embed embed2
  • Mula P190 Hanggang P390: 15 Parenting Books Na Mabibili Mo Sa Big Bad Wolf

    Mayroong mga fertility guides, baby journals, at iba pa!
    by Ana Gonzales .
Mula P190 Hanggang P390: 15 Parenting Books Na Mabibili Mo Sa Big Bad Wolf
PHOTO BY Ana Gonzales
  • Isa ang Big Bad Wolf sa mga pinakainaabangang book sales dito sa ating bansa. Bukod kasi sa maraming pagpipilian (buong unang palapag ng World Trade Center Metro Manila), mura mo ring mabibili ang mga libro dito. Sa sobrang mura, nagdadala ng mga maleta ang karamihan sa mga namimili—lalong-lalo na ang mga nanay.

    Ngayong taon ay mas pinalaki pa nila ang Children's Section kaya naman mas malulula kayo sa pagpipilian. Bukod pa sa mga murang activity books at learning materials, mayroon din mga parenting books na pwedeng makatulong sa iyo sa pagpapalaki ng iyong mga anak, mula sa pagbubuntis hanggang sa kanilang pagdadalaga at pagbibinata.

    Narito ang ilan sa mga pwede mong pagpilian:

    Para sa mga buntis

    Kung naghahanap ka ng mga resources (bukod sa smartparenting.com.ph) na magsisilbing gabay mo sa iyong pagbubuntis, hindi ka mauubusan sa BBW2020. 

    Kung kasalukuyan ninyong sinusubukang magbuntis, maaaring makatulong ang librong ito.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Siyempre hindi mawawala ang librong ito ni Heidi Murkoff at Sharon Mazel na nasa ika-limang edisyon na.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    Kilala naman ang author ng librong ito bilang isang mindfulness expert. Maaaring makatulong ito para sa isang kalmado at mindful na pagbubuntis.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Para sa mga may newborns at babies edad 0-1

    Overwhelming ang mga unang buwan pagkatapos mong manganak kaya naman maganda kung maihahanda mo ang iyong sarili para sa pagdating ng iyong baby. Narito ang ilang librong maaaring makatulong.

    Dito mo pwedeng i-dokumento ang mga milestones at munting achievements ni baby. Pati na rin ang mga vitamins na kailangan niya at ang vaccine schedule niya.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Makakatulong naman ang librong ito para sa lahat ng mga basic na dapat mong matutunan pagdating sa pag-aalaga ng bata.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    Pwede mo namang basahin ang librong ito sa mga pagkakataong may masamang nararamdaman si baby. Tandaan lang na mas maganda pa ring kumonsulta sa doktor.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Narito pa ang ilang mga librong siguradong magugustuhan mo:

     

    Kung naghahanap ka ng gabay sa pagpapalaki sa mga bata.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    Kung hirap kang pakisamahan ang iyong teenager.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kung gusto mong maging isang mas kalmadong magulang.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    Para mas maging mahaba pa ang iyong pasensya.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kung nahihirapan kang patulugin ang iyong anak.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    Para hindi na magtrantrums si baby habang pinopotty train mo siya.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kung struggle sa iyong kausapin ang iyong teenagers.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    Para hindi maging terrible ang ikalawang taon ni baby.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kung ayaw talaga nilang tigilan ang gadgets.
    PHOTO BY Ana Gonzales
    More from Smart Parenting

     

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga librong pwede mong bilhin sa Big Bad Wolf Book Sale ngayong taon. Sobrang dami pang pagpipilian ano man ang hinahanap mo. Mayroon ding mga librong para sa relasyon ninyong mag-asawa at marami pang iba.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakapunta ka na ba sa Big Bad Wolf sa World Trade Center Metro Manila? Anu-anong mga libro ang binili ninyo ng mga anak mo? I-share mo na sa comments section.

    Kung hindi ka pa nakakapunta, pwede ka pang humabol dahil hanggang February 24 pa ito. Bukas ito ng 24-hours at libre ang entrance.

    Kung alam mong marami kang bibilhin, siguraduhin mong may dala kang bag na pwede mong paglagyan. Ihanda na rin ang proteksyon lalo na't mayroong mga karamdamang tulad ng COVID-19. Ugaliing magpunas ng kamay kung hindi makakapaghugas. Maaari rin kayong gumamit ng alcohol para idisinfect ang inyong mga kamay.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles