embed embed2
Paano Sabay Maalagaan Ang Toddler At Newborn Na Walang Selosan
PHOTO BY iStock
  • Trending sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang tips ni mommy Jan Heather Muro Aguila kung paano ihanda ang ating panganay sa pagdating ng bago nitong kapatid.

    Kwento ni mommy, nagdesisyon silang mag-asawa na sundan ang kanilang panganay nang mag-isang taong gulang ito—na siya namang nangyari. Anim na buwan bago magdalawang taong gulang ang anak nila, nabuntis na si mommy.

    Para masigurong walang selosan na mangyayari, may ilang mga hakbang na ginawa si Jan. "Whether it is planned or not, we, as parents have to make sure that they are ready for another bundle of joy. You still have 9 months to prepare your child. Here are some tips to get them ready," payo niya.

    What other parents are reading

    Managing a toddler and a newborn

    Isali palagi ang toddler ninyo

    Sabi ni Jan, importante na sabihin mo agad sa panganay ninyo sa oras na makumpirma ninyo na may kapatid na siya. "Tell them that someone is coming really soon. Call it a playmate, a baby sister or a baby brother," payo niya.

    Pwede niyo ring ipakita sa kanya ang mga ultrasound photos para mas makatulong itong maintindihan niya na may baby na paparating. "They are more visual learners, it helps them to anticipate more when they can see the baby already. Practice using a doll, and teach gentle tapping para kunwari magpapatulog ng baby. It works really really well when the baby is there," pagbabahagi ni mommy.

    Iwasan ang mga salitang makakasakit sa toddler ninyo

    Narito ang ilan sa mga halimbawang ibinigay ni Jan:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Uy, 'di ka na bunso."

    "'Di na ikaw ang baby."

    Siguro, para sa atin ay biro lang ang mga ganitong kataga. Pero sa mga bata, masakit itong pakinggan, lalo na kung hindi nila lubos na naiintindihan kung ano ang nangyayari.

    "Choose your words wisely. Always let them feel that they will always be your baby forever. Always make them feel special, in every way possible," payo ni Jan. "If they are too young, like only one year old, be patient! They cannot communicate through talking, so crying is their only way to tell you how they feel," dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    Bigyan sila ng mga tasks

    Kalimitan ay gusto ng mga maliliit na bata na tumulong kina mommy at daddy. Isa itong magandang pagkakataon para mailapit mo ang loob ng panganay mo sa paparating niyang kapatid.

    Payo ni Jan, maganda kung hahayaan mong tumulong sa iyo ang anak mo sa pag-aayos ng diaper bag o delivery bag. "Make sure to give them a glimpse of "sharing". Little by little, tell them that they will have to share their toys and small clothes," payo pa niya. "When the baby arrives, let them help you a lot and don't forget to give them praise for a job well done!"

    What other parents are reading

    Ipagpatuloy lang ang inyong routine

    "Remember, infants don't know how to get jealous yet. They will sleep, eat, and poop—that's a routine," kwento ni Jan. Samantala, ang mga toddlers, nakakaramdam na sila ng selos.

    "My daughter and I have a routine during bedtime or even during daytime. She loves books. And she love it when I do story telling. When her baby sister arrived, I continue our daily routine. I give her more attention, so that she will feel that she is special," dagdag pa niya.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    "As her sister continue to grow, we stick to our routine, but this time we include the baby during our story telling time. They will get used to it."

    What other parents are reading

    Hayaan mo silang tabihan ang kapatid nila

    "With supervision, let your toddler have their own time to bond with the new baby. Let them appreciate the thought of being the bigger kid," payo ni mommy. Tandaan mo lang, huwag na huwag mong iiwan ang toddler mo kasama ang iyong newborn baby. "Always be with them when they cuddle."

    Wala na sigurong mas sasaya pa sa nanay na nakikitang nagmamahalan ang mga anak niya.
    PHOTO BY Jan Heather Muro Aguila‎

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga pewde mong gawin para maalagaan mo ang toddler at newborn mo nang hindi sila nagseselosan.

    Kailangan mo pa ba ng iba pang parenting advice? Pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close