-
Paano Kung ang Anak Mo ang Bully?
Ano nga bang dapat gawin kung mismong anak mo ang nananakit ng ibang bata?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Gaano karaming bata nga ba ang nagiging biktima ng bullying? Ayon sa United Nations, mahigit kumulang 130 milyon o isa sa tatlong bata ang nagiging biktima ng bullying. Ayon pa sa naturang report, bullying ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit may mga batang ayaw nang pumasok sa eskwelahan at kung bakit ang ilan ay nagkakaroon ng mabababang marka at self-esteem.
Walang magulang na gustong maging biktima ng bullying ang kanilang mga anak. Kaya naman patuloy ang pagpapaigting ng mga magulang, guro, at opisyal ng paaralan at pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas at programang maaaring makatulong sa pagsugpo ng bullying.
What other parents are reading
Ngunit, paano kung ang anak mo mismo ang nananakit sa kapwa nila? Sa isang article sa SmartParenting.com.ph tungkol sa bullying, idinetalye kung ano ang mga hakbang na maaari mong gawin kung nakakakitaan mo ng bullying behavior ang iyong anak.
Ayon kay Michele Alignay, Ph.D., RP, RGC, isang psychologist at counselor, kailangan mong tignan ang pamamalakad mo sa iyong tahanan. May mga tinatawag na unconscious patterns na maaaring nakakaimpluwensiya sa anak mo upang lumaking isang bully. Kung lumalaki ang mga bata sa isang environment kung saan normal ang verbal at physical abuse, maaaring madala nila ito sa paaralan, hanggang sa kanilang pagtanda.
May epekto rin kung paano mo kausapin ang iyong anak. Importanteng piliin ang iyong mga salita at siguraduhing maayos din ang tono ng iyong pananalita. Importante ring binibigyan mo ng atensyon ang iyong anak, lalo na kung mayroon siyang sinasabi or tinatanong sa iyo.
Importanteng maging mabuting halimbawa
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod sa pagdisiplina sa anak, mahalaga ring maging magandang ehemplo ka sa iyong anak. Kailangan mong ipakita sa kaniya ang tamang pag-trato sa ibang tao, mula sa asawa mo hanggang sa iyong kasambahay at maging sa iyong mga kapitbahay. Tinanong namin ang mga magulang sa Smart Parenting Village kung paano nila dinidisiplina ang kanilang mga anak at kung paano nila sinisigurong hindi lalaking bully ang mga ito. Narito ang kanilang mga advice:
Ayon kay Gelai Jmnz, bata pa lang, dapat nakikita na ng mga anak kung paano magmahalan at magbigay respeto sa isa't-isa ang kanilang mga magulang. Ayon pa sa kaniya, minsan nang nainis ang kaniyang anak sa ibang bata. "Umuwi siya noon galing school at nagsumbong sa akin. Binubusit daw siya na maliit. Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi dapat siya magalit o malungkot dahil totoo naman na maliit siya at walang masama roon. Sabi ko sa kanya na kapag inulit pa nila iyon ay ngumiti lang siya at iwan sila," kuwento niya.
Kay Myrna Villanueva Tinio naman, sinisiguro niyang mayroon silang magandang komunikasyon ng kanilang mga anak. Ayon sa kaniya, isa itong paraan upang lumaki ang kanilang mga anak na hindi natatakot magsabi sa kanila ng mga nangyayari. Doon nila nakikita bilang mga magulang kung saan ba nagkaroon ng problema. Hindi rin sila agad nanghihimasok sa conflict lalo na kung ang dalawang anak nila ang sangkot. Nakikinig sila sa sitwasyon at hinihintay kung paano ito ireresolba ng kanilang mga anak.
Paano ba dapat disiplinahin ang mga bata?
Naniniwala naman si Caren Clariza Cortez sa tough love. Ayon sa kanya, binibigyan niya ng quiet time ang kanyang anak at inaalisan ito ng ilang pribilehiyo upang disiplinahin sila. Ipinaliliwanag mabuti ni mommy Caren sa kanyang anak kung alin ang mali at kung bakit ito mali.
CONTINUE READING BELOWwatch nowGinagamit naman ni Faye Sagun ang “role switching method” kung saan tinatanong niya ang kaniyang anak kung anong mararamdaman nito kung siya ang makaranas ng ginagawa niya sa iba. Ipinapaliwanag din ni mommy Faye ang mga posibleng kalalabasan ng mga ginagawa ng kanyang anak.
Nagbigay din ng tips si Tina Silva Tanjuatco. Ayon sa kanya, hindi sila nagsasawang paalalahanan ang kanilang mga anak tungkol sa mabuting asal. "Consistency is key," dagdag pa niya. Ipinaliliwanag din ni mommy Tina sa kanyang mga anak na normal lang ang makaramdam ng inis at okay lang magkaroon ng di pagkakaunawaan, ngunit hindi sila dapat nananakit ng ibang tao.
Bukod pa sa mga tips na ito, importante ring turuan ang mga bata ng accountability. "Children should grow up with rules on behavior, and be made responsible for their mistakes," ayon kay Alignay. "When parents give in to their kids' whims, do not correct misbehavior, and let kids get away with misconduct, kids tend to assume it is okay," dagdag pa niya. Hindi dapat palampasin kung mayroon mang hindi magandang ginagawa ang inyong mga anak lalo na kung nakakaapekto at nakakasama na ito sa ibang tao. Basahin dito ang ilan sa mga mabisang paraan upang disiplinahin ang iyong mga anak.
Ikaw, paano mo dinidisiplina ang iyong mga anak?
What other parents are reading

- Shares
- Comments