embed embed2
  • Ipinapakita Ng Toddler Na Sumisipa Siya Ng Bola, At Iba Pang 22 Month Baby Milestones

    Ano pa ang mga bagong nagagawa ng toddler sa ganitong edad?
    by Jocelyn Valle .
Ipinapakita Ng Toddler Na Sumisipa Siya Ng Bola, At Iba Pang 22 Month Baby Milestones
PHOTO BY Canva
  • Pagtungtong sa edad 18 months at tumutuloy sa 19 months, 20 months, at 21 months, nagsisimula ang iyong anak na matutong maglakad mag-isa at bumigkas ng mas maraming salita. Nagkakaroon siya ng improvement sa pagdaan ng mga araw habang inaabot ang iba pang developmental milestones hanggang sa 22 months at mga susunod pa.

    Ang baby o developmental milestones ay ang mga kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad.

    Nagsisilbi ang developmental milestones bilang gabay, ayon kay Dr. Joey Cuayo-Estanislao, para malaman kung lumalaki ang ating mga anak sa inaasahang bilis. Dagdag niya na ang behaviors at skills ay lumalabas sa paglipas ng panahon bilang building blocks ng bata sa kanyang paglaki (growth), paglago (development), at patuloy na pag-alam (continued learning).

    Paalala lang ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Mahalaga lang na sumangguni sa doktor na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    22 month baby milestones

    Sa ganitong edad, patuloy ang paglaki at paglago ng toddler sa iba-ibang aspeto ng kanyang pagkatao.

    Physical development

    Ang average weight para 22-month-old ay 25.4 lbs para sa mga batang babae, at 25.9 lbs para sa mga batang lalaki boys, ayon sa The Bump. Ang average height naman para sa 22-month-old ay 33.4 inches para sa mga batang babae, at 33.9 inches para sa mga batang lalake. (Basahin dito kung ano ang normal weight para sa mga toddler.)

    Malaking tulong ang proper nutrition para maging malusog ang toddler. Kailangan niyang kumain ng 3 meals at 2 snacks kada araw. Rekomendado ang pag-inom ng tatlong 8-ounce na tasa ng whole milk kada araw, kung hindi siya nakakakuha ng calcium sa ibang pagkain.

    Suportado naman ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang extended breastfeeding hanggang 24 months o 2 years ng anak at higit pa, kung pipiliin ng nanay. (Basahin dito ang mga benepisyo ng mas mahabang pagpapadede.)

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Pero kung nagdesisyon ka nang itigil ang pagpapadede, mainam na gawin ito nang dahan-dahan. Maaaring bawasan ng isang beses ang nursing session sa loob ng tatlo hanggang pitong araw bago tuluyang bitawan ito. (Basahin dito para sa  weaning tips.)

    Dahil kaya na ng toddler na kumain mag-isa, bigyan siya ng iba-ibang klase ng pagkain. Kadalasang kinakailangang kumakain ang toddler ng 3/4 hanggang 1 cup na prutas at gulay, 1/4 cup na grains (tulad ng kanin), at 3 tablespoons ng protina (karne, isda) kada araw. (Basahin dito ang gamot para sa walang gana kumain o di kaya pihikan ang anak.)

    Narito ang mahalagang 22 month baby milestones para sa physical development mula sa guidelines ng Pediatrics in Review ng University of Washington sa United States:

    Gross motor skills (ginagamitan ng malaking galaw at buong katawan, kung kailangan)

    1. Nakakaakyat ng hagdan habang humahawak sa barandilya (railing) at pinagtatabi ang dalawang paa sa bawat hakbang.

    2. Sumisipa sa bola habang ipinapakita sa ibang tao kung paano niya ito ginagawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Fine motor skills (ginagamitan ng maliit o pinong galaw sa tulong ng small muscles sa mga daliri, kamay, pulso, braso, paa, labi, at dila)

    1. Kayang takpan ang box gamit ang takip nito.

    2. Nakakaguhit ng tuwid na linya (straight line) kapag may kinokopyahan.

    3. Nakakaguhit ng bilog (circle) kapag may kinokopyahan.

    Cognitive at mental development

    May kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto. Nahahasa na ang cognitive at mental abilities ng toddler, kaya nagagawa na niya ang mga ito, ayon sa guidelines:

    1. Bihasa nang gumamit ng kutsara mag-isa kapag kumakain.

    2. Sanay nang uminom sa baso, kaya bihira nang may natatapon.

    3. Kaya nang isara ang zipper.

    4. Itinatabi ang kanyang sapatos sa shoe rack pagkatapos hubarin ang mga ito.

    5. Nakukumpleto na ang form board.

    Emotional at behavioral development

    Hindi na lang basta nagpapakita ng emosyon ang toddler, nabubuo na ang kanyang kamalayan dito.

    1. Minamatyagan ang ibang mga bata.

    2. Nagsisimulang sumuway sa iyo at nagpapakita ng defiant behavior.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Language at communication development

    Masarap nang kausapin ang toddler dahil nagiging madaldal na siya at kaya na niyang gawin ang mga ganito:

    1. Ituro ang apat hanggang limang litrato.

    2. Ituro ang lima hanggang anim na parte ng katawan.

    3. Ituro ang hanggang apat na piraso na kasuotan kapag sinabi mo ang mga uri nito.

    4. Nabibigkas at nakakagamit ng 25 hanggang 50 na salita.

    5. Nagtatanong na maturuan pa siya ng ibang mga salita.

    6. Nagdadagdag ng isa hanggang dalawang salita sa kanyang bokabularyo kada linggo.

    Kung hindi pa ganoon kadaldal ang anak, payo ng mga eksperto na iwasang ikumpara sa ibang toddler. Marami rin kasing mga bata ang hindi kaagad naaabot ang 22 month baby milestones. Kung minsan kasi sa edad 24 months o 2 years old pataas pa talagang bumibida sa pagsasalita.

    Subukan ang ilang budget-friendly at fun activities para sa iyong toddler, na mababasa dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close