present,Tagalog,hands-on,hands-on dad,hands-on dads,viral-trending,Viral Video Ng Mag-Amang Pulis At Anak, Umani Ng Papuri,Television,Online Video,Arts & Entertainment,Celebrities & Entertainment News,TV & Video,girl dad,Saludo ang mga netizens kay Daddy Allan sa pagiging isang loving at hands-on father.
ParentingReal Parenting

'Saludo Sa Mga Tatay Na Ganito,' Why This Police Dad-Daughter Video Warms Our Heart

"Kahit gaano po tayo ka-busy sa trabaho, bibigyan po talaga natin ng time 'yung ating pamilya para makasama sila, dahil minsan lang sila bata."
PHOTO BYFACEBOOK /LIFE WITH ALEX

Trending ngayon sa social media ang video ng mag-amang sina Daddy Allan at Alexis, kung saan kitang-kita ang pagiging mapagmahal nito.

Sa video na ipinost sa Facebook page ng pamilyang mula sa Sucat, Muntinlupa, makikita na nagmamadali makauwi ang isang pulis. Nakasaad sa video, "When people ask why I'm always rushing home..."

Pagkatapos nito ay ang reveal na, "I have this thing," at ito ay video ni Daddy Allan na nakikipaglaro at minamake-upan ng kanyang anak.

Saludo ang mga netizens kay Daddy Allan. Sa panayam ng Smart Parenting kay Mommy Jeny Rose Velez, ikinuwento niya kung bakit niya naisipang i-upload ang video na ito ng kanyang mag-ama.

"Ang gusto ko pong iparating dun sa video na 'yun, na kahit gaano po tayo ka-busy sa trabaho, bibigyan po talaga natin ng time 'yung ating pamilya para makasama sila. Dahil minsan lang po talaga bata ang mga anak natin, dahil later on di po natin mamamalayan na malaki na sila at hindi na natin sila malalaro na katulad ng ginagawa po natin ngayon," saad niya.

READ ALSO: 'Take Your Time, Kasi Hindi Forever 'Yan,' Mom Reminds Parents In Tear-jerking Post

Aniya, talagang hands-on parent ang kanyang asawang pulis dahil sa kabila ng pagka-busy nito sa trabaho ay talagang gusto nito na siya ang nag-aalaga sa kanilang unica hija, at binibigyan rin niya ng panahon si Jeny para makapagpahinga.

watch now

"Kasi po kadalasan ngayon, kapag busy 'yung mommy or daddy sa work, parang 'yung mommy nalang yung lahat-lahat sa bata. 'Yung parang, si daddy 'yung bahala sa work, tapos ikaw na [mommy] 'yung bahala sa bata. Sa amin po, ayaw po naming mangyari 'yun." —Mommy Jeny Rose Velez

"Pagkadating ng work, siya naman po mag-aalaga. parang palitan po kami, binibigyan niya po ako ng time to rest."

READ ALSO: An Open Letter To Girl Dads: You Will Set The Standard For Your Daughter On What To Expect From Men

Ang video na ito ay may halos 200k reactions at 5k shares sa Facebook, as of writing. Palagay ni Jeny, naging viral ito dahil na rin marami ang may gustong tumulad sa kanyang asawa.

"'Yung iba po gusto nilang maka-relate or ma-inspire yung mga asawa nila, kasi may mga nakikita po akong comments na 'Sana all,' 'Sana ganyan din asawa ko,' 'Sana hindi barkada,' na para makita din po ng partners nila na mahalaga pong [makipaglaro] o mabigyan ng time yung anak at pamilya nila."

Naniniwala si Jen na mahalaga na magbigay ng sapat na oras ang parehong nanay at tatay para sa mga anak nila.

"Kasi po kadalasan ngayon, kapag busy 'yung mommy or daddy sa work, parang 'yung mommy nalang yung lahat-lahat sa bata. 'Yung parang, si daddy 'yung bahala sa work, tapos ikaw na [mommy] 'yung bahala sa bata. Sa amin po, ayaw po naming mangyari 'yun."

READ ALSO: To The Dad Who Needs To Be Asked Out To Help, Your Kids Are Missing Out

Dagdag pa niya, "Kahit gaano po ka-busy yung isa po sa amin, at least po maramdaman po niya or magbibigay po kami ng time talaga sa baby namin, para alam niya na meron siyang mommy at daddy."

Basahin dito kung bakit hindi lang ngayong pasko, kundi araw-araw, mas mahalaga ang "presence" kaysa "presents."

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close