-
Good News! Select Toys'R'Us Stores Now Deliver
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Isa sa mga nagbago sa ating buhay dahil sa banta ng COVID-19 ay kung paano tayo mamili ng ating mga pangangailangan. Bagaman noon pa man ay uso na at patok na sa mga nanay ang online shopping, mas naging mahalaga pa ito ngayon dahil sa community quarantine at social distancing.
Marami nang mga pangunahing shopping centers, groceries at brands ang nagsimulang mag-adjust sa bagong pangangailangan ng mga mamimili. Kabilang riyan ang Robinsons Department Store na tumatanggap na ng orders for delivery para sa mga baby essential needs ninyo.
Nagdedeliver na rin ang SM Store. Makakabili ka ng home, hygiene, at iba pang clothing essentials tulad ng underwear, sleepwear, loungewear, at iba pa.
Makakaorder ka na rin online ng mga libro, pati na rin school at office supplies mula sa National Book Store. Malaking tulong ito lalo na't sa ngayon, mga magulang ang pansamantalang magiging guro ng mga bata dahil sa patuloy na pagsasara ng mga eskwelahan hanggang sa opening ng classes sa August 24.
Open na rin for deliver ang Handyman, para naman may pagbibilhan si daddy ng kanyang mga 'pangbutingting' needs.
Ngayon, kabilang na sa listahan ng mga nagdedeliver ang Toys"R"Us! Good news kung naghahanap ka ng pagbibilhan ng iba't-ibang klase ng mga laruan para sa iyong mga anak.
Paano umorder?
Step 1: Piliin ang Toys"R"Us store na malapit sa inyo
Narito ang mga branches na bukas para mag-deliver:
Narito ang mga Toys"R"Us Metro Manila branches na bukas para magdeliver.PHOTO BY Toys"R"Us FacebookADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY Toys"R"Us / FacebookPHOTO BY Toys"R"UsStep 2: Piliin ang mga items na gusto mong bilhin mula sa catalog
Matatagpuan ang catalog sa LazMall page na ito: https://www.lazada.com.ph/shop/toys-r-us/
PHOTO BY TOys"R"UsCONTINUE READING BELOWwatch nowPHOTO BY Toys"R"UsWhat other parents are reading
Step 3: Tumawag para umorder at pumili ng payment options
Kapag nakapili ka na ng branch at alam mo na ang item na gusto mong bilhin, pwede ka nang tumawag sa Toys"R"Us. Open ito mula 9:00AM hanggang 4PM, Lunes hanggang Sabado. Ang mga orders na papasok nang 4PM ay isasama na sa mga orders para sa susunod na araw.
May store representative na tutulong sa iyo habang ginagawa mo ang iyong transaction. Ibigay mo lang ang mga impormasyong ito:
- Full Name
- Delivery Address
- Mobile Number
- Preferred Date of Delivery
- Payment Option
- Order/s (brand, type, variant, and quantity)
*By submitting the above-mentioned information, you agree to the collection, processing and storage of your personal data by Toys"R"Us for the purpose of verification and completion of your order. This, likewise, confirms that you agree to the use of the said data for analytics and marketing purposes such as receiving newsletters from Toys"R"Us.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroong tatlong payment options na pwedeng pagpilian:
- Cash Payment/ Debit or Credit Transactions
- Bank Transfer or Deposit via Robinsons Bank or BDO (Store representative will send the bank account details as soon as orders are finalized.)
- Order online via Toys"R"Us LazMall in Lazada
*Delivery fees/charges will be shouldered by the customer.Pwede ka ring sumali sa Viber group ng Toys"R"Us para sa latest update ng mga available na laruan: Stay connected! Join us on Viber for updates, toy news and more: https://bit.ly/35kdpdD
Siguradong marami kang mabibiling educational toys na makakatulong para mapadali ang pagtuturo mo sa mga anak mo bago sila magsimula ng kanilang mga online classes.
Pwede ka ring mamili sa mga boardgames na mayroon para may mapaglibangan ang inyong pamilya sa bahay.
Para sa iba pang updates at kwento tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

- Shares
- Comments