embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Pauleen At Maricar, Challenging Pero Enjoy Ang Toddler Stage Ng Kanilang Unica Hija

    Parehong 2 years old ang mga anak nina Pauleen Luna at Marica de Mesa.
    by Jocelyn Valle .
  • Pansin ni Pauleen Luna na ngayong 2 years old na si Talitha Maria, ang unica hija nila ng mister na si Vic Sotto, ay naging mas makulit at mas active ito. Mainam raw ito dahil dati ay mailap ang bata sa ibang tao.

    “Mas medyo open na siya, she feels like acting, dancing, performing,” lahad ng Eat Bulaga! host sa SmartParenting.com.ph kamakailan sa isang event. “’Yon ang ini-embrace namin. Hindi pa naman siya do’n sa pinakakulit. Nag-i-start pa lang. Kaya before siya tumodo kulit, i-embrace na namin.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ni Pauleen na “chill baby” talaga ang kanyang anak na may nickname na Tali. Isang beses pa lang daw ito nag-tantrum at hindi pa diumano “wild na wild” kaya hindi pa talaga niya naranasan “mag-discipline nang todo.” Gayunpaman ay hinahanda na niya ang kanyang sarili sa panahong kakailanganin na niyang gumamit ng disciplinary action.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katulad ni Pauleen ay 2 years old na din ang nag-iisang anak ni Maricar de Mesa na si Sky. Sabi ng aktres hindi daw totoo sa kanilang kaso ang tinatawag na “terrible two.” Sumusunod naman daw si Sky sa kanya, kung minsan lamang ay kailangan niyang pagsabihan ito at habaan pa ang pasensiya.

    “’Yong patience ko compared no’ng when I was single, ibang-iba sa ngayon,” komento niya sa amin sa parehong event. “Kasi I try not to get angry or not to raise my voice every time. Kailangan matinding explanation with every little thing. Kasi parang iba na ang panahon ngayon. Hindi na katulad noon na pinapalo. Parang di ko siya kayang paluin.”

    Ang ginagawa na lamang ni Maricar ay kausapin ito at kapag nagpatuloy pa ang tantrum ay di na lang niya muna pinapansin. May pagkakataon daw kasi na kapag inaalo niya ang bata ay lalo itong umiiyak. Kaya naisip niya na hayaan na lamang ito “just let her be, malabas niya ang inis, tantrum niya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    ’Yon nga ang nangyayari makaraan ang ilang minutong di niya pagpansin sa bata. Lalapitan daw siya habang nagsasabi ng “Mommy, Mommy” at yayakap. Sabi pa niya, “I even tell the yayas at home na huwag niyo pansinin. Kasi mai-spoil pag maya-maya ginagano’n mo, ‘Sky, hello, okay!’ It doesn’t work that way. Pag nakuha niya ang gusto niya, uulit-ulitin na niya. So akala niya, it’s the right way.”

    Pareho sina Pauleen at Maricar na nagbibigay ng permiso sa kani-kanilang mga anak na gumamit ng gadget. Ani Pauleen ay walang problema basta educational ang gamit ng gadget. Minsan nga daw ay si Baby Tali pa ang umaayaw dahil naiinip ito. “Gusto na niya skip,” sabi niya. “Pag nakita ko na gusto na niyang palitan nang palitan, pinapatay ko na para maglaro na siya. ’Yon ang parang signal ko na she’s getting bored. For me naman, pag puro nursery rhymes naman, baby dinosaurs naman, ’ta’s mga letters, numbers, I don’t see anything wrong kahit matagal.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aminado naman si Pauleen na “medyo guilty” siya sa pagpayag na kumain si Baby Tali kaharap ang gadget. Paliwanag niya, “Kasi minsan, I know it’s not the most ideal, but sometimes it calms her down. But not naman every time.”

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kaniyang parte, sinisikap ni Maricar na bantayan ang paggamit ni Baby Sky ng gadget. Ang problema lang, umiiyak daw ito kapag pinahinto na. May pagkakataon din namang ang bata na mismo ang nagbabalik sa kanya ng gadget dahil tapos na daw ito gamitin o di kaya ay bored na din. Gusto daw kasi ng kanyang daughter na iba-iba ang ginawa at “very curious kid” ito.

    Pareho ding ipinasok nina Pauleen at Maricar ang kanilang mga anak sa play school. Kuwento ni Pauleen na dito nagkakaroon ng playmate si Baby Tali dahil walang ibang bata sa bahay nila. Two hours daw ang play school at pagkatapos ay nap time na kaya sakto daw sa pagdating nilang mag-asawa mula sa trabaho, bilang cohosts ng noontime show, ay gising na ang bata.

    Ayon naman kay Maricar ay noo’ng 1 year at 5 months pa si Baby Sky nang magsimula itong pumasok sa isang progressive play school setup. Sa susunod ay sa traditional preschool at elementary school naman niya ipapasok. International school naman daw sa high school bilang paghahanda sa college sa U.S. American citizen daw kasi ang ama ng bata kaya dual citizenship si Baby Sky.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Know what top local experts say about gadget use here.

    More from Smart Parenting

     

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles