin, magsisimula ang paghubog sa ating mga anak.

    "Count our blessings." Ito ay makakatulong sa ating pamilya maging positibo sa gitna ng hirap sa buhay.

    4 Magbigay ng oras at makipaglaro sa anak

    Mayroon kasabihan: "Our children needs our presence more than our present." Ang laruan, damit, gadgets at iba pang gamit ay naluluma at pinaglilipasan pero ang alaala ay hindi. Tayo ang mas kailangan ng ating mga anak at hindi ang mga bagay na pwedeng mabili. Ito ay madadala nila hanggang pagtanda.

    What other parents are reading

    Pagkatapos ko makapagisip, kinausap ko ang aking anak at lumabas kasmi. Ipinakita ko sa kanya ang mga taong nangangailangan na namamalimos sa labas. Sinabi ko sa kanya na madaming hindi nakatanggap ng regalo, ang iba ay wala pang matitirhan.

    Mula noon, binago ko ang aking pag-uugali at naging matipid din ako. Nakaugalian ko na rin na mag-recycle. At kung mayroon gamit na kailangan at gusto ang mga bata, dapat ay magbenta muna sila o magbawas ng gamit na hindi na kailangan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngayon kahit birthday niya, hinihingi nya lamang ay makasama kami wala ng iba. Natutunan din nya maging masinop at mag-tipid.

    Ang pagiging materialistic ng isang tao ay nagdudulot ng inggit sa kapwa at negatibong epekto sa buhay. Kaya importante na ating matutukan ang ganitong kaugalian ng ating pamilya dahil bawat kilos na ating ginagawa ay pwedeng ikaganda o ikasama sa buhay ng ating mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isabel Dizon (@mommybudgetarian) is a vlogger and a member of the Smart Parenting Mom Network.

    What other parents are reading

    isa sa aking mga anak ay naibili at napagbigyan sa lahat ng kanyang mga gusto noong siya ay maliit pa laman
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close