embed embed2
  • Saludo Si 'Full-Time Dad' Kay Misis Sa Paghanda Ng Pagkain Ni Baby Bago Pumasok

    Nilagay ni Daddy ang appreciation post sa Facebook group namin na halos mommies ang miyembro.
    by Jocelyn Valle .
Saludo Si 'Full-Time Dad' Kay Misis Sa Paghanda Ng Pagkain Ni Baby Bago Pumasok
PHOTO BY courtesy of Jason Lee Parco
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Mahalaga para sa mag-asawa na magtulungan upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Importante rin na bigyan halaga ng isa’t-isa ang pagganap sa kanya-kanyang tungkulin, na kung minsan o kadalasan pa ay higit sa inaasahan. 

    Ito ang mensahe ng appreciation post ng “full-time dad” na si Jason Lee Parco para sa kanyang misis na si Mhae Reyes, isang teacher. Si daddy ang naiiwan sa bahay kasama ang kanilang daughter na 20 months old. 

    Ibinahagi ni Jason ang kanyang post sa Smart Pareting Village Facebook group nitong January 11, 2021. Kalakip dito ang litrato ng mga food container na maayos na nakalagay sa loob ng freezer ng refrigerator.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad ni Jason patungkol kay Mhae, “Kahit sobrang busy niya sa pagtuturo, hinding-hindi niya hinahayaan na wala siyang nape-prepare na food para sa aming baby. Complete ’yan mula breakfast hanggang dinner. Sobrang na-appreciate ko lang ’yung wife ko sa effort niya para sa baby namin.

    “Kaya SALUDO sa lahat ng Mama/Nanay/Mommy d’yan na sobrang maalaga sa kanilang mga baby! Keep safe po sa lahat! Salamat po!”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sumang-ayon naman ang iba pang Smart Parenting Village members, at nagpahayag pa ng paghanga. Mayroon ding nagkaroon ng ideya kung paano iorganisa ang pagkain para sa anak na naiiwan din sa pangangalaga ng househusband. 

    Nagtanong naman ang ilan ng mga detalye ng food preparation at storage, kaya ipinasa ni Jason ang pagsagot kay Mhae.

    Paliwanag ng working mom na veggie dishes ang laman ng mga food container na nakalaan para sa kanilang anak.

    Aniya, “Para kung sakali na hindi puwede sa kaniya (or ayaw ko pa para sa kaniya) ang ulam namin, may sure po siya na sarili niyang food. Like monggo, chop suey, ginisang kalabasa, sayote.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Pinagpa-pasta ko rin po siya, pero ang sauce ay fresh tomatoes. ’Yung oil po na gamit ko sa pagluto ay olive oil, ’tapos white pepper lang po pampalasa. Di ko pa po siya masyado ine-expose sa matamis at maalat.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles