\
embed embed2
  • Huwag Bumigay Sa Tantrums! Paano Manindigan Sa Pagsabi Ng 'Hindi' O 'No'

    Maraming benepisyo ang pag-set ng boundaries sa anak.
    by Jocelyn Valle .
Huwag Bumigay Sa Tantrums! Paano Manindigan Sa Pagsabi Ng 'Hindi' O 'No'
PHOTO BY Shutterstock/Ivan Lonan
  • Natural sa magulang na gustuhing ibigay ang gusto ng kanyang anak. Pero may mga pagkakataon na kailangan siyang humindi, kaya nauuwi sa pangungulit, pagmamaktol, at tuluyang tantrum ng bata.

    Nauuwi din ito sa pag-init ng ulo ni nanay o tatay hanggang sa sumigaw at magalit siya. Ito ang kaso ng isang mommy at ng kanyang 7-year-old daughter na tampok sa isang podcast episode ni Janet Lansbury, isang sikat na parenting expert, book author at guro.

    Napansin ni Lansbury na mas naniniwala ang bata na makukuha ang gusto sa pangungulit kesa seryosohin ang paghindi ng magulang.

    Karaniwang ginagawa ito ng mga bata, ayon kay Lansbury, dahil nakikita nila na may impact ang pagpapakita ng kanilang feelings sa mga magulang. Kaya nagiging mapilit sila sa paulit-ulit na pagsasabi ng kanilang gusto kahit paulit-ulit din ang pagsasabi ng magulang ng hindi.

    Paano sabihin ang 'no' o 'hindi' sa makulit na bata

    Ang problema sa ganyang sitwasyon ay ang hindi pagse-set ng boundaries — at isyu ito ng mga magulang. Ginagamit kasi ng mga bata ang boundaries “to release a lot of feelings that often have little to do with the specifics.” May ganyang pag-uugali talaga ang mga bata, at healthy iyon, sabi ni Lansbury.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa huli, napagtanto ng problematic mommy na kaya siya sumasabog sa inis ay dahil pumapayag siyang pagduduhan niya ang kanyang sarili at mapilitan na sumagot sa pangungulit ng anak. Hindi daw iyon ang kanyang trabaho bilang magulang.

    Ang dapat daw niyang gawin ay magkaroon ng conviction at maging leader sa kanyang anak. Kailangan niyang maging komportable sa kanyang paninindigan nang hindi naging “forceful or pushing or stern.” At iyon daw ang tamang direksyon para sa relasyon nilang mag-ina.

    Kalaunan, paliwanag ni Lansbury, matatanggap ng bata ang ganyang parenting style. Mapagtatanto niyang siya ang bata at hindi niya kailangan kontrolin ang mga nakatatanda sa kanya. Hahayaan niya na gawin ng magulang ang kanilang trabaho. Malaya naman siyang maging bata at gawin ang mga bagay na kailangang gawin ng mga bata.

    Nagbigay ng mga payo si Lansbury na magagamit din daw ng magulang para sa anak na mahilig sa paulit-ulit na pagputol sa kausap at paggawa ng isang bagay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Tignan sa positibong anggulo ang palitan ng salita sa pagitan ng magulang at anak
    • Manindigan sa mga sinasabi
    • Hayaan ang pagdaloy ng damdamin
    • Maging decisive
    • Magkaroon ng conviction

    Benepisyo ng boundaries sa bata

    May mga benepisyo sa bata ang paghindi ng magulang, ayon naman kay Ashley Connell sa artikulo niya sa Moms.com.

    Pagtanggap ng disappointment

    Malaking tulong sa paglaki ng bata na marunong siyang tumanggap ng acceptance at pagmo-move on. Kapag daw kasi madalas humindi ang magulang sa anak, natututo ang bata ng “resourcefulness and determination” at kung paano itaguyod ang kanyang self-esteem.

    Maaaring kabaligtaran ang mangyari kung parati namang pagbibigyan ng magulang ang gusto ng anak at masyadong i-shield. Baka raw mahirapan ang bata na tumanggap ng pagkabigo hanggang maging adult siya. 

    Pagkilala sa firm limits

    Normal daw sa mga bata na subukan ang tatag ng limitasyon na ipinapakita ng kanilang mga magulang. Kaya kapag nadala ka sa pangungulit, pagmamakaawa, at pag-iyak ng anak, ibig sabihin ay hindi matatag ang iyong limitasyon. Uulitin niya lang iyan sa tuwing hihindi ka sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero kung matatag ang ibinigay mong limitasyon sa pagsasabi ng hindi, susundin niya ito. Maaaring tumigil na siya sa kakapilit ng gusto niya at iiwasan na ang pangungulit.

    Pagkakaroon ng patience

    Mahalaga na habang maaga, malaman ng bata na hindi niya kaagad nakukuha ang ano mang gusto niya upang hindi siya lumaki na may “unrealistic expectations.” Kaya ngayon pa lang, humindi na sa hiling niya, halimbawa, na maglaro muna bago mag-aral.

    Para malaman niya ang tungkol sa “delayed gratification” na sinasabing “one of the most important factors for success in life.”

    Tunay na mahirap para sa magulang na magsabi ng hindi sa anak, pero mainam din naman na tumigil muna sa pagiging mabait. Ika nga ng mga eksperto, “It’s okay to stop being a nice mom.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles