Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Enjoy Si Suzi Entrata Sa Kanyang Parenting Stage Ngayon: 'Parang Barkada Ko Na Sila'

    Tatlong teens na ang anak ni Suzi at ng kanyang asawa na si paolo Abrera.
    by Jocelyn Valle .
  • Dahil sunod-sunod sa edad ang tatlong anak ni Suzi Entrata at ng kanyang mister na si Paolo Abrera ay naging malaking challenge ang pagpapalaki sa mga ito, lalo na’t hands-on parents sila. Pag may isang umiyak sa gabi, halimbawa, iyakan na silang lahat. Ngayong teenager na sina Leona, 16, Jade, 14, at Nella, 13, masaya silang mag-asawa na “graduate” na sila sa gano’ng parenting stage.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Sobra ko nang nae-enjoy ang stage na ’to,” kuwento ni Suzi sa SmartParenting.com.ph kamakailan sa isang event kung saan siya ay nagsilbing host. “Ang sarap kasi parang barkada ko na sila.”

    Subalit may hatid din itong bagong challenge dahil aniya sa paggamit ng gadget at cellphone. May mga napagkasunduan na silang rules sa bahay at kinakailangan niyang mag-follow up pa sa mga ito.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “May time lang sila na puwedeng gumamit ng gadget,” paliwanag ng Unang Hirit host. “But as you know, it’s also used for homework. Minsan, mahirap i-police. Totoo bang pang-homework ’yan? ‘Ah, I need to ask my classmate.’ For research online daw.”

    Madalas na sinasabihan ni Suzi ang mga anak na imbes na mawili sa gadget ay gamitin ang oras sa pagpapahinga o pagkuwentuhan. Pero inaamin din niya sa mga ito na maski siya ay nahihirapan tanggihan ang paggamit ng gadget kaya naiintindihan niya ang sitwasyon nila.

    Sa usaping crush, wala pa daw umaamin sa kanyang mga dalaga. Katunayan, siya pa ang nagbubukas ng paksa sa pagkakataong may napansin siyang binata na maaaring matipuhan ng mga ito. Pag sinabi daw niyang, “This guy is cute” ay sasagutin lamang siya ng “Nah, he’s okay.”

    “Parang they always find a way to downplay the kaguwapuhan of this person,” komento ni Suzi. “When I ask them about boys in school — it’s such a small school — parang wala naman silang nabanggit. They are coed. Wala din namang nagtutuksuhan sa mga kapatid because they would know each other’s circles. So far, wala pang umaamin.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Naiintindihan naman ni Suzi kung bakit hindi pa makapag-open up ang mga anak tungkol sa love life dahil private matter ito. Naalala niya na maging noong kabataan niya ay hindi siya basta-basta nagsasabi ng kanyang crush kahit close siya sa mga magulang niya. “Cute pa no’ng maliliit sila,” sabi niya, tungkol sa pagsasabi kung sino ang crush nila. “Pag malaki na, totoo na. It’s real.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pag nagkukuwento naman ang mga ito tungkol sa mga kaibigang nasa relasyon na ay sinisigurado ni Suzi na nakikinig siya at nagkokomento ng walang judgment. Iniiwasan niya na magsabi ng “They shouldn’t do this” o kaya “They shouldn’t do that.” Sa ganitong paraan ay malalaman at masasabi nila na “mukhang hindi naman judgmental itong nanay ko o tatay ko baka puwede akong magsabi sa kanila someday.”

    Pansin ni Suzi na kung “chill” daw siyang nanay ay “super relaxed” namang tatay si Paolo, na isa ring TV host. Ngunit hindi naman tahimik ang kanilang bahay. Naiingayan nga daw ang kanyang mister dahil siya at ang kanilang mga dalaga ay madadaldal at “super chikahan” ang ginagawa. Sa kabilang banda, nalulungkot din naman ’yon kapag wala silang apat na babae sa bahay.

    Dagdag pa ni Suzi na pagkatapos nilang magkaroon ng third daughter ay pinag-usapan nilang mag-asawa kung gusto pa nilang magkaroon ng kahit one son. Aniya sa paliwanag ni Paolo, si God lang ang makakaalam kung babae o lalaki ang magiging anak nila. Makakatulong ang “tips and tricks,” pero “no guarantee” pa rin. Hindi rin biro ang magpalaki ng isa pang anak. Kaya napagdesisyonan nilang huminto na sa kanilang Tres Marias. Ika nga niya, “Sarado na ang canteen.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles