embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Paano Kung Mas Gusto Ng Anak Ko Sa Yaya Niya?

    Narito ang ilan sa mga dapat mong gawin kung sa yaya mo palagi tumatakbo ang anak mo.
    by Ana Gonzales .
Paano Kung Mas Gusto Ng Anak Ko Sa Yaya Niya?
PHOTO BY iStock
  • Kung isa kang working mom at mayroong yaya ang mga anak mo, siguradong dumating ka na rin sa punto na pinagselosan mo ang yaya nila. Bagaman normal na mas mapalapit ang loob ng anak mo sa yaya niya, dahil na rin mas madalas silang magkasama, hindi maikakailang masakit ito.  

    Ano nga bang dapat mong gawin kung mas gusto ng anak mo sa yaya niya?

    Isa ito sa mga kinatatakutan ng mga nanay. Walang may gusto na mangyari ito, pero minsan, napakahirap nitong iwasan. Ano nga bang dapat gawin ng mga magulang?

    Ipaliwanag kay yaya ang ibig sabihin ng boundaries

    Dahil mas mahaba ang panahon ng anak mo kasama ang yaya niya, hindi maiiwasang mas maging close siya dito. Para maiwasang mas piliin ng anak mo ang yaya niya, turuan mo na mismo kung paano mag-set ng boundaries ang yaya ng anak mo.

    More from Smart Parenting

    Importanteng palagi kang binabanggit ni yaya sa anak mo kapag wala ka. Kapag nariyan ka naman, hindi na dapat nanghihimasok si yaya sa inyong mag-ina. Kapag umiiyak si baby, ikaw ang dapat na maunang umalo sa kanya at hindi si yaya. Dapat ay alam ni yaya kung kailan siya papasok at kung kailan dapat ay nakaalalay lang siya sa iyo.     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maglaan ng sapat na oras para sa iyong anak

    Mahirap mang aminin, minsan, sa kagustuhan nating kumita ng pera, hindi na tayo nakakapaglaan ng sapat na oras para sa mga anak natin.

    Natural lang na mas hanapin nila kung sino ang mas madalas nilang nakakasama. Kaya para maiwasang mas piliin ng anak mo ang yaya niya, siguraduhin mong may sapat na panahon kang ginugugol kasama ng anak mo.

    Importanteng may oras ka sa umaga, bago ka umalis papuntang trabaho at pag-uwi mo. Hangga’t maaari, ikaw ang magpatulog sa anak mo. Basahan mo siya ng bedtime story—importanteng mayroon kayong routine at bonding activities araw-araw.

    More from Smart Parenting

    Turuan si yaya kung paano ipapaliwanag sa anak mo kung bakit wala ka

    Imposibleng hindi ka hinahanap ng anak mo habang wala ka. Ito ang isa sa mga pinakamagandang pagkakataon na magagamit ni yaya para ilapit sa iyo ang loob ng anak mo.

    Mahalagang turuan mo si yaya ng sasabihin kapag hinanap ka ng anak mo. Kailangan alam ni yaya ang basics tungkol sa trabaho mo para maipaliwanag niya ito sa iyong anak, lalo na kung nasa edad ang bata na matanong na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Magsimula ng isang simpleng family routine o tradition

    Kaakibat ng pagkukwento kay yaya tungkol sa trabaho mo, importante ring alam niya kung anong oras ka uuwi. Isa kasi itong magandang opprtunidad para manatiling malapit sa iyo ang loob ng iyong anak.

    Pwede kayong magkaroon ng simpleng family routine—kahit anong aabangan ng anak mo. Kung alam nila ang oras ng uwi mo, aabangan ito ng anak mo. Maganda at makakatulong kung mayroon siyang inaabangan araw-araw. Sa ganitong paraan, laging excited ang anak mo na makita ka.

    More from Smart Parenting

    Kalimitan, nakakaramdam ng guilt ang mga nanay kapag pinipili nilang magtrabaho. Lalo pang nadadagdagan ito sa mga ganitong sitwasyon kung saan mas kilala pa ng bata ang yaya nila. Hindi talaga maiiwasang magselos ka bilang nanay, ngunit kailangan mong maintindihan na hindi naman ito panghabang-buhay at may magagawa ka pa rin para ikaw muli ang piliin ng anak mo.

    Mayroon ka bang mga alam na paraan kung paano i-handle ang ganitong siwasyon? Ibahagi mo na sa comments section at sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles