mother-in-law,Tagalog,Smart Parenting Village,sp confessions,Mom Shares Struggles After Becoming Pregnant Out Of Wedlock,Family/Children,People & Society,Genres,parenting group,authoritarian parenting,new parents,parenting style,parenting features,parenthood,A mom explains why she's not okay with taking in her mother-in-law.
ParentingReal Parenting

#SPConfessions: 'Noon, Hindi Matanggap Ni MIL Na Nabuntis Ako Ng Anak Niya. Ngayon, Kami Daw Ang Kakargo Sa Kanya'

"Hindi ako magpapaka-ipokrita. Hindi tayo masamang tao if gusto natin kumawala sa lahat ng trauma ng buhay."
PHOTO BYADOBE STOCK

Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

I got pregnant out of wedlock.

We were going on seven years as boyfriend-girlfirend nung nabuntis ako. And we were practicing safe sex. We got that 1-2% chance of getting pregnant while on pills.

We grew up in a Christian community. My husband's mother was a pastor. Imagine the chaos when I got pregnant. Di yan matanggap ng mother-in-law ko. Inapakan niya buong angkan ko dahil nga nabuntis ako ng anak niya. Inungkat na hindi graduate ng college most family members ko. Pati mga pinsan ko, hindi rin nakaligtas. Sinabihan niya din kami na pera ang habol namin sa anak niya, kahit na that time, mas malaki ang salary ko kaysa sa anak niya.

I had a very difficult pregnancy dahil sa stress. More than 10 times ang diagnosis ng "threatened ab0rtion" sa akin ng doctor. No matter how many times sabihin ng boyfriend (hindi pa kami kasal that time) na hindi ako pwede bumangon, na naka-bedrest ako, hindi nila kami pinakinggan. Yes, NILA. Pamilya ng boyfriend ko that time, walang may pakialam sa medical condition ko. Para mapatawad nila kami, pinatayo nila kami ng more than one hour sa harap ng mga tao sa church para mag-apologize. After nyan, saka lang sila na-satisfy. Kinagabihan niyan, nasa hospital na naman kami.

Pero hindi pa diyan nagtapos, nagwala ang tiyahin ng asawa ko kasi hindi nya nagustuhan 'yung wedding invitation namin, at dahil hindi kami nakapunta sa apartment nila na 3rd flr na pagkatarik-tarik dahil sa scheduled dinner sana namin. Hindi ko kinaya pumanhik dahil na din ayaw ng doktor. Nagbigay kami ng alternative na mag-dinner kami sa labas pero dinecline. Kaya nagwala na lang sya sa church. Nanigas 'yung tiyan ko that time, wala ni isa sa kanila ang tumulong sa akin kundi ang mga churchmates namin.

watch now

We decided na wag sila sagot-sagutin. 'Wag sila patulan kahit puro kasinungalingan ang kinakalat nila. Lahat ito ginawa namin dahil gusto ng lola ko na 'wag kaming papatol sa lahat ng panunuligsa nila kahit buhay ko at buhay ng anak ko ang halos maging kapalit.

Natuloy ang kasal. Malaki na ngayon ang anak namin. I am still healing. I am choosing myself and my family. Now, gusto ng mga kamag-anak ng asawa ko na kami ang kumargo sa MIL ko. Ayaw ng asawa ko, at lalong ayaw ko. When my father-in-law died, asawa ko lang lahat ang nag asikaso kahit may kapatid naman siya sa Pinas, siya lang tumulong sa kanila. Now that our family is recovering from all that we've been through, gusto nila na mag-adjust uli kami sa needs nila.

So, NO. Hindi ako magpapaka-ipokrita. I can forgive, but I will never forget the pain they made me and my son go through. I am choosing myself, and hindi ako masamang tao for choosing this.

To anyone na nakaranas mabasag ng paulit-ulit, get up and choose yourself. This time, sarili mo unahin mo. Hindi tayo masamang tao if gusto natin makawala sa lahat ng trauma ng buhay.

Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.

Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close