Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 'Masarap ang Maging Ina Dahil May Purpose ang Lahat ng Paghihirap Mo'

    Kinausap namin ang ilang nanay sa pinakapaborito nilang bahagi bilang ina.
    by Anna G. Miranda .
'Masarap ang Maging Ina Dahil May Purpose ang Lahat ng Paghihirap Mo'
PHOTO BY AtnoYdur/iStock
  • Ang mabuhay kasama ang iyong pinapangarap na pamilya ay hindi nakapagbibigay ng garantiyang wala kang haharaping mga pagsubok. Sa sandaling matuklasan mong mayroong nabubuong baby sa iyong sinapupunan, agad na nababago ang iyong mundo. Hindi na maibabalik kung paano ka dati ngunit ngayo’y mas natatagpuan mong higit na matatag ang sarili.

    Ang buhay mo’y dapat lamang na mapuno ng magagandang mga bagay at makabuluhang mga alaala. Hindi mo dapat limitahan ang iyong sarili sa nilalaman ng iyong to-do lists. Posibleng sa pagiging maybahay at isang ina umiikot ang iyong buhay sa kasalukuyan, ngunit ang totoo, bahagi lamang ito ng buo mong pagkatao.

    Bilang ina, napakalalim na bukal ng kagalakan, lakas, at inspirasyon ang iyong kalooban. Pasasalamat sa biyaya ng presensya ng iyong pamilya, lalo ng bawat isa sa iyong mga anak. Karugtong ng iyong buhay ang buhay ng anak. Lagi’t lagi siya ang naiisip, inuuna mo ang kaniyang pangangailangan, at pinahahalagahan siya nang walang kapantay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Narito ang ilan sa mga pahayag ng mga nakilala kong dakilang nanay tungkol sa pinakapaborito nilang bahagi ng kanilang paglalakbay bilang ina.

    “Pinakamasayang part ng pagiging nanay ko ay ‘yong umuuwi ako at daratnan ko sila na magkasama at naglalaro, hindi man nawawala totally ang pagod pero nakaka-energize talaga.” – Joy Malonzo, program producer para sa CNN Philippines

    “Masarap ang maging ina. Hindi ko mailarawan ang pakiramdam lalo na nang una kong makita ang aking panganay na anak. Siyempre first time, nasabi ko noon sa sarili ko na totoo ba ito? Nanay na ba talaga ako? Mahirap ang adjustment para sa akin, lalo na’t hindi pa ako marunong mag-alaga ng anak. Pero totoo ang sabi nila na kapag nandoon ka na magagawa mo ang lahat at magma-mature ka nang hindi mo namamalayan. Masarap ang maging ina dahil may purpose ang lahat ng paghihirap mo at iyon ay para sa iyong mga anak.” – Malou Ocampo, guro at ina sa dalawang anak

    “Pinakagusto ko ‘yong gigising ako nang maaga tapos ipagluluto ko sila ng pagkain, paliliguan sila, bibihisan, at makita silang masasaya at malulusog.” – Monica Pilas, entrepreneur

    More from Smart Parenting

    “Wala akong ilang bagay lang na gusto (sa pagiging ina) kasi, halos lahat ng bagay (gusto ko). Masarap yung may nakakausap ka kahit anong oras ng araw o gabi kahit nasa malayo pa ang anak ko, tulad ng anak ko na nasa Australia. Masarap yung may nakukulit, tulad ng nakukulit ko yung anak kong lalaki na ipag-drive ako hindi lang pag may appointment ako kundi pati pag gusto kong maglakwatsa. Masarap yung meron kang kakulitan, binibili ang jokes mo, gustong unang makabasa ng obra mo bago mo pa maipaimprenta, taimtim na nakikinig pag nag-i-speech ka sa isang kumperensiya, feeling very proud sa ‘yo. Masarap yung alam mo at tiwala ka, na pag may nangyari sa ‘yo, tumaas ang presyon mo o ano man, anomang oras ng araw o gabi, isang text lang, isang tawag lang, ang distansya ng anak mo sa ‘yo.” –Lualhati Bautista, nobelista

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ang pinakagusto kong bahagi ng pagiging ina, ang pakiramdam na bahagi ako ng paglikha ng uniberso. Nararamdaman ko ang puwersang may malaki at malakas kaysa akin.” – Atty. Jing Panganiban-Mendoza

    Tunay ngang biyaya ang maging isang ina. Isang biyaya na dapat pahalagahan, pagyamanin, at ingatan. Gaano man ito kasalimuot o mahirap kung minsan, mayroon pa ring masasaya at makukulay na bahaging mag-iiwan sa iyo ng mga ngiti sa pagtatapos ng bawat araw, at mga dahilan upang magpatuloy pa nang mayroong pag-asa at pananalig.

    Si Anna G. Miranda, Van (sa kaniyang pamilya), o Vins (sa kaniyang malalapit na kaibigan), ay kasalukuyang nagsusulat ng una niyang aklat na pinamagatang Tawambuhay. Nawa'y matapos niya ito sa gitna ng pagtatanim ng mga cactus, pagtulala, at panonood ng K-drama.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles