-
May Awareness Na Ang Toddler Sa Approval O Disapproval, At Ibang 21 Month Baby Milestones
Ano pa ang nagagawa ng 21-month-old?by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Pagkatapos ng 20 months, inaasahang itutuloy ng iyong toddler ang kanyang mga natutunang gawin sa mga susunod na buwan. Maaaring maging mas maayos na ang kanyang paglalakad at mas malinaw na ang kanyang pagsasalita. Nariyan pa ang ibang 21 month baby milestones.
Ang baby o developmental milestones ay ang mga kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad.
Nagsisilbi ang developmental milestones bilang gabay, ayon kay Dr. Joey Cuayo-Estanislao, para malaman kung lumalaki ang ating mga anak sa inaasahang bilis. Dagdag niya na ang behaviors at skills ay lumalabas sa paglipas ng panahon bilang building blocks ng bata sa kanyang paglaki (growth), paglago (development), at patuloy na pag-alam (continued learning).
Paalala lang ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Mahalaga lang na sumangguni sa doktor na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW21 month baby milestones
Sa ganitong edad, patuloy ang paglaki at paglago ng toddler sa iba-ibang aspeto ng kanyang pagkatao.
Physical development
Karaniwan sa mga toddler ang biglang pagbigat at paglaki sa mga panahong ito, ayon sa What to Expect. Maaaring ang batang lalaki ay may timbang na mula 20 hanggang 32 lbs at taas na mula 31 hanggang 35 1/2 inches. Kung batang babae naman, may timbang na mula 19 hanggang 31 pounds at taas na 30 1/2 hanggang 35 1/2 inches.
Malaking tulong ang proper nutrition para maging malusog ang toddler. Kailangan niyang kumain ng 3 meals at 2 snacks kada araw, ayon sa mga eksperto. Rekomendado ang pag-inom ng tatlong 8-ounce na tasa ng whole milk kada araw, kung hindi siya nakakakuha ng calcium sa ibang pagkain.
Suportado naman ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang extended breastfeeding hanggang 24 months o 2 years ng anak at higit pa, kung pipiliin ng nanay. (Basahin dito ang mga benepisyo ng mas mahabang pagpapadede.)
Pero kung nagdesisyon ka nang itigil ang pagpapadede, mainam na gawin ito nang dahan-dahan. Maaaring bawasan ng isang beses ang nursing session sa loob ng tatlo hanggang pitong araw bago tuluyang bitawan ito. (Basahin dito para sa weaning tips.)
CONTINUE READING BELOWwatch nowDahil kaya na ng toddler na kumain mag-isa, bigyan siya ng iba-ibang klase ng pagkain. Kadalasang kinakailangang kumakain ang toddler ng 3/4 hanggang 1 cup na prutas at gulay, 1/4 cup na grains (tulad ng kanin), at 3 tablespoons ng protina (karne, isda) kada araw. (Basahin dito ang gamot para sa walang gana kumain o di kaya pihikan ang anak.)
Hindi nagkakalayo ang physical development ng 21-month-old sa naunang buwan nito. Narito ang mahalagang baby milestones mula sa guidelines ng Pediatrics in Review ng University of Washington sa United States:
Gross motor skills (ginagamitan ng malaking galaw at buong katawan, kung kailangan)
1. Marunong nang mag-squat kapag naglalaro.
2. Kayang magdala ng may kalakihang bagay.
3. Nakakababa ng hagdan na isang kamay lang niya ang tumutungkod.
Fine motor skills (ginagamitan ng maliit o pinong galaw sa tulong ng small muscles sa mga daliri, kamay, pulso, braso, paa, labi, at dila)
1. Nakukumpleto ang buong round peg board kahit hindi mo sabihan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Kaya na niyang pagpatong-patungin ang 5 hanggang 6 na building blocks para makagawa ng tore.
Cognitive at mental development
May kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto. Nahahasa na ang cognitive at mental abilities ng toddler, kaya nagagawa na niya ang mga ito, ayon sa guidelines:
1. Alam na sinusubo lang ang pagkain o puwedeng kainin.
2. Nakakaubos ng isang meal mag-isa gamit ang kutsara.
3. Naiisip na niya kung nasaan ang isang bagay na nakatago, tulad ng kanyang laruan sa ilalim ng mga unan.
4. Nailalagay ang kuwadrado (square) sa form board.
Tulad ng ilang 21-month-old, maaaring magpakita na ang iyong anak ng pagiging handa sa paggamit ng banyo, o potty training. Okay namang simulan na ang potty training, ayon sa The Bump, basta iwasan na pilitin o bigyan ng pressure ang anak para matuto kaagad. Kadalasan kasi bandang 30 months pa talaga ito nangyayari.
Emotional at behavioral development
Hindi na lang basta nagpapakita ng emosyon ang toddler, nabubuo na ang kanyang kamalayan dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Nagsisimulang mag-isip tungkol sa kanyang mga nararamdadam (feelings).
2. Nagho-host ng tea party para sa kanyang stuffed toys.
3. Humahalik na nakausli ang mga labi (puckering lips).
Sa panahong ito rin nagkakaroon ang toddler ng tantrum na nauuwi sa meltdown. Hindi pa rin niya kasi lubusang masabi o maipahayag ang kanyang nararamdaman kaya hindi kayo nagkakaintindihan. Mainam na habaan pa ang pasensya. Sikapin din na sundin ang kanyang regular schedule o routine, parating may handaang snacks, at bigyan ng bola na puwede niyang ibato habang nilalabas ang frustration.
Sa panahong ito, nagpapakita ang toddler ng senyales na alam na niya kung kailan ka pumapayag (approval) at hindi pumapayag (disapproval). Mahalaga ang maagang hakbang na ito para matutunan ang positive behaviors. Kaya mainam na ihayag ang iyong kagustuhan kapag may ginawa o inasal siyang tama. Pero kapag hindi tama ang kanyang ginawa, sabihin mo naman na hindi mo ito nagustuhan.
Language at communication development
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMasarap nang kausapin ang toddler dahil nagiging madaldal na siya at kaya na niyang gawin ang mga ganito:
1. Tumuturo sa tatlong litrato.
2. Nagsisimulang maintindihan ang mga panhalip (pronouns) na "me," "her," at "him."
3. Gumagamit ng holophrases. Halimbawa, sasabihin niya, "Mommy," sabay turo sa bag. Ibig sabihin, bag ni Mommy.
4. Nabibigkas ang kombinasyon ng dalawang salita (two-word combination).
5. Nagsasabi ng "no" kapag may hihilingin ka sa kanya.
Kung hindi pa ganoon kadaldal ang anak, payo ng mga eksperto na iwasang ikumpara sa ibang toddler. Marami rin kasing mga bata ang hindi kaagad naaabot ang 21 month baby milestones. Kung minsan kasi sa edad 24 months o 2 years old pataas pa talagang bumibida sa pagsasalita.
Basahin dito ang 22 month baby milestones.
What other parents are reading

- Shares
- Comments