embed embed2
  • 'Dismissive Parent' Ka Ba? Oo Kung Sinasabi Mo Ang Mga Katagang Ito

    Minsan may mga nasasabi tayo sa mga anak natin na hindi natin alam ay nakakasama pala.
    by Ana Gonzales .
'Dismissive Parent' Ka Ba? Oo Kung Sinasabi Mo Ang Mga Katagang Ito
PHOTO BY Shutterstock/Odua Images
  • May kasabihan na "Sticks and stones may break bones, but words can shatter the soul." Ibig sabihin, bagaman masakit ang mga pisikal na galos, wala pa ring makakatalo sa negatibong epekto ng mga masasakit na salita.

    Pagdating sa pagiging magulang, kailangang mahanap mo ang balanse sa pagitan ng pagiging maingat at pagiging totoo o diretso pagdating sa pakikipag-usap mo sa iyong mga anak.

    Isa sa mga kailangan mong siguraduhin na hindi mangyayari ay ang maging 'dismissive parent' ka.

    Ano ang dismissive parent?

    Hindi lahat ng mga magulang ay alam na emotionally dismissive parent sila. Ang pagiging dismissive parent ay iyong hindi pakikinig o pagmamaliit sa mga nararamdaman ng anak mo.

    Ayon sa mga eksperto, maaaring lumaki ang isang bata na walang tiwala sa sarili kung emotionally dismissive ang magulang niya.

    Maaari rin silang lumaki na naniniwalang hindi mahalaga ang opinyon nila at kung ano mang iniisip nila.

    Pwede rin nilang isipin na baka may problema sa kanila kaya hindi sila karapat-dapat na pakinggan. Dagdag pa ng mga eksperto, maaaring magkaproblema sa pag-kontrol ng kanilang emosyon ang mga batang may emotionally dismissive parent.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anu-ano ang mga tanda ng pagiging emotionally dismissive?

    Mayroong mga kataga na madalas sinasabi ang mga  magulang na madalas i-invalidate ang nararamdaman ng kanilang anak. Kung lagi mong sinasabi ang mga ito, maituturing kang emotionally dismissive.

    "Wala 'yan"

    Kapag may inilapit sa iyo na problema ang anak mo, ugaliin mong paglaanan siya ng panahon. Mahalagang alam niya na pwede siyang lumapit sa iyo kung mayroon man siyang problema.

    Pakinggan mo ang sasabihin niya at bigyan mo siya ng payo na naaayon sa halip na sabihin mong 'okay lang 'yan'. Minsan, ang hinahanap lang nila ay iyong makikinig sa sasabihin nila.

    May mga takot din ang mga bata na maaaring para sa iyo ay hind naman nakakatakot o mahalaga. Hindi ibig sabihin nito ay ididismiss mo na ang nararamdaman ng anak mo.

    "Hindi naman 'yan..."

    Nangyari na ba sa iyo na lumapit sa iyo ang anak mo para magpahayag ng nararamdaman niyang sakit o takot tapos ang sasabihin mo ay "hindi naman 'yan masakit o nakakatakot" o kung ano pa mang idinadaing niya? Iyan ay tanda ng pagiging emotionally dismissive.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Gaano man kalaki o kaliit ang nararamdaman ng anak mo, huwag na huwag mo itong babalewalain.

    "Hayaan mo na 'yan"

    Halimbawang nagsumbong sa iyo ang anak mo na may nam-bully sa kanya, anong magiging reaksyon mo?

    Kung sasabihin mo man sa kanya na huwag patulan ang nambully, importante na i-acknowledge mo muna ang nararamdaman niya.

    Pwede mo siyang tanungin kung anong nangyari at kung anong naramdaman niya. Maaari mo ring sa kanya na mismo manggaling ang mga suggestions kung anong dapat gawin.

    "Hindi ka dapat nalulungkot dahil diyan"

    Hindi pa niintindihan ng anak mo kung anong ibig sabihin nito. Maaaring sa iyo ay comforting ito, pero sa anak mo, invalidating ang mga ganitong pananalita.

    Gaano mo man kagustong maging masaya ang anak mo, kailangan mong maintindihan na hindi mababago ang nararamdaman niya dahil lang sinabi mong hindi niya dapat nararamdaman ito.

    "'Wag kang umiyak"

    Minsan, hindi naiintindihan ng mga bata kung anong nararamdaman nila. Kaya para maipahayag ito, nandiyang magtatantrums sila o 'di kaya ay iiyak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gaano man kaganda ang intensyon mo sa pagpapatigil sa anak mo na umiyak, mas maganda pa ring hayaan mo siyang ilabas ang kanyang nararamdaman.

    Anong dapat gawin para hindi maging emotionally dismissive parent?

    Ang pinakamahalagang dapat mong gawin ay pakinggan ang anak mo at huwag ipagwalang bahala ang nararamdaman niya.

    Bukod kasi sa mawawalan siya ng tiwala sa sarili, hindi na rin siya magiging open sa iyo.

     

    Base sa listahang ito, emotionally dismissive parent ka ba? Anong balak mong gawin para mabago ito? I-share mo na sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close