;
embed embed2
  • Nagsimula na nga ang NBA finals kahapon, October 1, at talaga namang napakaraming basketball fans ang nag-abang para mapanood ang laban sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat.

    Samantala, ibang kwento naman ang nangyayari sa mga #BallIsLife daddies—alam na alam 'yan ng Kapuso star, daddy, at NBA fan na si Paolo Contis.

    READ THESE STORIES FEATURING THE CONTIS FAMILY

    Habang napakainit kasi ng bakbakan ng dalawang teams, napakalamig naman ng pinapanood niyang pelikula—ang Disney film na "Frozen" na paboritong-paborito ng kanyang anak na si Summer.

    Sa larawang ibinahagi niya sa kanyang social media accounts, kitang-kita ang saya ng kanyang baby girl samantalang bakas na bakas naman sa mukha niya ang sakripisyo (LOL!).

    Dagsa sa comments section ang hinagpis ng mga tatay na kapareho niya ngayon ng sitwasyon. Gumising pa naman daw sila ng maaga para maabutan ang laban pero Cocomelon, Frozen, at Blippy pala ang papanoorin nila.

    Relate ka ba kay daddy Paolo? Anong pinanood mo sa halip na NBA finals? I-share mo na iyan sa comments section.

    READ THESE STORIES FEATURING THE CONTIS FAMILY

    May mga nakakatawang litrato ka bang tulad ng kay daddy Paolo?

    Ipadala mo na 'yan sa smartparentingsubmissions@gmail.com para ma-feature!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles