embed embed2
A Speech Pathologist Shares: Paano I-Check Kung Anong Naiintindihan Ng Toddler Mo
PHOTO BY Shutterstock
  • Isa sa mga concerns na malimit ilapit sa amin ng mga magulang ay ang kung delayed ba ang speech development ng kanilang anak.

    Paano mo nga ba malalaman kung late ang anak mo o tama lang ang mga naiintindihan at nasasabi niya ayon sa kanyang edad?

    Paalala: Kung nangangamba ka sa speech development ng toddler mo, kailangang kumonsulta ka sa pediatrician para malaman kung kailangan mo na bang lumapit sa isang developmental pedia.

    Pwede mong subukan ang technique na ito para masukat ang comprehension, o kakayahang umintindi, ng iyong anak.

    Hindi mo kailangan ng mga mamahaling laruan o libro para gawin ito. Kahit mga ordinaryong gamit lang sa bahay ay pwede na.

    Nagmula ito kay Katherine Tiuseco o Teacher K, isang certified speech-language pathologist na nakabase dito sa Pilipinas.

    Ayon sa kanya, maganda ang mga activities na ito para sa mga pre-verbal kids na nagsisimula pa lang makaintindi ng mga sinasabi ng kanilang mga magulang—kahit hindi pa sila nakakapagsalita.

    "These are for parents who ask, 'I feel like my child could understand some words already, but still doesn't say them. How do I know what they do and don't understand?'" sabi niya sa kanyang YouTube video na Episode 17: Check What Your Child Understands with This Activity.

    Paliwanag niya, "Language can be divided into receptive and expressive." Ang receptive language ay kung paano naiintindihan ng tao kung ano ang sinasabi sa kanya. Habang ang expressive language naman ay kung paano ine-express ng isang tao ang sarili niya.

    "This activity is perfect for working on a child's receptive language," sabi niya. "Those who aren't talking yet, but you want to see if they really understand the words that I'm trying to say."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para mas maging epektibo ang technique na ito, gumamit ka ng mga bagay na malimit ginagamit ng iyong anak sa loob ng inyong bahay. "It is more meaningful for them that way," sabi ni Teacher Kaye.

    "This task works on identification. Meaning they don't have to answer you back with a word, all they have to do is point or get the item that you are targeting," dagdag pa niya.

    Pwede mo itong gawin sa tatlong paraan:

    • object to object
    • object to picture
    • picture to picture

    Mga techniques para i-check ang comprehension ng anak mo:

    Object to object

    Kumuha ng dalawang bagay na pamilyar sa aman mo. Gumamit si Teacher Kaye ng apple at banana para sa kanyang object to object demonstration.

    Step 1: Ilagay ang apple at banana sa harap ng anak mo.

    Step 2: Hawakan ang banana malapit sa iyong mukha at i-identify mo ito para sa iyong anak bilang banana.

    Step 3: Ipaturo o ipaabot sa anak mo ang banana.

    Sabi ni Teacher Kaye, kung sakaling abutin o ituro ng anak mo ang maling prutas, iatras mo ang apple at ilapit sa kanya ang banana.

    Kapag tamang prutas naman ang inabot ng anak mo, payo ni Teacher Kaye, "Make an exaggerated rewarding voice."

    Pwede mo nang palitan ang prutas kapag nakuha na ng anak mo ang tamang pangalan ng prutas. Pwede ka ring gumamit ng toys o mga gamit nila gaya ng toothbrush.

    Picture to object

    Pagdating naman sa picture to object, payo ni Teacher Kaye, ituro mo muna sa anak mo ang pagkakapareho ng bagay sa picture at ng bagay sa harap ng anak mo.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Halimbawa, kung may flash card ka na may banana, ituro mo ang banana sa picture at ang banana sa harap ng anak mo. Dito niya mabubuo ang connection na ang nasa picture ay pareho lang ng nasa harap niya.

    Saka mo ipapasok ang iba pang prutas at papapiliin mo ang anak mo kung aling prutas ang kapareho ng nasa picture.

    Picture to picture

    Sa picture to picture naman na activity, sa halip na totoong prutas o gamit ang ihaharap mo sa anak mo, dalawang magkaparehong pictures naman ang ipapakita mo sa kaniya.

    Tulad ng naunang dalawang activities, hanggat hindi nakukuha ng anak mo ang tamang matching ng mga prutas o bagay, ire-reset mo lang ang inyong activity.

    Huwag kalimutang mag-offer ng praise o papuri kapag nakukuha niya nang tama ang ipinapa-match mo sa kanya.

    Kapag nakikita mong naiintindihan ng anak mo ang mga ipinapaabot o ipinapaturo mong bagay sa kanya, dito mo masasabing naiintindihan niya ang mga sinasabi at itinuturo mo sa kanya.

    Isa rin itong indikasyon na nakukuha niya ang konsepto ng itinuturo at sinasabi mo.

    Napakasimple, napakasaya, at napakadali lang ng activity ni Teacher Kaye. "Usually, when children get this and they start getting the right answers, you'll see their faces light up because they'll be so proud that they know something and they can show if off to you."

    Ilan pang tips ni Teacher Kaye, gumamit lang muna ng dalawang options sa umpisa. Habang tumatagal ang inyong exercise, pwede ka nang magdagdag ng iba pang mga pagpipilian.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para makita ang buong demo ni Teacher Kaye, pumunta ka lang sa kanyang YouTube channel na Teacher Kaye Talks. Pwede mo ring i-click ang link na ito.

    Ikwento mo sa comments section ang experience ninyo ng anak mo pagkatapos subukan ang activity na ito.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa iba pang mga techniques.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close