embed embed2
  • Regine At Mariel, Nagbahagi Kung Paano Sila Hands-On Moms

    Ang dalawa ay ilan sa mga celebrity moms na dumalo sa isang baby fair.
    by Jocelyn Valle .
  • Sina Regine Velasquez at Mariel Rodriguez ay ilan sa mga celebrity moms na dumalo sa 2020 Grand Baby Fair, ang taunang shopping event ng kiddie products, na ginanap sa SM Megamall. Nagkaroon sila ng kani-kanilang talk noong February 1, kung saan sila namahagi ng mga karanasan at kaalaman sa pagpapalaki ng bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang unico hijo ni Regine na si Nate Alcasid ay 8 years old na, ngunit di niya malilimutan na noong baby pa ito ay nakakaamoy siya ng senyales na magkakasakit ang bata. Aniya, “Somehow, ’yong body niya would emit this aroma. Usually, I’d smell it in his head.”

    Patuloy niya, “Like after one day I smelled it, alam ko na lalagnatin siya. Somehow, nakakapag-prepare ako. I’m the only one who could smell the aroma. It’s a connection between mother and child talaga.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Noong panahon ding iyon, tutok ang singer/actress/TV host sa pagpaplano ng mga gagawin para sa araw ni Nate. Ngayon daw ay si Nate na ang nagpaplano ng mga gagawin nila sa isang araw. Minsan daw ay sinabihan siya na magpipinta sila at may pagkakataong nagkaroon sila ng “Nature Walk.” 

    Pag-alala niya, “’Tapos mamimitas siya ng mga bulaklak, ibibigay niya sa amin. Pero do’n lang naman kung saan kami nakatira. Maglalakad-lakad lang kami. Nature walk daw ’yon.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hilig daw talaga ni Nate ang outdoors, at boto naman siya dito. Ang payo din niya sa mga kapwa magulang na samahan ang mga anak na lumabas ng bahay. Mainam daw ito sa kalusugan at nagpapatibay ng bonding ng mag-anak. 

    More from Smart Parenting

    Paliwanag pa ng tinaguriang Asia’s Songbird, “Nowadays kasi nakatutok na sa gadgets ang mga bata. It’s very important to expose them. Fresh air is very good to them, plus the sun. You get your Vitamin D, which is very important to their immune system.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento niya na minsan ay nagpi-picnic sila sa open spaces sa University of the Philippines-Diliman, na di naman kalayuan sa bahay nila sa Quezon City. No’ng mas bata si Nate ay nagpupunta sila doon ng bandang alas-kuwatro hanggang palubog na ang araw.

    Minsan din daw ay hindi na sila lumalayo sa subdivision kung saan sila nakatira dahil may golf course doon. Pag wala raw naglalaro ng golf ay nagpapaalam sila sa guard upang lumagi doon kahit sandali lang.

    “Favorite niya ang picnic,” sabi ni Regine sa panganay nila ng mister na si Ogie Alcasid. “And he’d prepare pa the food. Mag-aano siya ng sandwich. Kakausapin niya ang cook namin, ‘We have to prepare food for mommy.’ Pupunta kami, tatlo lang kami.”

    More from Smart Parenting

    Sa kabilang banda, tinalakay naman ni Mariel Rodriguez ang ligtas na pagbibiyahe kasama ang mga bata. Siya at ang kanyang mister na si Robin Padilla ay may dalawang anak na babae. Si Isabella Padilla ay three years old at si Gabriella Padilla naman, three months old sa February 16. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Parehong sa United States ipinanganak ng TV host ang kanyang mga anak, at doon daw niya natutunan ang halaga ng road safety. Aniya, “Tinuturo talaga nila ’yon sa hospital. Hindi ka nila papayagang lumabas na si baby hindi nakalagay sa car seat.”

    Laking tuwa ni Mariel na naibatas na ang pagsusuot ng car seat para sa mga bata dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Republic Act No. 11229, o ang Child Safety in Motor Vehicles Act. Ngunit alam din niya ang hamon para sa mga magulang na mapanatili ang bata sa car seat habang bumibyahe.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad siya, “Normal na nagwawala si baby pag nilagay sa car seat. Dati, akala ko may problema pero si baby siyempre gusto na kasama ka. Eventually, masasanay din sila. It’s just a matter of training them.”

    More from Smart Parenting

    Ang panganay nga daw na si Isabella ay gusto ding lumabas do’n sa car seat at may pagkakataon na tinatanggal niya ito saglit basta hindi tumatakbo ang sasakyan. May kahabaan kasi ang byahe mula sa kanilang tirahan sa Paranaque City hanggang sa Quezon City, kung nasaan ang studio ng ABS-CBN, at sobrang traffic pa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pahayag pa niya, “The best travel tip is to make sure your baby is safe. Have the best car seat that you can get to your baby. Depende sa weight and age ni baby. Si Isabella, third car seat na niya. I started with a newborn car seat, then nag-move on kami sa umiikot. Meron ng car seat na nahihiga, so feeling ni baby nakahiga. Pag-newborn car seat, dapat mas madaling ma-detach at ikabit naman sa stroller.”  

    Dagdag niya na hindi niya nakakalimutan na magdala ng mga pang-aliw sa kanyang mga anak, tulad ng snacks at toys. May TV rin sa loob ng sasakyan para mas malibang pa at hindi mamalayan ng mga bata na dumating na sila sa kanilang destinasyon.

    Sa air travel naman daw ay mainam na itaon ang flight sa gabi para matutulog lang ang bata sa eroplano. Huwag din daw kalimutan ang snacks at toys. Tiyakin din na lumulunok ang mga bata. Nakatulong daw ang pacifier kay Baby Gabriella, pero hindi kay Isabella. Iyakin daw si Isabella sa eroplano noong baby ito at dinaan na lang niya sa dasal na maging okay ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles