embed embed2
5 Bagay Sa Bahay Na Pwedeng-Pwede Para Sa Sensory Play Activities
PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
  • Maraming nadidiskubre at natututunan ang mga bata sa tuwing naglalaro sila. Sabi nga ng mga eksperto, ang paglalaro ang isa sa mga pinakamagandang paraan para matuto ang mga bata.

    Habang maliit pa ang mga anak mo, pwede mong ipakilala sa kanila ang tinatawag na sensory play. Ayon sa Goodstart Early Learning, ang sensory play ay mga laro o activities kung saan gumagana ang lahat ng five senses ng iyong anak tulad ng touch, smell, taste, sight, at hearing. Sensory play din ang ano mang laro kung saan kailangang kumilos at magbalanse ng mga anak mo.

    What other parents are reading

    Kung lahat ng senses ng anak mo ay gumagana, mas pinalalakas nito ang mga tinatawag na brain pathways na mayroon na sa utak ng anak mo. Dahil diyan, mas magiging madali para sa kanila na matutunan ang mga tinatawag na complex learning tasks tulad ng gross at fine motor development, cognitive at language development, pati na rin ang social at emotional development.

    What other parents are reading

    Dahil sa mga banepisyong ito, maraming mga nanay ang naeengganyong paglaruin ng mga sensory activities ang mga anak nila. Isa sa mga nanay na iyan ay si mommy Alelly Hernane, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Sa kanyang pinakahuling post sa Village, ibinahagi niya ang mga sensory activities na ginagawa ng kanyang isang taong gulang na anak na si Audrey. "Lahat po ng materials ay makikita lang sa bahay natin," kwento niya.

    Mga gamit sa bahay na pwede para sa sensory play

    Bins o ano mang uri ng planggana

    Dito mo pwedeng ilagay ang ilan sa mga items na pwedeng paglaruan ng anak mo. Ang maganda dito, madali itong linisin at reusable din.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bigas o ano mang uri ng grains

    Paalala lang ni mommy Lely, dapat ay kaunting-kaunti lang para hindi masayang ang bigas o ano ang grains—lalo na sa panahon ngayon na hirap ang ilan na makabili ng pagkain.

    Pwede kayong gumamit ng iba pang grains na mayroon kayo sa bahay Siguraduhin lang na kaunti lang ang ilalagay mo para hindi ito masayang.
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    What other parents are reading

    Yarns o tela

    Kung may mga tira ka mula sa mga DIY projects mo tulad ng mga yarns, tela, o kahit iyong mga fillers ng unan na malalambot, huwag mo muna itapon dahil pwede itong ilagay sa bins para maging sensory toys.

    Putulin lang ang mga tirang yarns o tela sa bahay ninyo para maging laruan ng kids.
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    Pagsama-samahin lang ito sa isang bin at may instant sensory play na para sa iyong anak.
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane

    Small toys

    Pati mga maliliit na laruan ng mga anak mo ay pwede ring maging sensory toys. Kahit mga lumang rings at kung anu-ano pa, pwede ring isama sa bins. Siguraduhin mo lang na babantayan mo ang anak mo para hindi nila isubo ang ano mang ilalagay mo sa loob ng bins.

    Kahit anong maliit na laruan ng mga anak mo, pwedeng isama 'yan!
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Papel at iba pang makikinis na bagay

    Maganda ring gamitin ang mga papel na iba't-iba ang texture para maturuan mo ang anak mo ng tungkol sa magaspang, malambot, makinis at iba pa.

    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga inilalagay ni mommy sa DIY sensory bins ni Audrey. Bukod pa riyan, mayroon din siya ng tinatawag na Object Permanence Box.

    Ano ang Object Permanence?

    Nakakatulong ito para maintindihan ng mga bata na kahit hindi nila nakikita ang isang bagay, hindi ibig sabihin nito na wala na ang bagay na iyon.

    Ang Object Permanence ay isang konsepto na mahalagang matutunan ng mga anak mo habang bata pa sila. Nakakatulong kasi ito para i-improve ang kanilang concentration.

    Para mas madali nilang maintindihan, pwede kang gumawa ng tinatawag na Object Permanence Box katulad ng ginawa ni mommy Lely.

    Kailangan mo lang ng used cardboard box, lumang diyaryo o ano mang pwedeng ipambalot sa kahon, mga bola, pandikit, panulat, at gunting.

    Simpleng kahon lang at pambalot, pwede na!
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang una mong kailangang gawin at balutin ang lumang kahon para pwede mo itong lagyan ng ano mang disenyong gusto mo. Pagkatapos ay butasan mo ang taas kung saan mo ihuhulog ang bola.

    Walang kailangang gastusin para mabuo ito.
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mapapansin mo na kapag ihinulog mo ang bola, mawawala ito. Lalabas itong muli pagbaba sa 'drawer'. Dito makikita ng anak mo na 'mawala' man ang bola, hindi ibig sabihin nito na wala na ito habang-buhay. Kapag naintindihan na ito ng anak mo, hindi na siya matatakot na bitawan ang mga laruan niya dahil alam niyang hindi sila mawawala.

    What other parents are reading

    Nasubukan na ba ng anak mo na maglaro ng Object Permanence Box? Mayroon din ba siyang mga sensory toys? Kumusta ang kanyang experience? Anu-ano ang kanyang mga paborito? I-share mo na sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close