PHOTO BY COURTESY OF MARIAETTE BETHYMAE GUIBONE, MARVIE OLIAMOT
Nag-viral ang post ng 21-year-old na fourth year college student na si Marvie Oliamot tungkol sa isang tatay na namataan niyang nagbebenta ng mga macrame at crocheted items habang tirik na tirik ang araw sa Davao City.
Sa kanyang original post na ngayon ay may 7K reactions at 10K shares, ang intensyon niya lamang ay tulungan si Tatay Emerberto Bongabong na maibenta ang kanyang mga crocheted items tulad ng wallet at water bottle slings.
"Pabudol for a cause," pambungad ni Marvie sa kanyang post. Kasunod nito ay ang maikling kuwento na nakasulat sa Bisaya. Kuwento niya, ang mga produktong binebenta raw ni Tatay Emer ay para sa kanyang pamilya lalo na't para sa anak nitong nagda-dialysis.
"Makikita ninyo si Tatay na naglalakad habang tirik ang araw para makatulong sa kanyang pamilya at sa anak niyang nagda-dialysis. Mura lamang ang kanyang mga produkto, 50 pesos ang wallet at 250 ang water bottle slings. Madaming pwedeng pagpilian at maganda ang gawa. Hindi kayo magsisisi kung bibili kayo sa kanya," saad ni Marvie.
Ayon sa report ng ibang media sites, ang asawa ni Tatay Emer ang gumagawa ng mga handmade na produktong ito at siya ang naglalako sa may Bankerohan at Davao Doctors College, Inc. sa may San Vicente Ferrer Exodus Fr. Selga St. sa Davao City.
Sa report ng ABS-CBN News, kailangan daw nila ng P6,000 kada linggo para sa dialysis ng anak nila.
Nakausap ng Smart Parenting si Marvie via Messenger at kinuwento niya kung bakit niya pinost ang mga pictures ni Tatay Emer.
"Tatay Emer's courage and perseverance na makabenta ng mga products niya kahit sobrang init noong time na iyon para sa kaniyang pamilya," sabi niya.
Dagdag pa niya, "Inspired and at the same time touched kasi po na-realize ko na ang mga parents po talaga natin ay kayang gawin ang lahat para sa mga anak nila."
Kuwento niya, bukod sa dumami ang mga bumibili kay Tatay Emer ngayon dahil sa nag-viral na mga photos nito, maayos ang kalagayan ng pamilya nila ngayon. Makikita sa Facebook page ng anak ni Tatay Emer na si Berto na marami silang naibebenta at nagsship na din sa iba't ibang lugar.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kung meron man siyang mensahe sa mga kabataan ngayon, saad ni Marvie, "Appreciate our parents talaga kasi hindi habang buhay natin sila kasama."
Tunay na walang hangganan ang pagiging magulang. Mabuhay ka, Tatay Emer!
Sa gustong umorder at tumulong kay Tatay Emer, i-message ang kanyang anak na si Bert Bong sa Facebook.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.