Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Rufa Mae Quinto: Hindi Madali Ang Nasa Isang Long-Distance Marriage

    Mahirap ang kanilang setup mag-asawa lalo na sa kanyang anak na 2 taong gulang pa lamang.
    by Jocelyn Valle .
Rufa Mae Quinto: Hindi Madali Ang Nasa Isang Long-Distance Marriage
PHOTO BY @rufamaequinto/Instagram
  • Bagamat nasa long-distance relationship si Rufa Mae Quinto at ang kanyang mister na si Trevor Magallanes, isang Filipino-Chinese na tubong Amerika, nananatiling matatag ang kanilang pagsasama at pagiging magulang sa kanilang kaisa-isang anak na si Athena Alexandria.

    Naririto si Rufa Mae sa Pilipinas kasama si Baby Athena, na magdadalawang taon na sa darating na Pebrero, upang ipagpatuloy ang kanyang pag-a-artista. Si Trevor naman ay nasa U.S. at nakapagtapos kamakailan ng kurso sa San Francisco Police Academy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Inamin ni Rufa Mae na hindi madali ang kanilang kalagayan lalo na kay Athena. “Mas mahirap kasi umiiyak siya, e,” lahad niya sa SmartParenting.com.ph sa pamamagitan ng telepono. “Siyempre nag-a-adjust. Pero ini-explain na lang namin na he [Trevor] has to work.”

    Pansin din ni Rufa Mae ang pananabik ng bata kaya’t halos araw-araw magkausap ang mag-ama sa tulong ng video call. Pinaplano din nilang mag-asawa ang pagbisita sa isa’t-isa, kung hindi man dito ay doon sa kabilang panig ng mundo. Katulad na lamang noong nakaraang Mayo, lumipad patungong San Francisco si Rufa Mae at Baby Athena upang dumalo sa graduation ni Trevor. Doon na rin ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 41st birthday.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakatakdang magkakasamang muli ang pamilya sa katapusan ng buwang Oktubre. Sa kasalukuyan, si Rufa Mae muna ang solong nagpapalaki kay Baby Athena. Itinuturing niya ang sarili bilang disciplinarian sa “sakto lang” na paraan.

    “Mahirap namang pilitin ang tao,” pangangatwiran niya. “So parang pinagbibigyan ko. Pero kapag hindi na nakakatuwa, siyempre didisplinahin na.”

    Pinaiiral na lamang niya ang pagbigay ng walang katapusang pag-unawa at pag-alala sa kanyang anak, na kung ilarawan niya ay parehong mabait at makulit. “Nakakapagod pero dapat walang tigil,” aniya. “Di ba ang mga magulang natin, paulit-ulit? ’Yon pala kasi hindi natin naaalala. As a parent, for me, that’s all I can do: reminding.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Abala si Rufa Mae sa online selling ng kanyang designer goods sa pamamagitan ng Instagram accounts na @rufamaecloset at @rufamaeclearance. Meron na rin siyang shop sa Greenbelt 5 mall sa pakikipagtulungan sa isang leather repair at restoration specialist.

    Nitong ika-17 ng Oktubre, nag-anunisyo siya ng clearance sale sa kanyang Instagram account, @rufamaequinto. Sinabi niya sa caption na masaya siya na maibahagi ang blessings nilang mag-ina, tulad ng branded na mga laruan, bag, makeup, at accessories. Dagdag pa niya, “Kaligayahan ko na makita, makausap mga tao at may gawin kesa isipin ko asawa ko araw-araw dahil miss na miss na naming mag-ina. Nabibigyan ko pa ng extra income mga fans na beshie ko na.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagsalita din siya hingil sa mga taong may ibang intrepretasyon sa “selling and decluttering” ng mga gamit. “Anong masama magbenta or magnegosyo para umasenso?” tanong niya, sabay bigay paliwanag. “May anak na ako, gusto ko habang lumalaki si siya meron sya makitang maganda na ginagawa ng nanay nya, yung something may structure, something na papamana ko forever! Sipag at tyaga, kagandahan, kaayusan! Maging mabuti sya sa tao, kahit mayaman o mahirap, lahat pantay-pantay tayo!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sa naunang panayam naman ni Rufa Mae sa amin, sinabi niya na nag-umpisa ang online selling niya nang unti-unti dahil na rin sa kakulangan ng espasyo para sa kanyang mga gamit. Aniya, nagiging masikip na ang tinutuluyan nila ni Baby Athena sa pagmamay-ari niyang condominium unit sa Makati City.

    “’Ta’s nag-enjoy na ’ko sa ginagawa ko. Ayoko nang tumigil,” sabi pa niya. “Inipon ko ’yon. Kumbaga, sa ilang years ko sa showbiz, isa-isahin mo ’yon.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Namana niya ang pagiging negosyante sa kanyang yumaong lola na nagtaguyod ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng buy and sell. Pinag-aralan din niya kung paano patakbuhin ang kanilang sariling negosyo habang tumanggap din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan. Napagpasyahan niya na personal na makita ang mga mamimili para masiguro na maaalagaan din ang kanyang mga gamit dahil napamahal na siya sa mga ito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles