-
Ako Raw Mali! Pinakialaman Na Rin Ba Ang Spelling At Pronunciation Ng Pangalan Ng Anak Mo?
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.
Sa nakaraang Instagram stories ng celebrity mom na si Ellen Adarna, ibinahagi niya kung paano siya tinuruan ng isang follower kung paano dapat bigkasin ang pangalan ng anak niya.
Sabi ng naturang fan sa kanyang mensahe, mas magandang i-pronounce na "Eh-la-yas" ang pangalan ng anak ni Ellen sa halip na "El-yas" na siya namang paraan ng pagbigkas ng aktres.
"It sounds nicer in English speaking countries, in my opinion," sabi pa ng nagpadala ng mensahe.
Hindi naman nangiming magsabi si Ellen ng sarili rin niyang opinyon. Sagot niya, "Ellen = Elias. He is my son after all."
PHOTO BY Instagram Stories/Ellen AdarnaSabi pa ng aktres, kanya-kanya tayo ng paraan ng pagbigkas ng pangalan ng ating mga anak. "Your son's name is probably Elias and it's pronounced the way you want it. Go giril! You do you," sagot niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagtanong kami sa aming Facebook group na Smart Parenting Village kung naranasan na rin ba nila ito. Dito namin nadiskubre na madalas nangyayari ang karanasan ni Ellen.
Marami ring mga nanay sa Village ang nagsabing naranasan din nilang itama sila ng ibang tao pagdating sa spelling at pagbigkas sa pangalan ng anak nila.
Sabi ng isang nanay, "Yo-han Kris-tef" daw ang tamang pagbigkas sa pangalan ng kanyang baby girl. Ngunit halos hindi raw tanggapin ng isang clerk sa city registrar ang pangalan dahil panlalaki raw ito at mali ang pagkakabigkas.
Marami ring nagsasabing panlalaki ang napiling pangalan ng isang mommy sa anak niya na "Ar-kin" ang pangalan. "Our-queen" daw ang laging nagiging bigkas ng mga tao.
"Ade-leyn" naman ang pagbigkas sa pangalan ng anak ng isang nanay sa Village, ngunit "line" ang pagbigkas ng iba at sinasabi pang masyado raw kasing maarte ang pronunciation.
"Se-ree-na" naman ang pagbigkas sa isa pero "si-re-na" ang pilit na sinasabi ng ibang tao.
Sa obserbasyon ng ilang mga magulang, tila bahagi na ng kultura nating mga Pilipino na itama ang pagbigkas ng pangalan ng ibang tao sa halip na tanungin ang magulang at irespeto ang paraan ng pagbigkas.
Kwento pa nila, mapilit daw talaga ang ibang tao minsan. Tulad na lang sa kwento ng isang magulang na "Yosh-an" ang pagbigkas ng pangalan ng anak. Pilit daw siyang itinatama na dapat ay "Yo-sheyn" ang pagbigkas ng pangalan.
"Please don't get me wrong," malimit pa raw sabihin sa kanila, tulad ng naranasan ni Ellen.
Naisip nga ng isang nanay, hihintayin na lang niya na ang anak niya ang magtama sa mga maling bumibigkas sa pangalan nito. "Ro-wis" daw dapat ang banggit, ngunit "Roys" ang pilit na sinasabi ng mga tao.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKwento pa ng isang mommy, mas naging masigasig siya na tignan ang mga dokumento ng anak niya dahil laging napapalitan o namamali ang spelling. "Nathanael" daw ang pangalan ng anak niya, pero laging pinapalitan ng "Nathaniel".
Pagbabahagi naman ng isang nanay, "Syan" at "Syon" ang bigkas sa pangalan ng mga anak niya, sa halip na "Si-yan" at "Sa-yon".
Marami pang mga pangalan ang ibinahagi ng mga nanay na talaga naman daw ipinapaliwanag pa nila at ipinaglalaban dahil pinapalitan at "itinatama" ng mga tao.
Naranasan mo na rin ba ito? Anong sabi nilang "dapat" na paraan sa pagbigkas sa pangalan ng anak mo? I-share mo na iyan sa comments section. Mahahanap mo ang thread ng kwentuhang ito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Smart Parenting is now on Quento! We love it because it personalizes news and videos based on interests. Download the app here!
Download on Android devices here
Download on iOS devices here
What other parents are reading

- Shares
- Comments