embed embed2
  • Madaling Sabihin, 'You Deserve Self-Care.’ Pero Bakit Mahirap Gawin Kapag Nanay Ka?

    A first-time mom shares her realizations why mothers also need to love themselves.
    by SmartParenting Staff .
Madaling Sabihin, 'You Deserve Self-Care.’ Pero Bakit Mahirap Gawin Kapag Nanay Ka?
PHOTO BY Shutterstock/BonNontawat
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    I remembered someone asked me during college days, "Kapag nagkasakit ang nurse, sino ang mag-aalaga?"

    This phrase went through my head over and over. Hindi ko na maalala iyong sinagot ko sa kanya noon pero na-realize ko na nurse ka man o hindi, magandang maging independent at huwag kalimutang ang self-care.

    Noong mga huling linggo ng Pebrero, gusto ko na talagang bumalik sa trabaho bilang nurse pero bigla namang kumalat ang COVID-19. Dito ko naisip na importante talaga ang self-care.

    I am a first-time mom and masasabi kong ang hirap talaga. Napakahirap sa umpisa dahil hindi ka sigurado sa mga ginagawa mo. Parati mong tatanungin ang sarili mo, "Am I doing this right?' Hindi ko rin alam kung kanino ako mag-o-open up dahil natatakot akong mag-condemn o ma-misjudge ng mga close-minded people. 

    Dahil sa pandemic, nakaramdam ako ng extreme sadness. I felt so helpless and hopeless. Bumaba rin ang timbang ko — nabawasan ako ng 5 kilos sa loob ng dalawang linggo. 

    Hanggang ngayon, I am still healing mentally, emotionally and physically through my own interventions. I am thankful to my support system for not taking advantage of me, and for continuing to make me feel I'm worthy enough to live. 

    Kahit pala feeling independent ka, kailangan mo pa rin maski isang tao na mapagkakatiwalaan mo. Isang tao na pwede mong i-share ang iyong happy moments at mapakita ang iyong natural na sarili. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan mo siya dahil may iba namang mga tao na mamaliitin ka. Sabi ko sa sarili ko, 'huwag ka magpapaapekto diyan kasi masisira lang ang araw mo at ang mindset mo. Hindi naman sila ang bumubuhay sa anak mo.' 

    Right now, I have found myself. I understand what I need, what I want and what I love. Kasi minsan na ako nagpadikta sa kung ano ang gusto nila, ngayon ako naman. Sarili ko naman kung saan ako sasaya.

    Heto ang ilang self-care tips na natutunan kong gawin:

    1. Magkaroon ng daily bath time.

    2. Kapag napagod ka na kay baby or kapag na-feel mo na ang burnout, ipasuyo mo muna sa iyong partner. Kung wala naman si partner, sa magulang o sa kapatid mo muna si baby. Para na rin sa iyong "me-time."

    3. Reconnect with your friends. Mag-iwan ng message or tumawag sa kanila.

    4. Matulog ng 7 to 9 hours a day.

    5. Manood ng funny videos sa YouTube at Tiktok o kaya manood ng movie sa Netflix.

    6. Makinig sa mga pinakapaborito mong kanta at maki-singalong.

    7. Mag-exercise ka! Yoga, zumba, o kaya 'wogging' (combination ng walking at jogging).

    8. Magbasa ng self-help book at mag-sulat sa journal. Put your thoughts on paper.

    Ang pinakahuli at importante: Practice loving and understanding yourself more. Ikaw ay original. Nag-iisa ka lang sa mundong ibabaw kaya alagaan mo ang sarili mo.

    This piece was submitted by a SmartParenting.com.ph reader who wishes to remain anonymous. Edits have been made by Smart Parenting editors.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Click here for more ways to care for yourself while caring for your child.

    What other parents are reading


Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles