;
embed embed2
  • Pinapaalis Ako Ng Anak Ko Tuwing Nagta-Tantrum Siya. Tama Bang Umalis Ako?

    Madalas nangyayari ito kapag nagta-tantrums sila dahil hindi nila nakukuha ang kanilang gusto.
    by Ana Gonzales .
Pinapaalis Ako Ng Anak Ko Tuwing Nagta-Tantrum Siya. Tama Bang Umalis Ako?
PHOTO BY Shutterstock/BigPixel Photo
  • Kalimitan, ang problema ng mga magulang ay ang masyadong pagiging clingy ng mga anak nila. Nariyang sundan sila hanggang banyo o 'di naman kaya ay hawakan sila nang mahigpit habang natutulog.

    Pero paano kung ang problema ay pinapaalis ka ng anak mo? Nangyari na ba ito sa iyo? Napaalis ka na ba ng anak mo dahil mas gusto niyang siya lang mag-isa?

    Common na reaksyon ito ng batang nagta-tantrums dahil hindi niya nakuha ang gusto niya o 'di naman kaya ay stressed siya o pagod ngunit hindi niya maipaliwanag nang maayos ang kaniyang nararamdaman.

    Kung naranasan mo na ito, siguradong nakaramdam ka ng sakit at rejection. Bukod pa doon, mas mahirap na hindi mo alam kung anong susunod mong dapat gawin. Lalapit ka ba? O hahayaan mo lang siya?

    Anong dapat gawin kung pinapaalis ako ng anak ko?

    Ayon sa mga magulang na nakaranas na nito, kailangan mong hanapin ang balanse. Hindi mo pwedeng hayaang lumayo masyado sa iyo ang anak mo dahil kailangan mong siguraduhing hindi niya sasaktan ang sarili niya.

    Hindi ka rin naman pwedeng hindi lumapit sa kanya, dahil hindi man niya aminin, kailangan pa rin niyang maramdaman na nariyan ka para sa kanya.

    Pagbabahagi ni Shauna L. Casey ng website na Hand in Hand, trial and error bago niya natutunan kung paano I-hahandle ang anak niya kapag pinapaalis siya nito.

    Ayon sa kanya, lumalapit lang siya sa anak niya sa distansiyang sapat para maabot niya ito kung sakali mang kailanganin ang bata.

    Sabi pa niya, minsan, ang pagtatantrums ng mga bata ay dahil hindi nila maipaliwanag ang kanilang mga nararamdaman—lalo na ang mga tinatawag na 'big emotions'.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong ibig sabihin ng anak ko kapag pinapaalis niya ako?

    Maaaring ang ibig sabihin nito ay hindi maganda ang pakiramdam niya at wala ka ring magagawa Kahit na nariyan ka.

    Huwag mong isiping ayaw sa iyo ng anak mo. Sa halip, intindihin mo na kailangan niya ng tulong dahil hindi niya alam iproseso ang kanyang nararamdaman.

    Tandaan mo rin na hindi sa lahat ng oras ay mararamdaman ng anak mo na okay lang magsabi sa iyo. Kaya sa halip na pilitin mo siya, bigyan mo siya ng sapat na panahon at iparamdam mo sa kanya na magtantrums man siya ay hindi nagbabago ang pagmamahal mo sa kanya.

    Anong pwede kong gawin kung overwhelmed ako sa tantrums at pagpapaalis ng anak ko?

    Narito ang mga pwede mong itanong sa sarili mo:

    "Tanggap ko ba ang ano mang negatibong nararamdaman ng anak ko?"

    "Gusto ko bang magbago ang anak ko?"

    Kung "hindi" ang sagot mo sa parehong tanong, kailangan mo munang lumayo sa ank mo sandali.

    Ayon pa sa mga magulang na nakaranas nito, huwag mong pilitin ang sarili mo na manatili kung alam mong hindi mo kaya.

    Balikan mo ang anak mo kapag pareho nang malamig ang ulo ninyo.

    Heto ang mga pwede mong sabihin sa sarili mo:

    "Pareho kaming overwhelmed ng anak ko."

    "Ang kailangan ko lang gawin ay maupo kasama niya."

    Wala ring tama o iisang paraan kung paano mo ihahandle ang tantrums ng anak mo, lalo na kung umabot sa puntong pinapaalis ka na niya. Ang mahalaga ay iparamdam mo sa anak mo na nariyan ka lang para sa kanya ano man ang nararamdaman niya—maganda man o pangit.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    ***

    Naranasan mo na bang mapaalis ka ng anak mo? Bakit ka niya pinaalis? Anong ginawa mo? I-share mo 'yan sa comments section. Pwede ka ring magbahagi ng iyong discipline techniques sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Huwag kallimutang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles