Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Sinukuan Ko Na Ang Traffic, Dito Na Lang Ako Sa Bahay

    Hirap ka ba sa commute? Narito ang ilan sa mga tips ng mga working moms and dads sa Smart Parenting Village.
    by Ana Gonzales .
Sinukuan Ko Na Ang Traffic, Dito Na Lang Ako Sa Bahay
PHOTO BY iStock
  • Nakakalungkot mang isipin, mukhang bahagi na talaga ng buhay natin ang traffic. Kung tutuusin, isa ito sa mga malalaking factors na nakakaapekto sa ating mga pang araw-araw na desisyon. Mahirap ito para sa lahat, pero doble hirap ito para sa mga magulang. Lalo na’t hindi lang naman tulog at pahinga ang nasasakripisyo ng mga nanay at tatay. May mga magulang na umaabot pa sa puntong pakiramdam nila, hindi na sila kilala ng mga anak nila dahil majority ng araw nila, ay wala sila sa bahay.

    Ngunit dahil kalimitan ay wala namang choice ang mga magulang kundi sumabak sa traffic para kumita ng pera, humanap na lang sila ng paraan para kahit papaano ay mas maging madali ang mga buhay nila. Narito ang ilang payo mula sa mga magulang sa Smart Parenting Village:

    Mangupahan malapit sa trabaho

    Mahal ang gasolina at nakakastress magmaneho kaya para sa ilan, mas naging praktikal ang mag-rent ng bahay na mas malapit sa kanilang mga opisina. “I moved to a closer place to save time and save money from grab. Mas mahal yung rent pero lesser pamasahe and it saved my sanity,” sabi ni mommy Eyah Ballada.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sabi naman ni mommy Jea Ziur, uwian daw siya mula sa bahay nila sa Bulacan hanggang sa trabaho niya sa Quezon City. Pero dahil madalas na magkaroon ng issues patungkol sa provincial buses, nagdesisyon na lang siya na kumuha ng service—‘yun nga lang, napagastos naman ng matindi si mommy Jea, kaya nagdesisyon na lang silang tumira malapit sa trabaho. “Gas at toll gastos ko kaya we decided na magrent na lang near sa workplace since both kami ni hubby QC ‘yung workplace. Ngayon na lumipat kami five minutes lang nasa work na ako. Same with hubby. More time na kami para kay baby.”

    Pumili ng mas maagang schedule

    Maswerte ang ilang mga magulang sa Village na nagta-trabaho sa mga kumpanyang may flexible hours. Ilan sa mga nag comment ay nagsabing pinili talaga nila ang maagang oras dahil less traffic at hindi pa ganoon kainit ang panahon. Mas maaga rin silang nakakauwi dahil bago pa mag-rush hour, nasa biyahe na sila. “Our BGC office offers 3 work schedules: 7am-4pm, 8am-5pm, and 9am-6pm. Most of us went with the 7am-4pm schedule. Since maaga siya, I also need to leave early at 5:30am but based on experience it's still more convenient kasi less traffic and less commuters pa in MRT,” sabi ni mommy Janelle Shio

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sumali sa carpool communities

    Bukod sa pagkuha ng maagang schedule ni mommy Janelle, nagca-carpool din siya kasabay ang mga kaopisinang may company cars. “I get to sleep while travelling going home sometimes and it also saves me transpo fare. Good thing I have really good officemates who share rides with us,” sabi niya. Ganito rin ang strategy ni mommy Aileen Hidalgo at effective ito sa kanya lalo na’t sa Kawit pa siya nakatira. “Commuting via public transportation (bus, jeep) including wait time would take two hours to forever to BGC Taguig,” kwento niya. “Been doing carpool for two years and so far this is the fastest and convenient mode of transportation to work. Just search for carpooling pages on Facebook for those who want to try carpooling,” payo niya. 

    Ilan pa sa mga payo ng mga magulang ay magdala ng magandang earphones at gumawa ng maraming playlists para hindi mainip sa biyahe. “Ako, 90's genre, para nostalgic,” sabi ni mommy Margarita. Nagpayo rin ang mga magulang na hindi mo dapat i-take for granted ang iyong katawan. Kapag may pagkakataong matulog, matulog ka sa biyahe. Kapag maaga namang nakarating sa office at hindi ka pa nakapagbreakfast, mag breakfast muna.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    May mga magulang na sumuko na sa traffic at nagdesisyon na lang na magtrabaho sa bahay. “Sinukuan ko na ang araw-araw na two to three hours na biyahe—nag homebased job na lang ako. Best decision ever, araw-araw ko na kasama kids ko, natutukan ko pa sila,” sabi ni mommy Aurora Altuna Tolentino.

    Kakaiba naman ang technique na ginawa ni daddy Irone Boquiron. “I bike-commute every Mondays, Wednesdays, and Fridays. I can afford to leave home as late as 6am during these days to cover the 8-kilometer distance from Marikina to Quezon City and still have enough time to take a bath (lucky we have a shower at our workplace!) and still time-in by 7am!” kwento niya. Mabilis lang ding makauwi si daddy kahit pa sa Katipunan siya dumadaan dahil naka-bike siya. 

    More from Smart Parenting

    Sabi nga ng aktres at padedemom na si Marian Rivera, kanya-kanya tayo ng paraan para mag-cope a challenges ng traffic. May mga umaalis ng sobrang aga, may mga nag Nenetflix and Chill sa gitna ng EDSA, may nagma-make up na lang sa sasakyan, at ‘yung iba, nagdadala na ng neck pillows para makatulog na lang sa daan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw, paano mo nilalabanan ang traffic? I-share mo lang sa aming online community na Smart Parenting Village. Kung may kwentong traffic ka, maaari mo itong ipadala sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles