embed embed2
5 Paraan ng Pagdidisiplina sa Makukulit na Bata na Hindi Mo Sila Pinarurusahan
PHOTO BY @airdone/iStock
  • Ninanais ng lahat ng magulang na mapalaking mabait at mabuti ang kanilang anak, ngunit hindi ganoon kadali ang pagdidisiplina. Minsan, nauuwi ito sa taktika ng pananakot sa bata gaya ng parusa, na nagiging solusyon sa pagharap sa mga batang matigas ang ulo. Ngunit hindi sang-ayon ang mga eksperto dito.

    Parusa versus Disiplina

    Ang disiplina ay hindi tulad ng parusa, sabi ng research psychologist na si Peggy Drexler, Ph.D., sa Psychology Today. “Discipline is necessary. Punishment is not,” (Kailangan ang pagdidisiplina. Hindi ang pagpaparusa) aniya.

    Ang parusa ay may kasamang pagpapagalit sa mga bata kalakip ang mabibigat na salita, pagsigaw at pagbulyaw sa kanila, pagpaparamdam na nagkasala sila, pagpapahiya, at pananakit.

    Sa edad na ito, hindi pa alam ng mga bata ang lahat ng mga pamantayan sa kung ano ang mali at tama, kung kaya ang pappaparusa sa kanila ay maaring labis. “In most cases, misbehavior among toddlers and young kids isn’t something that requires punishing but, instead, some understanding and a frank parent-child discussion,” (Sa maraming kaso, ang kakulitan ng mga maliit na bata at nasa murang edad ay hindi nangangailangan ng parusa sa halip ay pag-unawa at direktang pakikipag-usap sa kanila) paliwanag ni Dr. Drexler, isa ring awtor ng aklat tungkol sa parenting. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ang pagpaparusa sa mga bata ay maaaring magresulta pa sa pagbibigay-tuon sa parusa sa halip na pagtatama ng ugali ng bata. Inuudyok nitong magalit at sumalungat ang bata. Nagdudulot ito ng paglaban at kawalan ng tamang pagdadahilan na nag-uudyok pa ng simbuyo ng damdamin nila.

    “Kids quickly forget the ‘bad’ behavior that led to their being punished,” (Mabilis na malimutan  ng mga bata ang maling pag-uugali na nagdadala sa kanila na maparusahan)  sabi ni Dr. Laura Markham, isang psychologist at eskperto sa parenting sa isang artikulo sa Psychology Today.

    Paano didisiplinahin ang bata na walang pagpaparusa?

    Kailangang ituon ang pansin sa maling ginawa ng bata. Sabi ng psychologist na si Jon Lasser, Ph.D., na espesyalista sa bata at pamilya, “When a child does something wrong, parents do not punish, but rather work with the child to better understand what happened and then develop better alternatives.” (Kapag may ginawang mali ang bata, hindi dapat parusahan ng magulang, sa halip higit na ipaunawa sa bata kung ano ang nangyari at umisip ng mas mabuting gawin.)

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Narito ang maaaring gawin para maitama at maiwasan ang pagiging makulit ng bata nang hindi nagpaparusa:

    1. Ipaliwanag sa bata ang dapat na ginawa niya.

    Nakakapanakit ang bata kapag naiinis siya. Hindi mabuting ideya ang pangungurot o pagpalo sa kanila bilang pagganti. “You’re simply reinforcing the message that it’s okay to use your hands to resolve a situation. Using spanking as a consequence can especially confuse her because you are trying to teach her that hitting is wrong,”(Ipinapakita lamang nito sa kanila na tamang gamitin ang kamay para solusyunan ang isang sitwasyon. Ang paggamit ng pamamalo bilang konsekuwensiya ay lalo lamang nakapagdudulot ng kalituhan sa kaniya dahil nais mong ituro sa kaniya na mali ang pagmamalo)  ayon sa pediatrician na si Dr. William Sears sa isang kolum ng Parenting

    Sa halip, tulungan mo ang bata na ipahayag niya ang kaniyang nararamdaman sa ibang paraan. Maaari mong sabihin na “Alam kong galit ka. Pero ang pamamalo ay mali at makakasakit kay mommy. Ipakita mo sa akin ang iyong galit sa pamamagitan ng pagdabog ng mga paa o pagsigaw na galit ka na hindi nakakapanakit.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Hayaan siyang maranasan ang resulta ng kaniyang ginawa.

    Pigilan ang sarili na tulungan ang iyong anak. Kapag itinapon niya ang pagkain sa sahig, ipaliwanag mo sa kaniya na siya ang maglilinis nito (huwag mong gawin para sa kaniya). Maging kalmado ngunit matatag at isiping ito ang tama. May kakayahan ang bata na maunawaan ito. Huwag matakot na bigyan ang iyong anak ng higit na responsibilidad – ito ang paraan na matutuhan niya ang “tunay na mundo” habang humalaki siya.

    3. Magtakda ng malinaw na tuntunin at hangganan.

    Isa sa mabuting paraan para sa tamang pag-uugali ay ang pagtatakda ng malinaw at consistent na tuntunin na nauunawaan ng iyong anak na kailangan niyang sundin. Humuhubog sa tamang pag-uugali ang pagtatakda ng mga tuntunin at hangganan nito at naglaan din ng kaayusan. Natutulungan nito ang iyong anak na malaman  kung ano ang tama at hindi niya dapat gawin.

    Maging consistent. Halimbawa, huwag gawin na papayagan mo ang iyong anak na gumamit ng tablet habang kumakain ngayon, pagkatapos ay may  ibang pagkakataon naman na hindi mo sya pinapayagan. Magdudulot lang ito ng kalituhan sa bata at mas magiging mahirap na kontrolin ang kaniyang pag-uugali kapag ayaw mo na siyang pagamitin pa ng tablet.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    4. Huwag pumayag.

    Ang pagiging makulit o pasaway ay nagmumula sa iba’t ibang paraan ng katigasan ng ulo – hindi siya sumusunod sa iyong sinasabi, gaya ng pagkuha ng damit. Iwasan na ikaw ang gumawa ng iyong inuutos at hayaan mong sundin niya ito. Kung hindi, matutuhan niya lang na ang pagiging matigas at pagsuway sa utos ay magbibigay sa kaniya ng pagkakataon na makuha ang anumang gustuhin niya.

    “He knows how to put on his shoes. So if you walk out the door, he will put on his shoes and follow you. It may not feel like it, but eventually, he will,” (Alam niya kung paano isuot ang kaniyang sapatos. Kaya kapag lumabas ka na ng pinto, isusuot niya ang kaniyang sapatos at susunod sa iyo. Sa simula medyo mahirap pero magiging madali na rin sa mga susunod.) Sinabi sa NPR ni Katherine Reynolds Lewis, isang certified parenting educator. “And if you spend five or 10 minutes outside that door waiting for him — not threatening or nagging — he’ll be more likely to do it quickly." (At kapag nanatili ka ng mga 5 o 10 minuto sa labas ng pinto na naghihintay sa kaniya – hindi nananakot o nagsasasalita – maaaring mas bibilisan pa niya ang pagkilos.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Maging mapagmahal.

    Nahihirapan pa rin ang mga bata na kontrolin at ipahayag nang mabuti ang kanilang negatibong emosyon. Para ilabas ang kanilang nararamdaman, maaari syang magwala sila o magdabog. Problema ito ng kahit sinong magulang, pero kung alam mo  kung saan nagmumula ang kalungkutan ng iyong anak, gaya ng pag-uwi sa bahay galing sa paglalaro, ang pagpapadama ng pagmamahal ay makabubuti at makatutulong sa pagtatama ng pag-uugali.

    Yakapin ang iyong anak kapag naiinis siya, sabi ni Dr. Azine Graff, isang clinical psychologist sa parenting at anxiety, sa isang artikulo sa Mother.ly. “When offering a hug or verbal reassurance to calm your child, you are not automatically reinforcing their behavior. You are actually helping them calm down, so that they can hear you better.” (Kapag nag-alok ng yakap o pananalita na magpapakalma ng iyong anak, hindi awtomatikong umayos siya. Tinutulungan mo siyang kumalma, para mas higit ka niyang maunawaan.)

    Ang simpleng pahayag gaya ng, “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Nalulungkot din ako” kasabay ng pagyakap ay maaaring maging epektibo. Ang pagpapahayag ng pagkalinga at pagdamay ay isang magiliw,  magaan, at madaling solusyon. Nagtuturo rin ito sa inyong anak  kung paano kontrolin ang kaniyang emosyon – maaari siyang kumalma dahil kalmado ka rin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nawa’y maging mabait at mabuti ang iyong anak!

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa

    Discipline Misbehaving Toddlers Without the Punishment: 5 Ways to Do It

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close