-
Delayed Kaya? Language Milestones Ng Mga Batang Edad 1 to 2
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Bago ka pa man kabahan na baka may speech delay ang anak mo, tandaan na bagaman may pattern ang development ng mga bata, iba-iba pa rin ang panahon kung kailan nila tinatamaan ang iba't-ibang development milestones.
Sa kabilang banda, kung napapansin mong lumalaki na ang agwat niya para sa kanyang edad, baka kailangan na ng kaunting intervention mula sa mga eksperto.
Isa na marahil sa mga pinakamahalagang developmental milestones na kailangan mong bantayan ay ang mga language milestones.
Ano ang language milestones?
Tulad ng mga developmental milestones, ang language milestones ang magiging basehan mo kung maayos bang nadedevelop ang kakayahan ng anak mo na magsalita at makipag-usap.
Kabilang dito ang tinatawag na receptive o iyong pandinig at pag-intindi ng anak mo at ang expressive o iyong kakayahan ng anak mo na ipahayag ang kanyang sarili.
Sa madaling salita, ang language milestones ang mga pananda ng anak mo ng kakayahan niyang, hindi lang magsalita, kundi makarinig at umintindi.
Ilang taon kalimitang nakakapagsalita ang mga bata?
Ayon sa mga eksperto, karamihan ng mga bata ay makakabigkas ng kanilang unang salita sa edad na 10 to 14 months.
Kapag isang taong gulang na ang anak mo, makakabigkas na siya ng isa hanggang tatlong salita. Bagaman hindi pa buo ang mga ito, maiintindihan mo na ang mga bibigkasin niya. Maaari nilang banggitin ang 'mama' o 'dada' o 'di kaya ang pangalan ng kanilang kapatid o paboritong laruan.
Kung hindi man ito ginagawa ng iyong anak, hindi ka dapat mag-alala. Paliwanag ng mga eksperto, may ilang mga bata na marami nang nabubuong mga tunog at nakakagamit ng mga senyas. Hindi man nagsasalita ang anak mo, mapapansin mo naman na sinusubukan niyang magsalita at naiintindihan niya ang mga sinasabi mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMakikita mo ring lumilingon siya kapag tinatawag mo ang pangalan niya o kapag sinasabihan mo siya ng 'no' o 'huwag'.
Paano ko malalaman kung may speech delay ang anak ko?
Nagre-react siya sa mga naririnig niyang tunog
Tinalakay namin ito sa isang nauna nang Smart Parenting article. Ayon kay Dr. Francis Xavier Dimalanta, MD, FPPS, FPSDBP, isa sa top behavioral and developmental pediatricians ng Asia, dapat sa unang tatlong buwan ng anak mo ay nagrereact na siya sa mga malalakas na tunog.
Dito rin nagsisimulang matandaan ng anak mo and boses ninyo ng daddy niya. Mapapansin mo ring kumakalma siya kapag kinakausap at nagre-react na rin siya kapag nakakarinig ng tunog. Kung hindi mo ito nakikita sa anak mo, maaaring mayroon siyang autism o 'di naman kaya ay hirap siyang makarinig.
Sa edad naman apat hanggang anim na buwan, susundan na ng anak mo ang mga tunog gamit ang kanyang mata. Mapapansin mo rin na kapag binago mo ang tono at lakas ng boses mo, magre-react ang anak mo.
Payo ni Dr. Dimalanta, pwede mong gamitin ang musika para i-stimulate ang language development ng anak mo. Makakatulong din kung kakantahan mo sila para matutunan nila ang tinatawag na rythm of speech.
What other parents are reading
Nagpapakita siya ng interes sa ibang tao at ibang bagay
Sa ika-pitong buwan ng anak mo, dapat ay napapansin na niya ang kanyang kapaligiran at nagre-react na siya sa mga nakikita niya.
Halimbawa, habang nakikipaglaro ka sa anak mo, subukan mong itago ang laruan niya. Mapapansin mo na hahanapin niya ito at curious siya sa kung anong ginagawa mo. Ilan sa mga reaksyong maaari mong makita ay ang pag-ngiti niya, ang pasgsunod niya sa iyo, o 'di kaya ay pag-turo niya sa mga bagay-bagay.
CONTINUE READING BELOWwatch nowIlan lamang ang mga ito sa mga indikasyon na naaabot ng anak mo ang mga language milestones ng mga batang nasa edad niya.
Iba pang language milestones na pwede mong hanapin
12-18 months
Kilala na niya ang ilang mga bagay na lagi niyang nakikita o nakakawakan. Sa ganitong edad din ay maaari nang may alam na hanggang sampung salita ang anak mo. Sa ganitong edad ay nakakaintindi at nakakasunod na rin siya ng mga simpleng direksyon.
Makikita mo rin na kaya na niyang ituro ang mga bahagi ng katawan niya kapag tinanong mo kung nasaan ang mga ito.
19-24 months
Dito magkakaroon ng tinatawag na 'word spurt' ang anak mo kung saan tataas nang hanggang 50 ang mga alam na niyang salita. Masasabi na rin niya ang kanyang pangalan at ito na ang gagamitin niya para ituro ang sarili niya.
Sa edad na 2 rin ay makakaintindi na ang anak mo ng mas mahahabang mga pangungusap. Mapapansin mo rin na mayroon na siyang mga request katulad ng 'Mama, eat' o 'Mama, play'.
Habang lumalaki pa ang iyong anak, magsisimula na siyang gumamit ng mga salitang mayroong tunog ng mga letrang d, n, at t. Susunod niyang matututunan ang mga salitang mayroong g, k, at ng.
What other parents are reading
Tandaan lang na iba-iba ang mga bata at iba-iba rin ang sitwasyon ng bawat pamilya kaya maaaring ma-develop o matuto ang bata ng iba sa kanyang mga ka-edad.
Mas makakatulong (at makapagbibigay ng peace of mind) sa inyong mag-ina kung hindi mo ikukumpara ang progress ninyo sa iba.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKumusta ang language milestones ng anak mo? Marami na ba siyang nasasabing salita? Anu-ano ang mga paborito mong sinasabi niya? I-share mo na iyan sa comments section.

- Shares
- Comments