embed embed2
  • Sinusunod ng pamilya nila Doug Kramer at Chesca Garcia-Kramer ang stay-at-home recommendation sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon. Idinaan ni Doug sa Instagram ang pagbibigay pugay sa frontliners ng bansa kontra COVID-19.

    Pahayag ng pro basketball player sa caption, “To all our health workers, doctors, nurses! Praying your safety and health! You guys are in the front line, and we understand your sacrifice. Thank you, thank you! May God bless you guys even more and keep you safe!”

    What other parents are reading

    Homeschooling para sa Team Kramer 

    Samantala, ikinuwento ni Chesca sa Instagram din ang pagbibigay niya ng timely assignment sa kanilang homeschooled kids na sina Kendra, 10; Scarlett, 8; at Gavin, 7. Pinagsulat ng teacher-mommy ang mga bata ng “reflection on their thoughts, feelings and learnings (so far) on this pandemic crippling so many.” Nais daw niya kasing malaman ang saloobin ng kanyang mga anak at maipahayag ito sa written word.

    Paliwanag ng host/actress/endorser, “I wanted them to look deep within them and put to words all that they feel. After this we will have a discussion so that we can all process this as a family. Keep each other strong not just physically but also mind and soul. I agree with Kendra that, in the end we all must do our part and after that lift all that we cannot control to the Lord.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkatapos basahin ang kani-kanilang essay, namangha si Chesca sa pagkakaiba nila Kendra at Scarlett. Lahad niya sa isa pang Instagram post, “It amazes me how my two daughters are always together but express themselves so differently. The same thought but their words are dissimilar. One thing is for sure though, there is evident strength in the both of them. Strength found in their faith and trust in the Lord.”

    What other parents are reading

    Home activities ng Team Kramer

    Bago pa man ang COVID-19 pandemic, may iba-ibang indoor family activities na ang celebrity family. Kung lalabas man sila ng bahay para sa iba pang gawain ay sa loob lamang ng kanilang bakuran o kaya ay sa kalapit na lugar. Narito ang ilan sa mga home activities ng Team Kramer: 

    Paggawa ng old school photo album

    Kuwento ni Chesca sa isa niyang Instagram post na ngayong panahong digital na ang paggawa ng halos lahat ng bagay ay pinipili pa rin nila ang ilang nakagawian na para maging mas special ang kanilang family bonding. Isa rito ang pag-print ng kanilang digital photos kahit mas accessible ang mga ito sa kanilang camera phone at laptop. Napapangiti daw siya kapag nakikita niya ang framed family photos nila na nakapaskil sa kanilang dingding bilang paalala ng pagiging blessed nilang mag-anak.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    What other parents are reading

    Pagbabasa ng libro

    Sinabi ni Chesca noon sa isang parenting event na dinaluhan ng SmartParenting.com.ph na hilig niyang magbasa ng libro at panay ang bili niya ng libro hindi lang para sa kanya ngunit pati sa kanyang mga anak. Nais kasi niyang mahalin din ng mga ito ang pagbabasa. 

    Sa iba pang IG post ng mother of three ay masaya niyang ibinahagi kung ano ang ginagawa niya at kanyang two daughters isang umaga. Aniya, “Here is another way we spend time together by reading beside each other.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habang ang panganay na si Kendra daw ay nagbabasa ng sarili niyang libro ay nagsasalo naman sila ng pangalawang si Scarlett sa iisang libro. Dagdag niya na mga akda ng British children’s book author na si Roald Dahl ang kanilang binabasa. Nagtapos ang IG post ni Chesca sa isang kasabihan: “A child who reads will be an adult who thinks.”

    What other parents are reading

    Pagtatala sa keepsake journal 

    Ipinakita kamakailan ni Chesca sa kanyang Instagram followers ang mom-and-daughter keepsake journal na iniregalo niya kay Kendra at Scarlett. Tig-isa sila dahil, aniya, ang bawat bata ay may natatanging life journey. Nais din niyang maging kumportable ang two girls sa pagkukuwento sa kanya ng kanilang saloobin. At iyon na nga daw ang nangyayari kaya thankful siya at excited sa mga ibabahagi pa nila.

    Pagluluto

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ni Chesca sa isa pang Instagram post na humiling ang mga tsikiting ng mas maraming oras na makapiling siya maliban sa kanilang homeschooling at reading activities. Kaya naisip niya ang isang bagay na matagal-tagal na rin nilang hindi nagagawa—ang pagluluto. Napili niyang gumawa ng ube jam, at ikinatuwa ito nila Kendra, Scarlett, at Gavin dahil gusto nila ang ube. Masarap naman daw ang kinalabasan nito. 

    Pagtipon ng mga di na sinusuot na mga damit

    Nang pumutok ang Taal Volcano noong January 2020, may ilang lugar sa paligid nito ang naapektuhan. Inilikas ang mga residente at nangailangan sila ng tulong sa pagtira pansamantala sa evacuation center. Maraming nagpa-abot ng tulong, tulad ng Team Kramer.

    Lahad ni Chesca sa isang IG post, “Proud of my babies who volunteered to set aside all their pre-loved clothes to donate to those affected by the calamity that happened last week. They wanted to be able to contribute through their own efforts, and own this moment as responsible and compassionate citizens. Too precious not to capture.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Pagtatanim ng halaman

    Sa ilang IG posts ay nagpahayag si Chesca ng galak sa nasimulan niyang organic garden, kung saan may tanim siyang mga gulay tulad ng patola, talong, okra, at kalamansi. Katuwang niya ang mga anak sa pagpapalago nito. Sama-sama silang nagpunla ng mga punong-kahoy at naghihintay na magbunga ang mga ito. Nakakapagod daw ang pagtatanim ngunit relaxing din naman. 

    Pakikiisa sa kalikasan

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Base sa Instagram photos ng Team Kramer na kuha sa kapaligiran ng kanilang tahanan ay nakatira sila sa labas ng Metro Manila kung saan may bundok at maraming puno. Dahil dito, napalapit sila sa kalikasan at mas appreciated na nila ito.

    Paliwanag ni Chesca sa isang IG post, “One of the main reasons we moved. To enjoy the outdoors and have mini adventures with the kids! We stumbled upon a dead end and a totally abandoned road! Super love this! Away from gadgets and enjoying nature! Just like how I remember our childhood! So blessed!”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close