-
Humahalik Nang Puckering Lips, Gumagamit Ng Holophrases, At Ibang 20 Month Baby Milestones
Patuloy ang toddler sa pagtuklas ng kanyang kakayahan.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Pagtungtong sa edad 18 months at tumutuloy sa 19 months, nagsisimula ang iyong anak na matutong maglakad mag-isa at bumigkas ng mas maraming salita. Nagkakaroon siya ng improvement sa pagdaan ng mga araw habang inaabot ang iba pang developmental milestones hanggang sa 20 months at mga susunod pa.
Ang baby o developmental milestones ay ang mga kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad.
Nagsisilbi ang developmental milestones bilang gabay, ayon kay Dr. Joey Cuayo-Estanislao, para malaman kung lumalaki ang ating mga anak sa inaasahang bilis. Dagdag niya na ang behaviors at skills ay lumalabas sa paglipas ng panahon bilang building blocks ng bata sa kanyang paglaki (growth), paglago (development), at patuloy na pag-alam (continued learning).
Paalala lang ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Mahalaga lang na sumangguni sa doktor na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW20 month baby milestones
Sa ganitong edad, patuloy ang paglaki at paglago ng toddler sa iba-ibang aspeto ng kanyang pagkatao.
Physical development
Maraming batang lalaki ang may timbang na 20 hanggang 31 lbs, at sukat na halos 31 hanggang 35 1/2 inches, ayon sa What to Expect tungkol sa growth ng mga 20-month-old. Marami namang mga batang babae na may timbang na 18 1/2 hanggang 30 lbs at sukat na 30 hanggang 35 inches. (Basahin dito kung ano ang normal weight para sa mga toddler.)
Malaking tulong ang proper nutrition para maging malusog ang toddler. Kailangan niyang kumain ng 3 meals at 2 snacks kada araw, ayon sa The Bump. Rekomendado ang pag-inom ng tatlong 8-ounce na tasa ng whole milk kada araw, kung hindi siya nakakakuha ng calcium sa ibang pagkain.
Suportado naman ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang extended breastfeeding hanggang 24 months o 2 years ng anak at higit pa, kung pipiliin ng nanay. (Basahin dito ang mga benepisyo ng mas mahabang pagpapadede.)
CONTINUE READING BELOWwatch nowPero kung nagdesisyon ka nang itigil ang pagpapadede, mainam na gawin ito nang dahan-dahan. Maaaring bawasan ng isang beses ang nursing session sa loob ng tatlo hanggang pitong araw bago tuluyang bitawan ito. (Basahin dito para sa weaning tips.)
Dahil kaya na ng toddler na kumain mag-isa, bigyan siya ng iba-ibang klase ng pagkain. Kadalasang kinakailangang kumakain ang toddler ng 3/4 hanggang 1 cup na prutas at gulay, 1/4 cup na grains (tulad ng kanin), at 3 tablespoons ng protina (karne, isda) kada araw. (Basahin dito ang gamot para sa walang gana kumain o di kaya pihikan ang anak.)
Narito ang mahalagang 20 month baby milestones para sa physical development mula sa guidelines ng Pediatrics in Review ng University of Washington sa United States:
Gross motor skills (ginagamitan ng malaking galaw at buong katawan, kung kailangan)
1. Marunong nang mag-squat kapag naglalaro.
2. Kayang magdala ng may kalakihang bagay.
3. Nakakababa ng hagdan na isang kamay lang niya ang tumutungkod.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWFine motor skills (ginagamitan ng maliit o pinong galaw sa tulong ng small muscles sa mga daliri, kamay, pulso, braso, paa, labi, at dila)
1. Nakukumpleto ang buong round peg board kahit hindi mo sabihan.
2. Kaya na niyang pagpatong-patungin ang 5 hanggang 6 na building blocks para makagawa ng tore.
Cognitive at mental development
May kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto. Nahahasa na ang cognitive at mental abilities ng toddler, kaya nagagawa na niya ang mga ito, ayon sa guidelines:
1. Alam na sinusubo lang ang pagkain o puwedeng kainin.
2. Nakakaubos ng isang meal mag-isa gamit ang kutsara.
3. Naiisip na niya kung nasaan ang isang bagay na nakatago, tulad ng kanyang laruan sa ilalim ng mga unan.
4. Nailalagay ang kuwadrado (square) sa form board.
Emotional at behavioral development
Hindi na lang basta nagpapakita ng emosyon ang toddler, nabubuo na ang kanyang kamalayan dito.
1. Nagsisimulang mag-isip tungkol sa kanyang mga nararamdadam (feelings).
2. Nagho-host ng tea party para sa kanyang stuffed toys.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW3. Humahalik na nakausli ang mga labi (puckering lips).
Language at communication development
Masarap nang kausapin ang toddler dahil nagiging madaldal na siya at kaya na niyang gawin ang mga ganito:
1. Tumuturo sa tatlong litrato.
2. Nagsisimulang maintindihan ang mga panhalip (pronouns) na "me," "her," at "him."
3. Gumagamit ng holophrases. Halimbawa, sasabihin niya, "Mommy," sabay turo sa bag. Ibig sabihin, bag ni Mommy.
4. Nabibigkas ang kombinasyon ng dalawang salita (two-word combination).
5. Nagsasabi ng "no" kapag may hihilingin ka sa kanya.
Kung hindi pa ganoon kadaldal ang anak, payo ng mga eksperto na iwasang ikumpara sa ibang toddler. Marami rin kasing mga bata ang hindi kaagad naaabot ang 20 month baby milestones. Kung minsan kasi sa edad 24 months o 2 years old pataas pa talagang bumibida sa pagsasalita.
Subukan ang ilang budget-friendly at fun activities para sa iyong toddler, na mababasa dito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments