embed embed2
  • Kaya Ng Toddler Ipagbukod Ang Mga Hugis At Kulay Bilang Bahagi Ng 17 Month Baby Milestones

    Mahalaga ang age-appropriate na mga laruan at gawain para sa iyong anak.
    by Anna G. Miranda .
Kaya Ng Toddler Ipagbukod Ang Mga Hugis At Kulay Bilang Bahagi Ng 17 Month Baby Milestones
PHOTO BY Canva
  • Bilang magulang, ikaw ang pinakanakakikilala sa iyong anak. Kung toddler na siya, siguradong mas kapanapanabik ang milestones ninyong mag-ina. Sadyang napakabilis ng paglaki at development niya sa stage na ito. Ano-ano nga ba ang baby o developmental milestones ng 17- month-old?

    Baby o developmental milestones ang mga kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad. Paalala lang nga eksperto na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata. Kaya mainam na magkuwento sa pediatrician ng mga nagagawa na ng anak.

    17 month baby milestones

    Narito ang ilang mahahalagang development sa iyong baby sa pagsapit niya sa ganitong edad:

    Physical development

    Ayon sa World Health Organization (WHO), ang median weight ng 17-month-old ay 22.1 pounds para sa babae at 23.7 pounds para sa lalaki. Ang median height naman ay 31.4 inches para sa babae at 32.0 inches para sa lalaki. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lalo pang nag-i-improve ang motor skills ng iyong toddler sa panahong ito. Kaya na niyang maglakad nang nag-iisa, umakyat sa hagdan nang may nakabantay at tumutulong sa kanya, at sumipa ng bola.

    Posible ring mahilig na siyang magkulay at gumamit ng kutsara upang makakain. Napakainam ng panahong ito upang matuto siya sa pamamagitan ng paglalaro at pagtuklas ng mga bagay sa kanyang paligid.

    Cognitive development

    May kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto. Kaya nang tukuyin ng iyong toddler ang ilan sa mga bahagi ng katawan sa panahong ito. Nagagaya na rin niya ang ilang gawaing bahay o chores katulad ng pagwawalis o pagpapadede sa kanyang manyika. Nagagawa na rin niyang mag-sort ng mga bagay ayon sa hugis at kulay ng mga ito.

    Makatutulong sa pag-develop ng kanyang curiosity at problem-solving skills ang pagbibigay ng age-appropriate toys at activities.

    Language development

    Mula 10 hanggang 20 na mga salita na ang alam ng iyong baby, ayon sa mga eksperto. Posible ring kaya na niyang pagsamahin ang mga ito. Nauunawaan na rin niya ang mga simpleng utos sa kanya at kaya nang sagutin ang iyong mga tanong gamit ang salita o gesture.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Makatutulong ang madalas na pagbabasa ng aklat (picture books) at pagkanta ng awiting pambata para mas ma-develop pa ang kanyang communication skills.

    Social at emotional development

    Mas naghahanap ng mga kalaro ang iyong toddler. Kasama ito sa 17 month baby milestones. Maaari ring nakapagpapakita na siya ng iba’t ibang emosyon kagaya ng galak, pagkasabik, hanggang sa pagkadismaya, at pagta-tantrums.

    Mahalagang magbigay pa rin ng mapagmahal, ligtas, at mapagkalingang environment sa iyong anak. Makatutulong kung bibigyan siya ng mga pagkakataong maunawaan ang kanyang mga damdamin, kung paano ito i-manage, at ang paghihikayat sa kanya na magkaroon ng positibong social interactions.

    Mga dapat malaman sa growing child

    Sleep patterns

    Karamihan sa batang 17 buwan ang edad ay natutulog sa loob ng 11 hanggang 14 oras kada 24 oras. Isang beses na lang din silang mag-nap sa maghapon. Tandaan lamang na ang sleep patterns ay paiba-iba sa mga toddler. Mahalagang mag-focus sa mga indibidwal niyang pangangailangan at i-adjust ang iskedyul ng kanyang pagtulog. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Feeding skills

    Sa panahong ito, unti-unti na ring nagiging advanced ang feeding skills ng iyong anak. Kaya na niyang gumamit ng kutsara o tinidor. Nakaiinom na rin siya sa regular na baso nang may assistance ng magulang o caretaker, at nakakakain ng finger foods.

    Hikayatin ang iyong anak na kumain nang mag-isa. Mas bubuti ang kanyang motor skills at matuturuan din siyang maging independent. Bahagi rin ng development niya ang pagpili sa masusutansyang mga pagkain. (Basahin ang ilang tips dito.)

    Personal care

    Kakikitaan na rin ang iyong anak ng interes sa personal care routines katulad ng pagsesepilyo, paghuhugas ng kamay, at pagbibihis. Magandang oportunidad ito upang ipakilala sa kanya ang self-care habits at hikayatin siyang magkaroon ng healthy hygiene practices.

    Kasama na rin dito ang early potty training. (Basahin ang ilang potty training tips dito.)

    Safety awareness

    Habang lumalaki ang iyong anak, mas nagiging mobile at curious din siya. Importante ang pagkakaroon ng ligtas na paligid. Dapat na i-secure ang furniture at appliances sa inyong bahay. Ilayo rin sa kanya ang mga hazardous na mga bagay tulad ng mga kutsilyo, lighter, posporo, at ilan pang maliliit na mga bagay na maaaring ilagay sa kanyang bibig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaang kailangan siyang bantayan sa oras ng paglalaro. Magagamit din ang panahong ito sa pagtuturo sa kanya ng basic safety rules, katulad ng hindi paghawak sa maiinit na bagay o paglapit sa kalan.

    Emotional bonding

    Sa ganitong panahon din nakabubuo ng malakas na emotional bond sa pagitan ng iyong baby at ng caregivers, partikular na ang mga magulang.

    Mahalaga ang bond na ito dahil may pangmatagalang impact ito sa kanyang development. Ang pagkakaroon ng quality time kasama ang iyong anak, pakikipaglaro sa kanya, at pagbibigay ng atensyon at affection ang mas lalo pang makapagtitibay sa inyong ugnayan sa isa’t isa.

    Routine at consistency

    Sa edad na 17 buwan, mahalaga ang routine at consistency para sa iyong anak. Ang pagkakaroon ng daily schedule ang nakapagpaparamdam sa kanya na ligtas siya at nakapage-establish din ng healthy habits at sense of stability. Kasama rito ang oras ng pagkain, naps, at paglalaro. Mahalaga ring maging flexible at ma-adjust ang iskedyul ayon sa pangangailangan niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahalagahan ng paglalaro sa toddler

    Sensory play

    Makatutulong sa baby ang pag-explore sa iba’t ibang textures, mga kulay, mga tunog, at amoy. Nakapagsti-stimulate ang mga ito ng senses o pandama ng iyong anak at napo-promote din ang pag-unlad ng kanyang pag-iisip at ang motor skills. Popular sa ganitong mga edad ang playdough, finger painting, o sensory bins na may bigas o beans.

    Outdoor play

    Ang paglalaro sa labas ay mahalaga para sa pisikal na development ng iyong anak. Maaari rin itong maging bahagi ng inyong bonding activities. Kasama rito ang pagpunta sa mga parke, paglalakad sa loob ng village, at iba pang gawain sa labas na mae-enjoy niya.

    Tandaan lamang na dapat bantayan ang iyong anak sa paglalaro nito upang maiwasan ang mga aksidente. 

    Screen time

    Sa ganitong panahon din madalas na hirap ang mga magulang sa pagbabantay sa anak. Kaya ang iba, iniiwan ang gadgets tulad ng cellphone at iPad sa kanilang baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa American Academy of Pediatrics, iwasan muna ang screen time maliban sa video calls kasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga baby o batang wala pang 18 buwan kasi ay dapat ilayo muna sa gadgets. Mas mainam diumano ang paglalaro sa labas, hands-on play, social interaction, at iba pang stimulating activities na makatutulong sa kanilang pag-unlad.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor?

    Mainam ang regular na check-ups sa doktor upang ma-track ang paglaki at development ng iyong anak. Ang kanyang pediatrician din ang makapagbibigay ng wasto at sapat na gabay tungkol sa age-appropriate milestones at mga payo tungkol sa tamang nutrisyon, pagtulog, at pagiging malusog at ligtas ng iyong baby.

    Talagang exciting na maabot ng anak ang 17 month baby milestones, pero kung mayroon kang concerns pagdating sa development ng iyong anak, agad nang komunsulta sa iyong doktor. Tandaan ding pinakamahalaga sa lahat ang mabigyan siya ng mapagmahal at ligtas na kapaligiran sa kanyang paglaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    https://www.whattoexpect.com/toddler/17-month-old.aspx

    https://www.babycenter.com/toddler/1-year-old/17-month-old_40007642

    https://www.thebump.com/toddler-month-by-month/17-month-old

    ---

    Mas maraming pang bagong magagawa ang toddler sa pagdaan ng mga buwan. Basahin dito ang 18 month milestones dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close