Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Natutulog Pa Rin Sa Isang Kama Sina Patrick At Nikka Garcia At Ang Kanilang Mga Anak

    Inaamin ni Nikka, "Parang ako ang nahihirapan pag hindi sila natutulog with us."
    by Jocelyn Valle .
  • Para sa mag-asawang Patrick at Nikka Garcia, kailangan ay meron silang conscious effort na maiwasan ang favoritism sa kanilang three daughters. Ang panganay, si Michelle, ay 6 years old at nasa preschool na. Sumunod si Patrice, 3, at ang bunso, si Pia, ay 2 years old na sa December 27.

    Pantay-pantay ang pagiging hands-on nila sa mga anak at hindi nila inaasa sa yaya ang pag-alaga sa mga ito. Isinasama rin nila ang mga ito sa mga event, kung hindi man tatlo sila ay kung sino lamang ang pupuwede sa schedule, at sinisiguro nila na walang selosan ang mamagitan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wala ring problema sa paggamit ng hand-me-downs, ani Nikka sa SmartParenting.com.ph sa isang event kamakailan. Maging sa mga damit at laruan ay tinuturuan nilang mag-asawa ang mga bata na mag-share. Isang panuntunan nila sa pagbili ng bagong laruan ay ang pagpasa ng bata ng lumang laruan sa charity.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Close ang buong Garcia family na pati sa pagtulog ay sa iisang kama sila nahihiga. Ito ay hindi dahil sa ayaw ng mga bata na matulog sa sarili nilang mga silid, bagkus desisyon ito ng mag-asawa. Pag-amin ni Nikka, “Parang ako ang nahihirapan pag hindi sila natutulog with us. It’s more for us than the kids talaga.”

    Ang problema lang, dagdag niya, kapag nagkasakit ang isa sa kanila ay susunod na ang iba. Aniya, “It’s so hard to isolate one child, di ba? Like, ‘Sige, do’n ka muna sa yaya.’ Or hiwalay kaming mag-asawa. Hindi rin naman ako mahiwalay sa asawa ko. So, bahala na.” Pahayag naman ni Patrick, “Magkasakit na lang tayong lahat.”

    Nagkuwento pa ang aktor na ipinapaubaya niya kay Nikka ang tamang pagkain ng mga bata. “Siyempre ang asawa ko, siya ang nagbabasa ng nutrition facts. Ako, basta masarap, okay na tayo do’n.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi naman daw siya istrikto sa mga kinakain ng kanilang mga anak, paliwanag ni Nikka. “I allow them sweets, as you can see,” sabay turo kay Patrice na kasama nila sa event na sa mga oras iyon ay kumakain ng dessert. “But you know what, my daughter, nagpapapak ’yan ng ampalaya.”

    More from Smart Parenting

    Dugtong niya tungkol sa hindi pagiging pihikan ng mga bata, “They’re not scared of vegetables at all. It’s also important to show them that we’re not scared. They make us gaya, so if they see, it’s good and we like it, they’ll eventually try. But, of course, if they like gummies, chocolates, I’m also there to say, ‘Okay, you can have but not so much.’ Parang good balance.”

    Ang binabantayan nila nang husto ay ang paggamit ng gadget dahil gusto nilang lumaki ang mga bata kung paano silang mag-asawa na lumaki sa panahon na walang mobile phone at iPad. Kaya hinihikayat nila ang mga ito na gumawa ng totoong laro sa loob o labas man ng kanilang bahay at magkaroon ng iba-ibang extra-curricular activities.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Patrick, “Actually, mas busy pa ang mga bata kesa sa amin. It’s very important for us to keep them busy kasi pag dating sa bahay, it’s so hard to burn off those energies. We enroll them in different activities, a combination of physical and of course, educational.”

    Basahin dito ang kwento ng isang nanay na dating nag-judge ng mga magulang na nagbibigay ng gadget sa mga anak kapag nasa restaurants.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles