Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Travel Tips Kasama Si Baby? 'Goodbye Awra' Ang Payo Ni Mommy!

    Dadgdag pa nya, “Huwag kang magpapaniwala sa pinterest at IG! Kalimutan mo na ‘yang pegs mo." Basahin ang mga nakakatawang travel tips niya.
    by Ana Gonzales .
Travel Tips Kasama Si Baby? 'Goodbye Awra' Ang Payo Ni Mommy!
PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel
  • Tawa kami ng tawa nang makita namin ang post ni mommy Vikki Dianne Masaquel sa Smart Parenting Village. Relate na relate din ang ibang mga magulang na nakabasa ng kanyang post patungkol sa kamakailan lang na three days at two nights nilang pag-iikot sa Bacolod.

    Na-capture kasi ng post ni mommy Vikki ang struggles ng pagbabakasyon kasama ang mga maliliit na bata. Kaya naman nang makauwi na siya at nag-sink in na lahat ng na-experience nilang mag-anak sa kanilang bakasyon, isinulat ni mommy ang kanyang mga tips kung paano mag-survive sa isang getaway lalo na kung may kasama kang maliliit na bata.

    Kapag may kasamang bata, pack house! 

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa unang takeaway ni mommy, sinabi niyang kailangan mong gamitin ang mga maleta mong de-gulong dahil mas mapapadali nito ang buhay mo. Huwag ka ng mag-attempt na mag “pack light” dahil kapag may bata kang kasama, kailangan mo talagang i-anticipate ang lahat ng pwedeng mangyari.

    Para sa amin, mas maraming extra na damit, mas maganda, lalo na kung mainit ang panahon. Magdala ka rin ng maraming pamunas, lalo na kung makalat kumain si baby at kung malikot din siya. 

    More from Smart Parenting

    Mag-rent ng sasakyan para di masira ang tendons at ligaments sa balikat ninyong mag-asawa!

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Booking a tour package is one of the right decisions I made for this trip,” kwento ni mommy Vikki. Sabi pa niya, dalawa raw sa mga na-encounter nilang challenges ay ang antok at init. kaya naman hindi niya pinagsisisihang nagbook siya ng tour package at sasakyan para makaikot sila ng walang problema.

    “Imagine mo, tatlong mabigat na bag ang dala ninyong mag-asawa, tapos dose kilos pa si bagets na ayaw magpababa at maligalig pa. Tapos magco-commute kayo. Tignan ko lang kung may matira pa sa tendons and ligaments ng balikat niyo,” sabi ni mommy. “The reason kaya nag book ako ng package tour na private para I can alter the trip anytime we want and we can sleep sa car na aircon while in transit,” dagdag pa niya.

    Huwag mong problemahin ang itinerary!

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa takeaway number three naman ni mommy Vikki, sinabi niyang dapat ay lagi kang handa para sa mga detours. Isa pa raw sa mga challenges na naranasan nila (at mararanasan din natin o naranasan na) ay ang pagiging unpredictable ng ating mga anak. Sinabi pa niyang kalimitan, ibang-iba ang expectations natin sa mga totoong nangyayari.

    “I thought na ma-eenjoy niya ‘yung mga dinosaurs and all sa Campuestuhan. May pool at playground din doon. Pero noong nandoon na, after taking some photos, wala na siya sa mood dahil mainit na at oras na rin ng tulog niya,” kwento ni mommy. “Dahil naglalakad na siya, ang assumption ko when I booked the flight is, aakayin lang namin siya. Hindi rin nangyari, nagpakarga siya nang nagpakarga,” dagdag pa niya. Sabi pa niya, ganoon daw siguro talaga kapag bago pa sa kanila ang isang lugar. It takes time bago nila ito magustuhan.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mag-book ng hotel na malapit sa lahat!

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel

    Dahil bakit ka pa nga naman magpapakahirap kung pwede namang malapit lang sa inyong mag-anak ang lahat ng major attractions na dapat puntahan, pati na rin ang mga kainan at emergency locations? “Pili ka rin ng malapit sa mercury, sa 711, sa tom’s world, sa grocery, yung malapit na lang kaya sa inyo? cubao or ortigas area, mga ganyan?” sabi pa ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Goodbye awra!

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel

    “Huwag kang magpapaniwala sa pinterest at IG! Kalimutan mo na ‘yang pegs mo. Add to cart ka pa? PM sent ka pa kay sis para sa twinning costume ninyo? ‘Pag ‘yan nainitan, ‘yung sando at short niya pa rin ang pinaka komportable. Pag antok yan kahit anong gawin mo hindi ‘yan ngingiti at pag nakita niya ang tubig ng dagat o kung ano pa mang bagay na interesado siya, hindi na niya papansinin ang IG dad niya,” sabi ni mommy sa kanyang post.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Order now, eat later!

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel

    Siguradong naghintay ka ng matagal para matikman ang mga pagkaing meron sa lugar na pupuntahan ninyong mag-anak. Pero ayon kay mommy Vikki, gaano ka man kasabik na kainin ang mga pagkaing pinlano mo ng matagal dapat ay ihanda mo na ang iyong sarili na kumain ng malamig na kanin at sabaw, pati na rin natigang na inihaw. “Masanay na rin kumain mag-isa dahil ang siste, kakain muna ang isa habang bantay ang isa, or else, walang makakakain at all dahil si bagets hahawakan ang kutsara, ang tinidor, ang mangkok, lalagyan ng toothpick, tissue sa lamesa, pati kalayaan mo, mars! maniwala ka, hawak niya!” kwento ni mommy. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bring her beshy!

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel

    Dito kami talagang humagalpak sa tawa. Huwag na huwag daw itong kalimutan sabi ni mommy Vikki! “Kung sino man ‘yang lagi niyang katabi pagtulog or magic pampatulog—si Jollibee, si Barney, ulo ng dinosaur, bote ng coke, lampin, special unan, kulambo, whatever!” Kailangan daw dalhin talaga. “Malaking tulong sa amin si “Mimim.” Minsan sa inis ko, ang nasabi ko, “Ano? mahalaga pa ba sayo si mimim kesa kay Mami?” Hindi siya sumagot. Tapos niyakap niya si Mimim,” sabi ni mommy. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Gaano man kahirap ang traveling with young children, hindi natin maikakailang nakakatulong talaga sa kanila kapag isinasama natin sila sa mga travels natin. Para kay mommy Vikki, ang traveling ay isang magandang paraan para makakuha ng bagong experience ang ating mga anak. ‘Yung mga nakikita lang nila sa TV, mararanasan nila firsthand. Nadiscover din ni mommy and daddy ang mga hilig gawin ng kanilang anak, tulad ng hilig nito sa paglangoy at paglalaro. Ngunit ang pinakaimportanteng benefit ng travel na nakikita ni mommy ay ang kakaibang level ng bonding experience na nararanasan nilang mag-anak.

    PHOTO BY Vikki Dianne Masaquel
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “‘Pag momshie ka na, sa dami ng iniisip mo, minsan yung basic nalilimutan natin. So ipapaalala ko lang. May bagets na tayo mga momshies. Iba na ang buhay natin. Iba na rin ang biyahe natin,” sabi niya.  

    “At the end of the day, I realized, it’s no longer about me, my itineraries, the foods I want to eat, the places I want to see. It’s about her. The new experiences she will gain, the new things she will discover, and the moments we will make as a family.”

    Mayroon ka bang sarili mong nakakatawang travel tips? I-send mo lang sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Maaari ka ring maging bahagi ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles