-
Bunot Ba Lagi Ang Gupit Ni Baby? 8 Pambatang Hairstyle Ideas For Boys
Pwede mo itong ipagaya sa mga hair salons for kids.by Ana Gonzales . Published Mar 14, 2020
- Shares
- Comments

Madalas kaming makatanggap ng mga nakakatawang larawan mula sa mga miyembro ng aming online community katulad ng Smart Parenting Village.
Pero isa na yata sa mga pinakamadalas naming makuha ay ang cute at nakakatawang litrato ng mga bata na ginupitan ng kanilang mga nanay. Pare-pareho ang mga bata na bitin ang mga bangs pero cute na cute pa rin! Narito ang ilan sa mga sobrang pampa-good vibes na nakuha namin:
Mukhang happy naman si baby sa gupit niya.PHOTO BY courtesy of Megan Saliendra MateoItong si baby mukhang hindi convinced sa hairstyle na ginawa ni mommy.PHOTO BY courtesy of Ruby Ann JandogIto namang si baby, tumawag pa ng backup!PHOTO BY courtesy of Christine Genevieve MusaWhat other parents are reading
Kaya naman para maging mas maayos ang gupit ng inyong baby boy, narito ang ilang inspirasyon na pwede mong gayahin o ipagaya sa mga hair salons for kids.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCrew Cut
Hindi lang si daddy ang pwedeng magpa-crew cut—pwede rin ito para sa inyong baby boy, lalo na kung talagang mahaba na ang kanyang buhok.
PHOTO BY PinterestSimple at classic lang ang look na ito kaya madaling i-maintain at neat tignan.
What other parents are reading
Fringe Hairstyle
Ayon sa The Trend Spotter, ito ang modern version ng mushroom cut na nauso noong '80s—mas maiksi lang ito at mas layered.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMadalas na ganito ang nagiging ending na buhok ng mga batang ginupitan ng nanay nila. Para mas maging maayos ang kalalabasan, mas magandang ipagawa mo na lang ito sa professional.
Royal Assent
Bakit hindi mo gawing inspirasyon sa gupit ng anak mo ang hairstyle ni Prince George?
PHOTO BY WikimediaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod kasi sa malinis itong tignan, madali rin itong i-maintain at hindi pa makakasagabal ang buhok niya sa mata niya.
What other parents are reading
Side Part
Tulad ng Royal Assent, neat and tidy rin ang look na ito. Ilan sa mga posibleng variations ng gupit na ito ay ang shaved sides at ang classic side sweep. Tinatawag din ang gupit na ito na 'Gentleman's Side Part'.
Mini Mohawk
Kung rakista naman kayo ni hubby at gusto ninyong cool at astig din ang look ni baby, pwedeng-pwede sa kanya ang mini mohawk.
Toddler Undercut
Isa pa itong astig na gupit para sa mga baby boys. Isa sa mga magagandang variations nito ay ang under cut na may hard part kung saan inaahit ang partition sa buhok ni baby.
PHOTO BY PinterestADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKailangan lang na good mood ang anak mo kapag dinala mo siya sa kiddie salon para pagupitan, dahil medyo mabusisi ang gupit na ito.
Layered Medium Length Hair
Kung nanghihinayang ka namang pagupitan ang anak mo, pwede mong ipa-style ang long hair niya para numipis ito pero hindi mabawasan ang haba.
Curly
Kung natural namang kulot ang anak ninyo, sapat na ang trim para mapanatiling malinis at hindi nakakasagabal sa mukha niya ang kanyang buhok.
Kaunting gupit lang sa kanyang bangs at likuran, okay na.
What other parents are reading
Paano kung mahirap gupitan si baby?
Ano mang ganda ng hairstyle o gupit na mapipili mo para sa iyong anak, wala rin itong magiging silbi kung mahirap siyang gupitan. Narito ang ilang paraan para mas mapadali ang pagpapagupit sa toddler ninyo:
Huwag itong tawaging 'haircut' o 'gupit'
Ayon sa isang hairstylist, alam ng mga bata na masakit ang 'cut' o 'gupit'. Kaya naman para hindi sila matakot o hindi nila maisip na masasaktan sila, pwede mong gamitin ang salitang 'trim'.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede mo ring sabihin na ipapaayos mo ang kanilang buhok para makamukha nila ang paborito nilang anime o cartoon character.
Magpractice gamit ang tongs o mapurol na gunting
Kalimitan, natatakot ang mga bata na magpagupit dahil nagugulat sila sa tunog ng bukas-sarang gunting. Natatakot din sila sa itsura ng matalim na bagay na malapit sa kanilang mukha.
Kaya naman para hindi sila magulat, ipraktis niyo na ito sa bahay gamit ang mapurol na gunting o 'di kaya at maliit na tongs. Pwede niyong isama ang kanyang mga paboritong stuffed toys para mas maging relaxed pa ang anak ninyo.
What other parents are reading
Maging mabuting halimbawa
Mas magiging madali para sa anak ninyo ang pagpapagupit kung sasabayan niyo sila. Maganda kasi kung makikita nila na wala naman silang dapat ipag-alala.
Pagkatapos mong magupitan, pwede mong paupuin sa kandungan mo ang iyong anak habang ginugupitan siya. Pwede ring magkatapat kayo ng upuan at sabay kayong ginugupitan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBigyan sila ng distraction
Mayroon ba silang mga paboritong laruan? O 'di naman kaya ay paboritong panoorin na cartoons? Dalhin mo lahat ng ito kapag pagugupitan mo si baby.
Makakatulong din kung pagugupitan mo sila sa mga pambatang hair salons na kumpleto na ng mga laruan at activities na magdidistract kay baby habang ginugupitan siya.
What other parents are reading
Gupitan si baby sa banyo
Kung sakali namang hindi mo talaga madala si baby sa salon, pwede mo siyang gupitan na lang sa banyo. Kalimitan ay tahimik lang ang mga bata kapag nakababad sila sa tubig. Bigyan mo lang sila ng laruan at hindi na nila mapapansin na ginugupitan mo sila.
Ipaliwanag mo sa anak mo kung anong nangyayari
Hindi maiintindihan ng mga bata kung bakit biglang isang araw ay dadalhin mo sila sa isang lugar kung saan biglang gugupitin ng hindi nila kilala ang buhok nila. Kaya naman para hindi sila matakot, ipaliwanag mo na sa kanila kung para saan ito bago pa man kayo umalis ng bahay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGawing routine ang pagpapagupit
Kaugnay ng nauna nating nabanggit, hindi naman bahagi ng araw-araw o linggo-linggong buhay ng anak mo ang pagpapagupit. Kaya naman importanteng isama ito sa inyong monthly routine.
What other parents are reading
Ilan lamang ang mga ito sa pinakamadali at mabisang paraan para maging maayos ang buhok ng anak ninyo.
Kumusta ang experience ninyo sa pagpapagupit kay baby? Kayo ba ang gumugupit sa kanya? Nahihirapan ba kayo o madali lang? Gusto ba nilang ginugupitan o struggle niyo ito buwan-buwan? I-share niyo na ang inyong experience sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments