-
Ang Galing Ng Nanay Ko! Real Moms Share 5 Wais Things Their Own Mothers Taught Them
Here's how four moms learned how to get the best for their families without settling for less.CREATED WITH SURF
Noong mga bata pa tayo, may mga na-o-obserbahan tayong ginagawa ng ating mga nanay na talaga namang nakakabilib. Isa na dito ay kung paano nila pinagkakasya ang budget — kahit na minsan ay maliit lang ito — para mapunuan ang pangangailangan ng buong pamilya.
Pero ngayong may mga sariling pamilya na tayo, masasabi nating naiintindihan na natin kung paano nila ito nagagawa. Praktikal at wais kasi talaga ang mga nanay! Matipid sila pero hindi nila isinasaalang-alang ang kalidad ng mga pinamili nila. Siyempre, ito ay para mapanatiling masaya at kumportable ang buong pamilya.
Nakausap ng SmartParenting.com.ph ang mga nanay na sina Angela Agustin (36), Mickey Dimagiba (22), Eizelle Cabico (42), at Abigail Benavides (33) para alamin ang ilan sa mga wais tips na natutunan nila mula sa kanilang mga nanay.
Bukod sa tips, nagbahagi rin sila ng mga kuwento para ipakita kung paano ang mga ito nakakatulong sa pagpapalaki nila ng kanilang mga anak at sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
1. Itabi ang sobrang pera sa iba’t ibang lalagyan.
Kuwento ni Abigail, apat silang magkakapatid na sabay-sabay nag-aaral noon. Pero dahil ang kanilang tatay lang ang nagtatrabaho, hindi naging madali ang pagtustos sa mga pangangailangan nila.
Pero sabi nga niya, “We survived.” At nakatulong daw talaga ang mga nakaipit na pera ng kanyang nanay. ”Ganun kasi [ang] mom ko: In case of emergency, may [nakukuha] siya sa cabinet niya na mga ipit-ipit na pera,” pag-alala ni Abigail.
Eventually, na-adapt din ito ni Abigail at ng kanyang mga kapatid sa kanilang sariling financial practices.
Halimbawa, kung mayroong sumobra sa kanyang budget, itinatago iyon ni Abigail sa iba’t ibang wallet na hindi niya ginagamit. Sa ganitong paraan, kung mayroon mang hindi inaasahang pagkakataon at kinapos ang kanyang budget, mayroon siyang pinagkukunan ng extrang pera.
Ganito rin daw ang ginagawa ng kanyang mga kapatid. Nakita niya kung gaano ito nakatulong, lalo nung panahong kinailangan nilang bumili ng gamot para sa kanilang mga magulang.
“[My sister was able to] chip in kahit wala siyang work [dahil] may mga nakaipit siya,” kwento ni Abigal.
2. I-budget ang kinikitang pera ayon sa pangangailangan.
Bawat pamilya ay may kanya-kanyang priorities. Kaya pagdating sa pagba-budget para sa mga gastusin, ito daw ang laging sinabi ng nanay ni Angela sa kanya: “List the things that your family needs most.”
Dagdag-paalala pa: “[Kapag may gusto kang bilhin], pag-aralan mo muna kung ‘di kayo kakapusin. Kapag hindi naman kailangan, [sa susunod] na lang. Baka mamaya kapag nasa sitwasyon na [ay saka] kayo mahirapan.”
Kaya ang paraan ng pagba-budget ni Angela?
“I budget the salary [I and my husband] earn every month [using] a wallet-separator — [mayroong para sa] bills, groceries, savings, [at] allowance. I see to it that I list down the possible expenses for the month to check if the budget will still be on track,” sabi Angela.
Dagdag pa niya, “With these learnings, the family budget is always on track. I can say that we have a healthy financial life [because of these learnings from my mom].”
Kuwento naman ni Mickey, nakatulong daw sa pagiging wais niya ngayon ang pag-involve ng kanyang nanay sa kanilang magkapatid tuwing gagawa ito ng budget para sa kanilang pamilya noong mga bata pa sila. “Para aware rin kami sa gastos,” ika niya.
“She always says, ‘Ito lang ‘yung budget natin for this, wala tayong budget for that.’ In our case, sobra namin ‘yun naintindihan and, at the same time, natuto kami makuntento,” kwento niya.
3. Pumili ng mga multi-purpose at reusable na gamit.
Ngayong isa na rin siyang ina, nakikita na rin ni Mickey kung gaano kalaki ang natitipid sa pagbili ng mga multipurpose items. Mahilig daw kasi sa mga ganito ang kanyang nanay, sa katwirang “para in case hindi na sila magagamit [para sa original nilang purpose], we can still use [them] sa ibang [paraan].”
Ilan na lamang sa mga multipurpose items na mayroon si Mickey ngayon ay ang bottle sterilizer na ginagamit rin niyang pang-sterilize ng laruan at taguan ng baby bottles, at isang walker na nagsisilbi rin bilang mesa ng kanyang anak habang kumakain ito ng snacks.
Sabi ni Mickey: “It saves you money [and it also] saves you space. Less kalat [at] dagdag gamit!”
Dagdag ni Eizelle, “Reusability is also important. Purchase reusable and washable items [like] napkins, diapers, utensils, [and] bags instead of disposable ones. These do not only result in [more] savings, but these also help the environment.”
4. Instead of ordering delivery, maging creative sa pagluluto.
Ngayong marami nang pwedeng pagpilian at mabibiling pagkain online, minsan ay nakaka-tempt talagang mapa-deliver na lang imbes na magluto sa bahay.
Pero laging paalala ng kanyang ina kay Angela: “Go for home-cooked meals instead of ordering through online food deliveries, especially nowadays, to avoid overspending.“
Hindi naman ibig sabihin nito ay tinitipid niya ang kanyang pamilya pagdating sa pagkain. Pero dahil sa pagluluto niya ng homemade meals, kahit mura ang mga sangkap niya, nakakagawa pa rin siya ng masasarap at masustansyang ulam.
At isa pa: Cooking at home allows you to make your family great quality meals that taste just as good as those in restaurants — sa mas affordable na halaga.
Sabi pa Angela, “It might take a lot of work like preparing, cooking, and cleaning, but the feeling is also fulfilling especially when the family enjoys the food you cook.”
Bukod naman sa pagluluto sa bahay, sinisigurado rin ni Abigail na laging sakto sa kanilang pamilya ang pine-prepare niyang pagkain para maiwasan ang tira — isang kaugalian na nakuha pa rin niya sa kanyang ina.
“We are not used to having much more food on our table [than needed],” kwento niya. “We just cook what is good for the day.”
“‘Pag ikaw kasi ang nagluluto sa bahay, alam mo ‘yung budgeting. Kaya mong i-weigh kung gaano karami ‘yung lulutuin mo. May kasama pang love!”
Isang paraan din daw ito para maturuan ang mga bata na kainin kung anong nakahain sa lamesa, ayon pa rin kay Abigail.
“Ngayong I have EJ na, what we cook for lunch is also good for our dinner. Some of the kids, ‘di ba, pag na-ulam na nila ng lunch, ayaw na sa gabi. Si EJ, she is used to eating the same menu every day [for lunch and] for dinner," banggit niya tungkol sa kanyang anak.
5. Pagdating sa essentials, buy in bulk.
Payo ni Eizelle, “For things that the family uses regularly, buying items in bigger sizes instead of tingi or in small packages is also better.”
Ganito rin ang pananaw ni Mickey, lalo na pagdating sa mga baby essentials tulad ng diaper at baby wipes. “[By doing this], I don’t have to worry na baka bigla siyang maubusan. I always buy in bulk para mas tipid yet marami akong na-stock.”
Isa pang wais tip na natutunan ni Mickey sa kanyang ina ay ang pagbili ng mga naka-sale na grocery items tulad ng mga mayonnaise na may kasamang mga plastic containers, tinapay na may kasamang pack ng powdered drink, at iba pang buy-1-get-1 deals.
“Growing up, every time na mag-grocery kami, [my mom] always gets [those] items na may [freebies]. She [really] always makes sure na she’s getting more of what she has paid for,” kwento niya.
Gayunpaman, nakita rin ni Mickey na willing ang kanyang ina na gumastos nang mas malaki para sa isang produkto, basta’t mapagkakatiwalaan ito.
Pagdadahilan niya: “Why not spend a little more sa mga bagay na ma-e-ensure mo ‘yung health ng baby mo rather than settling sa mura pero may risk naman sa health ng baby mo? Mahirap ‘yung nakamura ka nga [ngayon] pero ‘pag may naging effect sa baby mo, mas mapapamahal ka [sa pagpapadoktor].”
Agree si Eizelle: “Cheap doesn’t necessarily mean you save. [But] quality products also don’t need to be expensive. [It’s just that] sometimes, you need to spend a little more than what is cheap for better buys.”
Kwento naman ni Abigail, naniniwala ang kanyang ina na maganda ring mayroong pinagkakatiwalaan na brands pagdating sa mga pangangailangan sa bahay.
“Even up to now, [whenever] we [buy groceries], she will still pick the same brands [that she did] when we [were] still kids,” paglalahad niya.
Isa sa mga pinagkakatiwalaan daw na brands na kanilang pamilya ang Surf. “Ever since, [my mother] uses Surf for [laundry]. Mura ang lagi niyang katwiran. It’s not the name of the [product], but its quality and value [for] money.”
Hindi talaga maipagkakaila na karamihan sa mga wais na pagdedesisyon natin sa buhay ay natutunan natin mismo sa ating mga ina. Hindi man natin sila naiintindihan noon, pero ngayong tayo ay mga nanay na rin, we definitely know where they are coming from!
Sabi nga ni Angela: “[Being] wais in every aspect nowadays will definitely help us. Emotionally, physically, and of course, financially. Thank you [to my] mom for teaching me how to be wais.”
Kaya ngayong Mother’s Day, isang pagpupugay para sa mga wais na ina mula sa wais detergent at fabcon brand, Surf!
Visit Surf Philippines on Facebook for more information.
