embed embed2
  • 10 Indoor Toddler Activities Na Mura At Nakakaaliw

    Hindi niyo na kailangan pang lumabas o gumastos ng malaki para aliwin ang mga bata.
    by Ana Gonzales .
10 Indoor Toddler Activities Na Mura At Nakakaaliw
PHOTO BY iStock
  • Hindi maikakaila na paminsan-minsan, nakakainip na rin sa loob ng bahay. Lalo na kung napanood niyo na halos lahat ng mga pelikula sa mga paborito ninyong streaming apps o 'di naman kaya ay nagamit niyo na halos lahat ng mga pwedeng mapaglibangan na mayroon kayo.

    Magastos naman kung lalabas pa ng bahay. Bukod pa riyan, bubunuin niyo pa ang traffic at dami ng mga tao sa mga pasyalan.

    Buti na lang at mayroon pa ring iba pang mga indoor toddler activities na pwede niyong subukan nang hindi masyadong gumagastos. Narito ang ilan na abot-kaya at madaling gawin pero talagang nakakaaliw:

    Magluto ng meryenda

    Sa halip na hintayin mong makatulog ang mga anak mo bago ka magsimula ng mga gawaing bahay, bakit hindi mo sila hikayating tumulong sa iyo? Bukod sa matututo silang maging responsable, isa rin itong praktikal na paraan para aliwin sila kung wala kayong magawa.

    Pwede kayong magluto ng mga simpleng meryenda tulad ng cheesesticks o popcorn. Pwede rin kayong mag-bake ng cookies o 'di kaya ay cupcakes. Huwag matakot sa kalat dahil learning opportunity pa rin ito sa mga bata—maganda na matutuo silang magligpit pagkatapos nilang magkalat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Gumawa ng slime o kinetic sand

    Pwede kayong bumili nito online, pero mas makakasiguro kayong ligtas kung kayo mismo ang gagawa. Bukod pa riyan, magandang pampalipas oras din kung mga anak mo mismo ang matututong gumawa nito.

    Narito ang recipe para sa unicorn kinetic sand:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sangkap:

    • Pinong buhangin
    • Tubig
    • Cornstarch
    • Dish soap
    • Food coloring
    • Glitters
    • Essential oils (Optional, kung gusto lamang maging mabango ang inyong gagawin)

    Paraan ng paggawa:

    1. Maghanda ng dalawang lalagyan: Isa, para sa dry mixture at isa, para sa wet mixture.
    2. Dry mixture: Pagsama-samahin ang buhangin, cornstarch at glitters.
    3. Sa isa pang lagayan, paghalu-haluin ang tubig, dish soap, at food coloring. Haluing maigi ngunit huwag hayaang bumula ng husto.
    4. Pagsamahin ang wet at dry mixture. Ihalong maigi hanggang sa maging tama na ang consistency nito para sa inyo.
    5. Maaring magdagdag ng tubig kung sa tingin ninyo ay kulang o masyado pang tuyo ang buhangin.
    6. Ulitin ang proseso hanggang sa makagawa ng iba't ibang kulay na kinetic sand.
    7. Paghalu-haluin ang nagawang iba't-ibang kulay na kinetic sand.
    More from Smart Parenting

    Sumubok ng mga kiddie science experiments

    Salamat sa lawak ng internet dahil hindi kayo mauubusan mag-iina ng mga kiddie science experiments na pwede ninyong subukan.

    Pwede ninyong tignan ang mga experiments sa YouTube channel na Ryan's World dahil marami silang mga activities na ang kakailanganin niyo lang ay mga bagay na mayroon na sa inyong bagay.

    Marami rin silang mga DIY toys tulad ng Instant Worms, Potato Clock at marami pang iba na siguradong magugustuhang gawin ng mga anak mo.

    Maglaro ng mga classic Pinoy games

    Masaya kung ipapakilala mo rin sa mga anak mo ang mga larong na-enjoy mo noong bata ka pa. Nariyan ang patintero, tumbang preso, piko, at iba pa. Unti-unti na rin kasing nawawala ang mga larong ito dahil madalas ay sa gadgets na naglilibang ang mga bata.

    Maganda ang mga larong ito kung gusto mong mabawasan ang panahon ng mga anak mo na nakababad sa gadgets o matuto sila na makihalubilo sa ibang mga bata. Hindi mo na rin kailangan ng kahit ano—basta't may maluwang kayong space pwede kayong mag-enjoy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Maglaro ng 'balloon tennis'

    Kung may paper plates kayo sa bahay at lobo na tira mula sa parties ng iyong mga anak, pwede na itong gamitin para maglaro ng balloon tennis. Ang goal: Huwag na huwag sasayad sa sahig ang lobo!

    Mag dance party

    Masayang sumayaw sa mga bagong kanta ngayon kaya naman bakit hindi mo ayain ang mga anak mo sa isang cute na dance party. Pwede mo silang papiliin ng mga kanta na gusto nila at unli sayawan kayo sa sala. Hindi niyo namamalayan, lumipas na ang oras, nakalibre pa kayo ng ehersisyo.

    Bumuo ng indoor obstacle course

    Kung marami naman kayong mga mats sa bahay, bakit hindi niyo ito gamitin para bumuo ng isang indoor obstacle course?

    Hayaan mo ang mga anak mo na pumili ng mga hahakbangan, lulusutan at tatalunan nila—siguraduhin mo lang na matibay ang mga ito para ligtas ang mga bata.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumawa ng 'monster in a bag'

    Kailangan mo lang ng hair gel, ziplock bag, at googly eyes para makagawa ng mga 'monsters in a bag'. Punuin mo lang ng hair gel ang ziplock bag at ihalo ang goodly eyes—mukha ka nang may 'nalusaw' na goo monster sa ziplock! Hayaan mo ang anak mo na pumili ng food color na ihahalo at kung ilang 'mata' ang ilalagay nila.

    Gumawa ng 'jumbo blocks'

    Marami ba kayong mga karton sa bahay na hindi na ginagamit? Pwede niyo itong gawing jumbo blocks. Kailangan mo lang ng mga lumang carton, marker, colored paper, at pandikit.

    Pagkatapos mong gupitin at gawing maliliit na mga building blocks ang mga lumang karton sa bahay, pwede mo na itong guhitan at kulayan para magmukhang malalaking hollow blocks. Kapag tuyo na, pwede na itong gamitin ng mga anak mo para bumuo ng indoor fortress at iba pa.

    More from Smart Parenting

    Mag scavenger hunt

    Pwede ring mag treasure hunting—depende sa gusto ng mga anak mo. Pwede mo silang gawan ng treasure map at bigyan sila ng maliit na prize kapag nahanap nila ang mga 'treasures' na itinago mo sa inyong bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gusto mong mas pahirapin, pwede kang maging 'pirate' para may 'kalaban' sila habang naghahanap ng mga 'kayamanan'.

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga mura at nakakaaliw na indoor toddler activities na pwede mong gawin kasama ang mga anak mo. Pwede rin kayong mag-story time o magreenact ng mga paboritong fairytales ng mga anak mo.

    Anong madalas ninyong gawin para magpalipas ng oras sa bahay? I-share mo na sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles