-
Money Missed GSIS’s COVID-19 Emergency Loan Last Year? It’s Available Again Until June 21, 2021
-
Toddler A Guide to Chores You Can Give Your Kids From Age 2 to 7 Years Old
-
Getting Pregnant Masama Ang Epekto Ng Stress Sa Buntis, Ayon Sa Maraming Pag-aaral
-
Baby This Couple Is Turning Their Grief Into Gratitude After the Death of Their Baby
-
Sabi Ng Mga Eksperto Ito Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Sinusunod Ng Anak Mo
May kinalaman ito sa kung paano mo sila kausapin.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Shutterstock
Lagi bang mabilis uminit ang ulo mo? Madalas ka bang sumigaw at magdabog kapag magulo ang mga anak mo?
Ayon sa mga eksperto, ang pagsigaw, pagdadabog, at mabilis na pag-init ng iyong ulo ang ilan sa mga maaaring dahilan kung bakit hindi ka sinusunod ng mga anak mo.
Lumalabas din sa mga pag-aaral na mabisa ang 'formula' na ito: kalmadong boses = kalmadong bata.
Habang lumalaki kasi ang mga anak mo, nagbabago ang kanilang mga ugali. Dumarami kasi ang mga gawain at salita na natututunan nila.
Halimbawa, natututo na silang humindi. Tinitignan na rin nila kung hanggang saan sila makakalusot kaya mas nagiging matigas na ang kanilang mga ulo.
Kung sa mga ganitong pagkakataon ay sisigawan mo sila at paiiralin mo ang init ng ulo, mas hindi ka nila susundin.
Ayon kay Dr. Steven G. Dickstein, isang child and adolescent psychiatrist, ang pagsigaw ay tanda ng kawalan ng kontrol. Maaaring ibig sabihin nito'y overwhelmed ka na sa labis na galit at frustration.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGayon pa man, kahit alam ng maraming magulang na ang hindi pagsigaw ang susi para mapasunod ang mga bata, maraming hirap gawin ito. Sino pa nga namang makakapagtimpi kung sumosobra na sa kakulitan ang mga bata?
Bakit hindi epektibong paraan ng pagdidisiplina ang pagsigaw?
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBukod sa takot lamang ang ibibigay nito sa iyong mga anak anak, marami pang dahilan kung bakit hindi mo dapat ginagamit na paraan ng pagdidisiplina ang pagsigaw.
Nawawala ang tunay na mensahe na gusto mong iparating
Hindi maiintindihang mabuti ng mga anak mo kung anong gusto mong sabihin kung dadaanin mo sila sa sigaw.
Nawawala ang mensaheng gusto mong iparating dahil ang nakikita lang nila ay ang pagsigaw mo.
Nagiging dahilan ito para hindi ka na pakinggan ng anak mo
Kung puro sigaw ang ginagawa mo, maaaring dumating ang panahon na hindi na pansinin at pakinggan ng mga anak mo ang gusto mong sabihin.
Hindi maganda ang epekto ng pagsigaw sa self-esteen ng anak mo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa mga pag-aaral, ang pagsigaw at ang tinatawag na harsh parenting ay nagdudulot ng mababang self-esteem sa mga bata.
Maaari kasing maramdaman o maisip ng mga anak mo na hindi mo sila mahal kung lagi mo silang sinisigawan.
Hindi rin maganda sa pakiramdam kapag sinisigawan mo ang mga anak mo. Maraming mga magulang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang aminadong hindi maganda ang pakiramdam nila pagkatapos masigawan ang kanilang mga anak.
Bakit mas epektibo ang pagiging kalmado?
Iminomodelo mo ang tamang ugali
Tandaan ang formula: kalmadong boses = kalmadong mga bata
Paano mo aasahang magiging maganda ang ugali ng mga anak mo kung hindi ka mabuting halimbawa sa kanila?
Mas mararamdaman ng anak mo na ligtas siya
Kapag sinisigawan mo madalas ang anak mo, maaaring matakot siyang maging open sa iyo. Ayon sa clinical psychologist na si Melanie Fernandez, ang pinakamainam na parenting style ay iyong may pantay na paghahati ng pagkalinga at pagdidisiplina.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano maiiwasan ang madalas na pagsigaw?
Marami kang magagawa para maiwasan ang madalas na pagsigaw. Narito ang ilan:
I-identify mo ang madalas na dahilan kung bakit ka sumisigaw at ito ang iwasan mo
Kung napansin mong mabilis kang magalit kapag kulang ka sa pahinga, siguraduhin mong makakapaglaan ka ng oras para maka-idlip ka kahit sandali.
Magtalaga ng routine para sa iyo at sa iyong mga anak
Kung mabilis kang ma-overwhelm sa dami ng gagawin, gumawa ng isang routine na gagana para sa inyong buong pamilya.
Huminto at magbilang
Sabi ng mga nanay, epektibo ang paghinto at pagbilang hanggang sampu. Kung nararamdaman mo nang sasabog ang dibdib mo sa galit o inis, gumawa ka muna ng ilang breathing exercises—limang minuto lang ay sapat na.
Huwag kang magalit sa sarili mo kung hindi mo agad maiwasan o maihinto ang pagsigaw sa mga anak mo. Normal lang na ma-overwhelm at magkamali. Ang mahalaga ay kung paano ka babawi.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNasisigawan mo ba madalas ang anak mo? Anong ginagawa mong mga hakbang para maiwasan ito? I-share mo na sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network