Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Biro ni Pokwang 'Pagkalabas na Pagkalabas Nila sa Earth' Napabakunahan ang Mga Anak

    Kinausap namin si Pokwang kung may pagbabago ba sa pagpapalaki nya kay baby Malia.
    by Jocelyn Valle .
Biro ni Pokwang 'Pagkalabas na Pagkalabas Nila sa Earth' Napabakunahan ang Mga Anak
PHOTO BY @itspokwang27/Instagram
  • Ang dalawang anak ni Pokwang na pawang mga babae ay may malaking agwat sa edad. Si Mae-Mae ay 23 years old at si Malia naman ay halos 1-year-and-9-month-old pa lamang. (Ang panganay niyang anak na si Shin ay sumakabilang-buhay noong 1998.) Ngunit giit ng aktres na wala halos pinagkaiba ang pagpapalaki niya sa mga ito.

    “Ako ang disciplinarian talaga,” kwento nya sa isang phone interview ng SmartParenting.com.ph. “Kung paano ko pinalaki na hindi spoiled si Mae-Mae noon, gano’n din si Malia ngayon. Ang hirap lang kasi ang inaalala ko ’yong isa, si Mae-Mae. Malaki na siya, nagda-drive na. Si Malia, since toddler siya ngayon, natatakot ako sa mga bagong sakit na makuha.”

    Nababahala si Pokwang — ang totoong pangalan nya ay Marietta Subong — sa mga sakit tulad ng polio na noong 2000 pa napuksa ngunit naiulat kamakailan ng Department of Health na bumalik muli. Mabuti na lamang at maagap siya pagdating sa usaping pangkalusugan, lalo na sa kanyang mga anak simula “pagkalabas na pagkalabas nila sa Earth,” ika niya na hindi maitago ang pagiging komedyante. Si Malia, halimbawa, ay kumpleto sa vaccine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Maging si Pokwang mismo ay health conscious sa edad na 47. Kuwento niya sa amin na “pala-exercise ako no’ng araw” at “addict ako sa workout.” Huminto na rin daw siya sa paninigarilyo. “Kaya din ako nabuntis kasi nag-healthy-healthy-han ako. So nakatulong din ’yon para makasabay ako sa kakulitan niya,” aniya, patungkol sa kanyang bunsong anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang ama ni Baby Malia ay ang American actor na si Lee O’Brian, na leading man ni Pokwang sa kanilang pelikula na Edsa Woolworth (2014) na kinunan sa U.S. Sa pagpapalaki sa kanilang anak, masayang pahayag ni Pokwang na kulturang Pilipino ang nananaig.

    “I’m not saying hindi maganda ang kultura nila, pero mas ano kasi sa atin,” diin niya. “Sa kanila kasi karamihan ang tawag sa magulang, pangalan lang.” Si Pokwang ay tinatawag na Mamang ng mga bata habang si Lee ay Papang naman.

    More from Smart Parenting

    Pagpapatuloy niya, “Sa akin, dapat may pagmamano. Kasi nawawala na ’yan. Ang mga bata ngayon naaano sa mga high tech-high tech…Gusto kong ibalik ang ganyang pag-u-ugali. At bilang magulang, ako pa rin ’yong masusunod. Habang nasa poder ko, hindi puwedeng magmatigas din. Ngayon, kung kaya mo na ang sarili mo, at saka ka lumandi. Habang ako ang nagpapaaral sa ’yo, ako ang masusunod hanggang umayos ang buhay mo.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa wika, minabuti nila Pokwang at Lee na matuto si Baby Malia ng parehong English at Filipino. “Kailangan din naman,” paliwanag niya. “Kasi siyempre, ’yong mga lolo’t lola niya sa Amerika, para may communication naman sila. Mahirap din naman kung puro Tagalog ka, hindi naman sila marunong mag-Tagalog do’n.”

    “Kapag kami ni Papang ang kausap niya, English siya,” dagdag niyang pahayag. “Pero ’yong mga nag-a-alaga sa kanya, okay na ang Taglish kasi siyempre hindi naman ’yan grumadweyt ng Harvard. Basta pag English ang kausap niya, makakapag-English siya. Pag Tagalog, gano’n din. Para hindi siya mabebenta.”

    More from Smart Parenting

     

    Sa nakaraang ABS-CBN Ball 2019, na ginanap noong September 14 sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City, kasama ni Pokwang si Baby Malia na dumalo sa taunang red-carpet event ng kanyang home network. Marami ang natuwa sa pagiging cute at entertainer ng bata kaya’t hindi daw malayo na pasukin din nito ang showbiz.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


    “Dati kay Mae-Mae, tinanong din ’yan,” pahayag ni Pokwang. “Kasi may itsura naman ang anak ko, di ba? Eto, mestiza naman. Kung ano ang gusto nila sa buhay, bahala sila. Kung ayaw mag-artista e di huwag. Pag gusto, suportahan.”

    Ang mahalaga para sa kanya ay maalagaan nang mabuti ang anak. “Ang pagiging nanay, hindi natatapos pag nailabas mo na siya, e,” paliwanag niya. “Paghahandaan mo siyempre ’yong pag-aaral, lahat… Hindi ako puwedeng kumalma-kalma ulit. Dati, kumalma ako kasi grumadweyt na si Mae-Mae. May Malia na, so magsikap ka na ulit. Kasi kailangan paghandaan mo ang kinabukasan niya. Si Mae-Mae na may magandang edukasyon, dapat eto din. ’Yon lang din naman ang puwede mong ipamana talaga.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kasalukuyan ay abala si Pokwang sa kanyang regular TV show na Banana Sundae at sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity bilang leading lady ni Vic Sotto. Nakatakdang ipalabas ang Mission Unstapabol sa Pasko, December 25, bilang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Kabilang din siya sa cast ng bagong teleserye na katatampukan ng mag-love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina. May dalawa pang pelikula na gagawin si Pokwang bago matapos ang taon.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles