-
Umaakyat Sa Hagdan, Nasisiyahan Kapag Pinapanood, At Iba Pang 19 Month Baby Milestones
Punong-puno ng energy ang toddler!by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Pagtungtong sa edad 18 months, nagsisimula ang iyong anak na matutong maglakad mag-isa at bumigkas ng mas maraming salita. Nagkakaroon siya ng improvement sa pagdaan ng mga araw habang inaabot ang iba pang developmental milestones hanggang sa 19 months at mga susunod pa.
Ang baby o developmental milestones ay ang mga kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad.
Nagsisilbi ang developmental milestones bilang gabay, ayon kay Dr. Joey Cuayo-Estanislao, para malaman kung lumalaki ang ating mga anak sa inaasahang bilis. Dagdag niya na ang behaviors at skills ay lumalabas sa paglipas ng panahon bilang building blocks ng bata sa kanyang paglaki (growth), paglago (development), at patuloy na pag-alam (continued learning).
Paalala lang ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Mahalaga lang na sumangguni sa doktor na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW19 month baby milestones
Sa ganitong edad, patuloy ang paglaki at paglago ng toddler sa iba-ibang aspeto ng kanyang pagkatao.
Physical development
Ang karaniwang timbang (average weight) ng 19-month-old ay 23.9 lbs para sa batang babae at 24.6 lbs para sa batang lalaki, ayon sa World Health Organization (WHO). Ang karaniwang taas (average height) naman ay 32.2 inches para sa batang babae at 32.8 inches para sa batang lalaki.
Malaking tulong ang proper nutrition para maging malusog ang toddler. Kailangan niyang kumain ng 3 meals at 2 snacks kada araw, ayon sa The Bump. Rekomendado ang pag-inom ng tatlong 8-ounce na tasa ng whole milk kada araw, kung hindi siya nakakakuha ng calcium sa ibang pagkain.
Suportado naman ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang extended breastfeeding hanggang 24 months o 2 years ng anak at higit pa, kung pipiliin ng nanay. (Basahin dito ang mga benepisyo ng mas mahabang pagpapadede.)
Pero kung nagdesisyon ka nang itigil ang pagpapadede, mainam na gawin ito nang dahan-dahan. Maaaring bawasan ng isang beses ang nursing session sa loob ng tatlo hanggang pitong araw bago tuluyang bitawan ito. (Basahin dito para sa weaning tips.)
CONTINUE READING BELOWwatch nowDahil natututo na ang toddler na kumain mag-isa, bigyan siya ng iba-ibang klase ng pagkain. Kadalasang kinakailangang kumakain ang toddler ng 3/4 hanggang 1 cup na prutas at gulay, 1/4 cup na grains (tulad ng kanin), at 3 tablespoons ng protina (karne, isda) kada araw.
Ilang sa 19 month baby milestones:
1. Pagtulog ng mula 10 hanggang 13 oras kada araw, pero bawas na ang pag-idlip (nap) sa umaga dahil sa hapon na lang.
2. Hindi kaagad natutulog sa gabi dahil gusto ka pa niyang makapiling.
3. Natutuwang maglakad nang pabalik (backward), katagilid (sideways), at paakyat ng hagdan, basta humahawak sa dingding o kaya sa iyo.
4. Nagsisimula nang tumakbo, pero hindi pa niya kontrolado ang katawan at wala pa siyang ideya tungkol sa distance. Kaya hindi siya nakakatigil sa pagtakbo kahit may mabangga siya.
5. Kaya na niyang hawakan ang isang container sa isa niyang kamay, habang ang isa pa niyang kamay ay naglalagay ng mga bagay sa container.
Cognitive at mental development
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto. Nahahasa na ang cognitive at mental abilities ng toddler, kaya nagagawa na niya ang mga ito:
1. Kayang tumuro sa mga litrato ng mga bagay sa libro kung sasabihan siyang gawin iyon.
2. Kapag binabasahan mo siya ng librong pamilyar sa kanya at bigla kang huminto, napupunan niya ang blangko na may kinalaman sa kuwento.
3. Nasisiyahan siya sa mga laruan na binabagayan ang mga hugis (shape-sorting toys). Kadalasan, nililipat niya ang mga bagay mula sa isang lugar papunta sa ibang puwesto. Halimbawa: mula sa mesa papunta sa malapit sa silya. Sa ganitong paraan, natututo siya tungkol sa iba-ibang laki (size), bigat (weight), hugis (shape), at ang mga relasyon nito (spatial relationships).
4. Humahaba ang kanyang attention span, kaya tumatagal, halimbawa, ang paglalaro niya sa kanyang paboritong laruan hanggang 20 o 30 minuto.
Emotional at behavioral development
Punong-puno ng energy ang toddler at sobra siyang nagiging curious, kaya kadalasan ay hindi siya mapakali at parating may gustong gawin. Mga halimbawa:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Ipipilit na tulungan ka sa mga gawaing bahay, tulad ng pagtutupi ng mga damit at pagwawalis.
2. Nasisiyahan siyang pinapanood, halimbawa, kapag kumakanta o sumasayaw siya. Kaya uulitin niya ang mga bagay na iyong nakakakuha siya ng atensyon at reaksyon.
Language at communication development
Masarap nang kausapin ang toddler dahil nagiging madaldal na siya at kaya na niyang gawin ang mga ganito:
1. Nakakabigkas at nauunawaan ang mula 10 salita hanggang, kung minsan, 50 salita.
2. Mas gumagamit ng mga salitang pandiwa (verb), o action words, gaya ng "alis (go)" at "talon (jump)," pati na iyong may kinalaman sa direksyon, tulad ng "taas (up)," "baba (down)," "labas (out)," at "loob (in)."
Kung hindi pa ganoon kadaldal ang anak, payo ng mga eksperto na iwasang ikumpara sa ibang toddler. Marami rin kasing mga bata ang hindi kaagad naaabot ang 19 month baby milestones. Kung minsan kasi sa edad 24 months o 2 years old pataas pa talagang bumibida sa pagsasalita.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSubukan ang ilang budget-friendly at fun activities para sa iyong toddler, na mababasa dito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments