embed embed2
10 Classy, Prangka, At Nakakatawang Sagot Sa Mga Unsolicited Comments At Advice
PHOTO BY iStock
  • Sa panahon ngayon ng Facebook, Instagram, at iba pang social networking sites, hindi na talaga maiiwasang makakuha ng mga unsolicited comments at advice. Hindi rin limitado ang mga comments na makukuha mo. Nariyan ang mga patungkol sa timbang ninyong mag-ina o hindi naman kaya ay tungkol sa choices mo pagdating sa pagpapalaki ng iyong mga anak. 

    Madalas, dahil na rin sa pagod at puyat, hindi na tayo nakakapag-isip ng magandang sagot sa mga comments na ito. Kalimitan, nauunahan na tayo ng lungkot at galit bago pa man tayo makasagot.

    Kaya naman narito ang ilan sa mga witty, nakakatawa, at classy na paraan para sagutin ang ano mang side comments at unsolicited advice na maririnig mo tungkol sa iyong pagiging magulang.

    "Thank you for that wonderful question"

    I-channel mo ang iyong inner beauty queen tuwing makakarinig ka ng tanong na hindi mo gusto. Ilan sa mga halimbawa ang: “Bakit parang ang payat ng baby mo?” o hindi kaya ay “Bakit hindi mo na lang i-mixfeed ang anak mo? Ang payat niya kasi.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag narinig mo na ang mga tanong na ito, sumagot ka na agad ng “Thank you for that wonderful question.” Ngumiti ka lang at ibahin mo ang topic. Na-diffuse mo na ang unsolicited comment, na-feel mo pa kung paano maging beauty queen.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    "I don’t feel any pressure right now"

    Narito pa ang isang beauty queen line na pinasikat ni Binibining Pilipinas World, Janina San Miguel. Magandang isagot ito kung sakaling may nagtanong sa iyo kung bakit hindi ka pa bumabalik sa pagtatrabaho pagkatapos mong manganak. 

    Pwede mo rin itong sabihin kung may mga taong nagpepressure sa iyo tungkol sa ano mang bagay.

    What other parents are reading

    "Thank you po!"

    Madalas ay hindi napapagtanto ng mga taong nagbibigay ng unsolicited advice na maaaring hindi mo kailangan ng suggestions nila. Kaya naman sa halip na masamain, pwede mong gawing default response ang pagpapasalamat. 

    Hindi maiaalis sa ating mga magulang, lalo na sa mga ina, na maging defensive sa mga choices natin para sa ating pamilya. Ngunit, kailangan din nating maintindihan na bahagi na ng kultura natin ang magbigay ng advice o solusyon kahit hindi hinihingi. Bagaman hindi maganda ang nakasanayan nating ito, isa sa mga mabisang paraan para hindi maapektuhan ay ang isiping gusto lamang nila tayong tulungan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Pag-iisipan ko ‘yan"

    Magandang paraan din ito para magpasalamat sa advice at comment na hindi mo naman hiningi. Bukod kasi sa nag-acknowledge ka sa sinabi sa iyo, hindi mo ipinakitang na-offend o nainis ka sa narinig mo. Kapag hindi pa rin sila tumigil sa pagsasalita, pwede mong gamitin ang “Thank you!”

    What other parents are reading

    "Salamat sa pag-share ng techniques mo, susubukan ko kung tama ‘yan para sa akin"

    Kapag ito ang sinabi mo, ipinaparating mo sa kausap mo na hindi porke gumana sa kanya ang isang pamamaraan ay gagana na rin ito sa iyo. Sa pagsasabi nito, maipaparating mo na hindi ka naghahanap ng advice ngunit inaappreciate mo ang sinabi niya.

    "Ikokonsulta ko sa pedia ni baby"

    Ultimately, mas mahalaga pa rin ang advice ng doktor ng anak mo. Walang masama kung sasabihin mo sa mga nagbibigay ng advice na ikokonsulta mo muna sa doktor ang mga sinasabi nila.

    What other parents are reading

    "Thank you! Pero hindi ako naghahanap ng advice ngayon"

    Kung gusto (at kaya mo) na maging direkta sa kausap mo, pwede mong sabihin ng diretso na hindi ka naghahanap ng advice sa kasalukuyan. Tandaan na importanteng hindi mo makalimutang magpasalamat kahit na hindi mo nagustuhan ang comment o advice. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Interesting ang pamamaraan mo, pero ganito kasi ang napili ko para sa anak ko"

    Kalimitan ay magagamit mo ito sa kaibigan o hindi naman kaya ay sa mother-in-law mo. Madalas ay nasusundan pa ito ng mahabang usapan at paliwanagan kung bakit ‘yan ang napili mo para sa mga anak mo. 

    Huwag matakot na mag-explain sa mga tao, kahit pa gaano nakakasawa at paulit-ulit. Karapatan mo bilang ina na sundin ang choices mo para sa mga anak mo.

    What other parents are reading

    "Salamat sa iyong concern"

    Kung may nag-comment sa timbang ng anak mo o hindi kaya sa itsura niya, magandang sagot ang pasasalamat sa concern ng nag-comment. Kahit pa alam mong hindi siya talaga concerned sa inyong mag-ina, mas maganda pa ring pasalamatan siya sa concern niya. Isipin mong kaya niya sinabi ito ay dahil gusto niyang makatulong sa inyo.

    "Buti gumana ‘yan for you"

    Sa pagsasabi nito, hindi mo isinasawalang bahala ang methods ng iba, ngunit hindi mo rin naman sinasabing susubukan mo ito para sa iyong pamilya. Balanseng sagot lang ito na hindi mo kailangang makipaglaban kung alin ang tama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sa umpisa’y pwede nating daanin sa biro ang sagot natin sa mga taong ugali nang magbigay ng unsolicited na comments at advice. Ngunit kung madalas kang makakuha ng mga ganito at kung laging galing sa parehong mga tao, makabubuting sagutin mo sila ng mga simple at direktang linya tulad ng mga nabanggit. 

    Makakatulong din sa iyo kung matututunan mo ang kahalagahan ng pag-filter ng mga comments na naririnig mo. Sabi nga ni Chesca Kramer, makinig ka sa advice ng mga taong alam mong mahal ka at gusto kang mapabuti. 

    Ikaw? Paano mo sinasagot ang mga unsolicited advice at comments na natatanggap mo? I-share mo lang sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles