Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Solenn On Baby Essentials: 'Reading Books Gives Me Anxiety'

    Anu-ano nga bang mga kailangan mong bilhin para sa iyo at sa iyong bagong silang na sanggol?
    by Ana Gonzales .
Solenn On Baby Essentials: 'Reading Books Gives Me Anxiety'
PHOTO BY Solenn Heussaff/YouTube
  • Aminado ang first-time mom na si Solenn Heussaff-Bolzico na na-ooverwhelm siya pagdating sa usapang baby essentials. Sa kanyang bagong vlog, idinetalye niyang ‘zero knowledge’ talaga siya pagdating sa kung ano ang dapat niyang bilhin.

    Kaya para makatulong sa mga katulad niyang first-time moms, humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigang si Jess Tan Gan na may isa ng anak at kasalukuyang buntis sa kanyang pangalawa. “She’s here to help all of the new moms out there, and myself, figure out what are the things you actually need,” kwento niya. “Because obviously, when you enter a store, it can be overwhelming with everything that’s available and everything they’re trying to sell you,” dagdag pa niya.

    “I know the feeling of being a first-time mom,” pakikisimpatya ni Jess. “So much of motherhood, online or when people talk about it, it seems so overwhelming, and I realize it doesn’t have to be that way,” paliwanag pa ni Jess. Ayon pa sa kanya, pwede naman itong maging simple at enjoyable. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Saan ka nga ba dapat magsimula? Narito ang mga panimulang items na highly recommended ni Jess:

    More from Smart Parenting

    Binder

    “I highly recommend, not recommend—I will force you, to wear a binder, whether you’ve had a C-section or a normal birth,” pagsisimula ni Jess. Wink ang recommended niyang brand ng binder dahil ayon sa kanya, malabot ito at breathable.

    Breast pump 

    “The second would be the Hakaa,” pagpapatuloy ni Jess. Ayon sa kanya, noong siya ang first-time mom, hindi niya alam na kapag nagpapadede ng baby sa isang boob ay mag-leleak ang kabila, kaya kailangan mo ng Hakaa para makuha ang letdown na gatas.

    More from Smart Parenting

    Baby soap 

    Pagdating naman sa sabon ng baby, nirekomenda ni Jess ang Sacred Newborn Cleanser. “It’s a local brand—it’s for the baby, but you can also use it on yourself as part of your skincare,” sabi niya. 

    Nipple cream

    “Nipples crack and bleed,” ayon kina Jess at Solenn. Ngunit sabi nga nilang dalawa, hindi naman laging ganito ang mangyayari—mabuti lang na ikaw ay handa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Milk bottles 

    Tinuruan din ni Jess si Solenn na kung gusto niyang si Nico ang magpadede sa kanilang baby, ililipat lang niya ang gatas mula sa Hakaa papunta sa milk bottles.

    Breastfeeding cover

    Ayon kay Jess, piliin ang cover na may wire sa itaas, para hindi tumama sa mukha ni baby ang tela at makita niyo ang isa’t-isa habang nagpapadede ka. Ang Bebe au Lait Nursing Cover ang isa sa mga brands na may space para masilip mo si baby.

    Overalls and onesies

    “They’re (babies’) necks are still very fragile,” ayon kay Jess, kaya mas magandang pumili ng baby clothes na hindi mo na kailangang isuot sa kanilang ulo.

    More from Smart Parenting

    Swaddles and lampins

    “You don’t even need to buy baby towel,” sabi ni Jess, kung saan natawa naman si Solenn dahil, ayon sa kanya, kabibili lang niya ng marami.

    Nursing bra 

    Ipinakita rin ni Jess kay Solenn kung anong itsura ng nursing bra. “Breastfeeding bras have this clip,” pag-dedemonstrate niya. “You want to think everything is ‘booby access’—even clothes,” paliwanag niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinakilala rin ni Jess si Solenn sa local brand ng nursing bras na Milk Easy. Idinesenyo ito ng mga ina kaya naman maganda at akma para sa pangangailangan ng mga bagong panganak. Ang kanilang mga nursing bras ay hindi lang para makapagpadede ka, kundi para na rin makapag pump ka.

    Diaper 

    “How does this work?” tanong ni Solenn. “How many times a day? Because a newborn poops like…” “It depends on your baby,” sagot naman ni Jess. “For me, I think it was eight to 10 diapers in a day,” kwento niya.

    Kung gusto mong makatipid, pwede kang gumamit ng reusable diapers lalo na kung nasa bahay lang naman kayong mag-ina. Ipinakita ni Jess kay Solenn kung ano ang itsura ng cloth diaper at kung paano ito gamitin.

    More from Smart Parenting

    Bath sink cover 

    “I put this on my sink so I can let the baby lean and then this is how I wash him,” paliwanag ni Jess. “It can be used on any sink and I find it so useful and so much more hygienic than wipes—and eco-friendly, because wipes don’t disintegrate,” dagdag pa ni Jess.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Medical kit

    “You won’t need it right away, depends on your baby, but something good to have on hand are: saline drops, for clogged nose, snot suckers, thermometer, and medicine,” payo ni Jess. 

    Bukod pa sa mga bagay na ito, nagbahagi rin ng ilang tips si Jess kay Solenn at sa mga followers nito:

    “People, I feel, don’t put a lot of emphasis on, is how you need to prepare your husband,” kwento ni Jess. “Motherhood can be a little bit isolating when everything is just in your head and you’re figuring it out,” pagpapatuloy niya. 

    Ayon pa kay Jess, sa ating mga asawa, mukang kayang-kaya natin lahat dahil napapakain ang bata at nagagampanan natin ang ating iba pang obligasyon, ngunit pagdidiin ni Jess, importanteng ang mag-asawa’y magtulungan. “To me, it was very important that my husband was hands-on,” kwento niya.

    More from Smart Parenting

    Sa website ni Solenn, makikita ang ilan pang mga tips na ibinahagi ni Jess. Una na sa listahan ang pagtanggap ng hang-me-downs. Ayon kay Jess, mabilis lumaki ang mga bata at malinis naman ang mga babies kaya hindi kailangang bago lagi ang gamit—mas eco-friendly din ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Natutunan din ni Solenn na malaki ang maitutulong ng mga classes para ihanda siya sa kanyang bagong role. Ayon sa kanya, mahalagang sumali sa mga breastfeeding ang lactating classes, sleep classes, birthing classes, at newborn first-aid classes.

    Payo pa ni Solenn, “Take it easy! Rest well, stay at home, eat well, and drink a lot of liquids.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles