embed embed2
  • Entitled Na Ba Ang Anak Mo? 6 Na Madaling Paraan Para Baguhin Ang Ugaling Ito

    May magagawa ka pa para turuan ang anak mo ng tama.
    by Ana Gonzales .
Entitled Na Ba Ang Anak Mo? 6 Na Madaling Paraan Para Baguhin Ang Ugaling Ito
PHOTO BY Shutterstock
  • Maraming paraan para masiguro mong hindi lalaking entitled ang anak mo. Tinalakay namin ang mga iyan sa isa nang naunang Smart Parenting article.

    Ngunit paano kung hindi mo namalayan na lumaki na pala siyang entitled? May magagawa ka pa ba para baguhin ito? Mayroon pa, sabi ng mga eksperto.

    Ayon kay Amy McCready, ang may akda ng librong The Me, Me, Me Epidemic, mas epektibo ang positive parenting kaysa sa pagsigaw at parusa.

    Kapag madalas mo kasing pinaparusahan ang anak mo, lalaki siyang takot sa parusa ngunit hindi siya matututong pumili o gumawa ng mga tamang desisyon.

    Paliwanag ni McCready, mas epektibo ang positive parenting para mabago ang pagiging entitled ng anak mo. Sa pamamagitan kasi nito, mae-empower mo ang anak mo na maging mas responsableng tao.

    Narito pa ang mga pwede mong gawin para baguhin ang pagiging entitled ng anak mo.

    6 na paraan para maging 'un-entitled' ang anak mo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Maglaan ng oras para sa mga tinatawag na meaningful connection

    Mahalaga ang paglalaan ng oras sa anak mo. Kahit sampu hanggang labinlimang minuto lang na complete focus sa anak mo ay malaking bagay na sa kanila.

    Minsan hanggang dalawang beses sa isang araw ang rekomendado ng mga eksperto. Importanteng alam ng anak mo na maaasahan ka niya sa ano mang pagkakataon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    2. Maging matatag sa iyong mga desisyon

    Lalong-lalo na sa iyong mga patakaran sa bahay. Kailangan, kapag sinabi mong hindi pwede, panindigan mo na hindi pwede.

    Sabi ng mga eksperto, hanggat makakalusot ay ipipilit talaga ng anak mo ang gusto nila. Bilang magulang, at dahil gusto mo silang ihanda para sa isang mundo kung saan hindi nila makukuha lahay ng gusto nila, kailangan mong ipatupad ang iyong mga patakaran.

    Iwasan ang power struggle. Para ma-motivate ang anak mo na sumunod sa mga patakaran, purihin mo siya kapag nakakasunod siya nang hindi mo inuutusan o pinagsasabihan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makakatulong kung kikilalanin mo ang mga magaganda niyang ginagawa na kusang-loob.

    3. I-adjust ang inyong bahay

    Abot ba ng anak mo ang mga gamit ninyo sa bahay? Kaya ba niyang gumawa ng sarili niyang meryenda kung gugustuhin niya?

    Importanteng empowered ang anak mo para tumulong sila sa bahay at mas maging responsable.

    Halimbawa, ilagay ang mga plato at kutsara sa isang bahagi ng kusina na maaabot niya. Maganda ring may tungtungan siya para maabot niya ang lababo kung sakaling tutulong siya sa paghuhugas.

    Ilagay din ang mga toy organizers at cabinets sa lugar na maaabot niya para madali na lang sa kanilang magligpit ng mga laruan.

    4. Ituro sa anak mo ang mga dapat gawin

    "Hindi" ba ang malimit na marinig ng anak mo? O baka naman "huwag" o "bawal"? Sa halip na sabihin mo sa anak mo ang mga hindi pwede, mas magandang sabihin sa kaniya ang mga pwede niyang gawin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Maging matiyaga sa pagtuturo

    Hindi agad matututunan ng anak mo ang mga resposibilidad na iaatang mo sa kanya. Kailangang maging matiyaga ka sa pagtuturo ng paglilinis ng kwarto, pagliligpit ng mga laruan, paghuhugas ng plato, at marami pang iba.

    6. Hayaan mo siyang mag-desisyon

    Maganda sa mga entitled na bata ang pagkakaroon ng tinatawag na decision-rich environment.

    Sa pamamagitan kasi nito, ine-empower mo ang anak mo na mamili at magkaroon ng responsibilidad na alam niyang kaya ng kanyang abilidad.

    Hayaan mo silang pumili ng ihahanda nilang pagkain o ng chore na gusto nilang unahin. Hayaan mo silang pumili ng isusuot o kung paano nila aayusin ang kwarto at mga gamit nila.

    Ang pagtitiwala mo sa anak mo ay isang epektibong paraan para mabawasan at matanggal ang pagiging entitled niya.

    Bandang huli, ang mahalaga ay maramdaman ng anak mo na may tiwala ka sa kanya at naniniwala ka sa kakayahan niya.

    Ang mga entitled na bata kasi ay naniniwalang sa kanila umiikot ang mundo at ang mga bagay ay dapat ginagawa para sa kanila. Ang mga entitled na bata ay hindi tumatanggap ng pagbabawal at hindi marunong sumunod sa patakaran.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ugali rin ng mga batang entitled na maniwalang 'helpless' sila kahit hindi naman.

    Kung ipapakita mo sa anak mo na alam mong responsable siya at pipiliin niya kung ano ang tama, mas magkakaroon siya ng lakas ng loob at paniniwala sa sarili niya.

    Nagiging entitled na ba ang anak mo? Anong ginagawa mo para maiwasan ito? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles