embed embed2
  • Free Ballet Lessons, Art Class At Zumba! Eto Ang Mga Pwedeng Salihan Sa Facebook Live

    Kanya-kanyang paraan ang mga doktor, gym trainers, art teachers at iba pa para makapaghatid ng kaalaman sa mga bata at mga magulang.
    by Ana Gonzales .
Free Ballet Lessons, Art Class At Zumba! Eto Ang Mga Pwedeng Salihan Sa Facebook Live
PHOTO BY Facebook / Googly Gooeys and Halili-Cruz School of Ballet and Skill Skout
  • Naiinip na ba kayong mag-iina sa bahay? Naubusan ka na ba ng mga activities at laro na pwedeng ipagawa sa kanila? Bakit hindi ninyo subukang sumali sa mga Facebook live classes?

    Marami ngayong naglalabasang mga online resources na pwede mong gamiting reference para maging makabuluhan ang bawat araw ng enhanced community quarantine. Bukod sa mga libreng audiobooks, educational resources at iba pa, mayroon ding mga libreng classes na ginaganap lang sa pamamagitan ng Facebook live.

    What other parents are reading

    Kung gusto mong matuto ng iba't-ibang skills ang anak mo at kung gusto mo na ring maki-join, narito ang ilang Facebook live classes na pwede ninyong salihan:

    Art and Dance

    Halili-Cruz School of Ballet and Skill Skout's Ballet Class

    Kung matagal mo nang gustong matuto ang anak mo ng ballet, ito na ang pagkakataon. Magkakaroon sila ng live online ballet class para sa mga batang edad pito pataas bukas, March 27, 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mayroon din silang libreng ballet class para sa mga batang edad tatlo hanggang anim na taon sa Sabado, March 28.

    Pwede mo ring abangan ang mga 60-sec pro tips ng prima ballerina na si Lisa Macuja sa kanyang Facebook page para mas maraming matutunan ang anak mo tungkol sa ballet.

    Isa sa mga una niyang lessons ay kung paano gawin ang ballet hands.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Googly Gooeys Online Art Class

    Libreng live drawing session naman ang handog ng Googly Gooeys. Ang tema nila para bukas, March 26, 2020, ay umiikot sa mga modern heroes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napapanahon dahil pwede ninyong bigyang pugay ang ating mga frontliners.

    Kuya Robert Alejandro's Online Art Classes

    Pwede mo ring abangan ang mga online art classes ni Teacher Robert. Ituturo niya sa mga anak mo kung paano gumihit ng mga emotions at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Fitness

    Zumba with Zin Cherrie

    Kung gusto mo namang maging fit kayo ng anak mo, lalo na kung panic eating kayong mag-iina lately, pwede kayong sumali sa mga Facebook live sessions tulad ng sa Zumba instructor na si Zin Cherrie.

    Bukas na ito, March 27, 5PM kaya magluto ka ng ulam ng maaga para makasali ka sa ilang minuto ng pag-eehersisyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madali lang ito at hindi mo kailangan ng ano mang background sa yoga at iba pang fitness routines. Basta maglaan ka lang ng space sa bahay at sundan mo lang ang guidelines na ito, pwedeng-pwede nang maka-libre zumba!

    Sabi nga nila, malaki ang naitutulong ng exercise para maiangat ang mood ng isang tao, lalo na sa mga panahong tulad nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    YogaPlus Online Classes

    Kung ayaw mo namang umindak sa mabilis at masayang musika, pwede mong i-enjoy ang katahimikan habang gumagawa ng ilang stretches sa pamamagitan ng Facebook live sessions ng YogaPlus.

    https://www.facebook.com/yogaplusph/videos/507253290183349/

    Malaki ang maitutulong ng yoga sa iyo buntis ka man o hindi. Maganda ang yoga para sa katawan dahil pinopromote nito ang kindness sa sarili at self-care.

    https://www.facebook.com/yogaplusph/photos/a.187801687910385/3301278396562683/

    Bukod pa riyan, pwede mo rin itong sabayan ng meditation na maaaring makatulong sa iyo para maibsan ang iyong anxiety at stress.

    Music and online concerts

    Ben&Ben's FB Live Concert

    Isa pang magandang pantanggal ng pagkabagot, stress, at anxiety ay ang pakikinig sa musika. Pwede mong panoorin ang Ben&Ben bukas sa kanilang live concert for a cause na pinamagatan nilang Puhon: A Ben&Ben FB Live Event for the COVID-19 Efforts. Bukas na ito, March 27, 2020 7PM.

    https://www.facebook.com/BenAndBenMusic/photos/a.1719392964985628/2541914319400151/

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At dahil hindi lang ito basta concert, dito na rin nila ipapakilala sa publiko ang puhon.ph. Ito'y isang website na naglalaman ng mga paraan para makatulong sa COVID-19 efforts.

    https://www.facebook.com/BenAndBenMusic/photos/a.1719392964985628/2545635539028029/

    Bukod pa riyan, mayroon din silang kolesyon ng mga inspiring na kwento ng mga kabayanihan sa gitna ng banta ng COVID-19.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga Facebook live events dapat mong abangan ngayong linggong ito.

    Kayo? Paano ginugugol ng pamilya ninyo ang oras na mayroon kayo ngayong may community quarantine? I-share mo na ang inyong experience sa comments section.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles