-
Di Pinansin Na Pamanang Lupa Ng Ina Sa 11 Anak, 5 Ektarya Pala, May Ilog At Falls Pa!
Labing-isa ang naging anak ni Nanay Leoning, na binuhay nito sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay sa palengke ng Cainta, Rizal.
- Shares
- Comments

Madalas ikuwento ni Nanay Leoning Suque sa mga anak noong nabubuhay pa ito na may minana itong lupa mula sa kanyang ina.
Ang nasabing property ay nasa Bicol.
PHOTO COURTESY OF NOEL SUQUEPHOTO COURTESY OF NOEL SUQUEADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAt nais naman nitong ipamana ang nasabing lupa sa mga anak. Labing-isa ang naging anak ni Nanay Leoning, na binuhay nito sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay sa palengke ng Cainta, Rizal.
Ayon kay Noel, isa sa mga anak ni Nanay Leoning, kahit lumaki sila noon sa kahirapan, sagana naman sila sa pagmamahal at magandang pag-uugali dahil sa ganoon sila pinalaki ng kanilang mabait at masipag na ina.
Pagbabahagi niya, “Napakabait ng nanay ko. Madaling-araw pa lang, nasa palengke na siya, nagtitinda na.”
Ayon naman sa isa pa niyang kapatid na si Consolacion Baula, “Basta ang nagluluto ng ulam namin ay ang nanay namin. Kahit anong ulam iyan, masarap kasi masarap magluto ang nanay namin.”
Saad ng isa pa nilang kapatid na si Arturo, “Ang nanay ko talaga, napakamatuwid niyan. Ayaw niyang nagnanakaw kami.”
Na sinusugan ni Noel, “Kaya kami hindi natutong magsugal. Napakabait po, sila ng tatay ko hanggang sa tumanda sila.”
CONTINUE READING BELOWwatch nowSumakabilang buhay na si Nanay Leoning sanhi ng mild stroke noong 2004.
Naalala ang lupa makalipas ang 17 na taon.
Ani Noel, nakalimutan na nila ang tungkol sa lupa na binanggit ng ina sa kanila.
Napag-usapan na lang nila uli iyon ng mga kapamilya makalipas ang 17 taon nang isang tiyahin naman nila ang pumanaw noong July 2021.
Sinabihan sila ng kanilang mga kamag-anak na silipin ang lupa ng kanilang ina dahil matagal nang walang tumitingin doon. Ani Noel, “Nabanggit nga ng isang tita ko na kung maaari pasyalan namin ang lupa ni Nanay.”
Nagkataon namang bagsak ang negosyo niyang tindahan dahil sa pandemya kaya naisipan agad ni Noel na tingnan ang lupa ng kanyang ina at alamin kung may oportunidad doon.
Namangha sa pamana.
Noong July 5, 2021, kasama ang isa pang kapatid na si Joey, bumiyahe sila patungong Barangay Kutmon, Bato, Camarines Sur kung saan naroroon ang lupa ng kanilang ina.
At gayun na lang ang kanilang gulat sa kanilang natuklasan...Ang ipinamana pala sa kanila ni Nanay Leoning ay hindi ordinaryong lote o kapirasong lupa lang. Umaabot iyon sa limang ektarya ang lawak! Nasasakop din nito ang burol at bahagi ng isang ilog—at malapit sa 50-feet tall Bagacay Falls!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO COURTESY OF NOEL SUQUEPHOTO COURTESY OF NOEL SUQUEADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO COURTESY OF NOEL SUQUENakita rin agad ni Noel ang potensiyal ng lupain para sa negosyo. “Maaaring mag-alaga ng kambing sa mga gilid-gilid. Maraming puno.”
Emosyunal pa niyang sambit habang nakatingin sa ilog na kulay asul ang tubig, “Parang may yumakap sa akin na malamig. Sabi ko, ‘Siguro kasama ko ang nanay ko."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIingatan ang legacy ni Nanay Leoning.
Nag-create si Noel ng YouTube channel, ang Honda Best Bros., kung saan inia-upload niya ang updates tungkol sa lupang kanilang minana.
Nagdesisyon ang magkakapatid na i-develop ang lupain. Ayon kay Arturo, “Imbes na paghatian namin iyan, walang sizes. Sandali lang yung pera, e.”
PHOTO COURTESY OF NOEL SUQUEADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagtatayo rin sila ng maliliit na bahay na parang campsite para hindi na nila paghati-hatian ang property. Plano ng magkakapatid na lalo pang pagyamanin ang property para may magiging legacy din sila sa kani-kanilang mga anak, gaya ng iniwang pamana sa kanila ni Nanay Leoning.
May mga 'di inakalang pamana din ba na iniwan ang inyong mga magulang? Ano ang iniisip ninyong ipamana sa inyong mga anak? Ibahagi ito sa comments section.
Basahin kung paano gumawa ng last will and testament dito.
Alaming kung ikaw ay 'compulsary heir' dito.
This article was originaly published on Pep.ph.
Minor edits were added by Smart Parenting editors.
What other parents are reading

- Shares
- Comments