-
Tipid At Masayang Gawin! Andi Eigenmann's DIY Toy Kitchen Set For Lilo And Ellie
Ipinakita nila kung paano nila ito ginawa sa kanilang Happy Islanders vlog.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kamakailan nga'y ipinakita ng celebrity mom na si Andi Eigenmann ang kanyang pagiging practical mom nang pag-isahin niya ang maternity shoot niya at ang first birthday shoot ng kanyang pangalawang anak na si Lilo.
Kaya naman hindi kataka-taka na sa pinakahuling vlog ng kanilang pamilya ay ipinasilip naman nila ng panganay niyang si Ellie kung paano gumawa ng DIY kitchen set gamit lang ang mga recycled cardboard boxes.
Hindi rin kasi naniniwala si Andi na tamang paulanan ng napakaraming laruan ang kanyang mga anak. Kaya sa halip na bumili, mas pinipili ng mag-iina na gumawa—tipid na, nakapagbonding pa sila.
"It's a much cheaper way to come up with toys to entertain your kids," paliwanag ni Andi. "The process of doing it is also fun in itself!" dagdag pa niya. "The most important thing is that we make use of items in the house that we don't need anymore. Everything is recycled."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano gawin ang DIY kitchen set nina Andi at Ellie?
Step 1: Ipunin ang mga hindi na ginagamit na cardboard boxes
Makikita sa kanilang vlog na gumamit ng tatlong karton ang mag-ina. Tip ni Andi, para hindi na pinturahan ang mga kahon, baligtarin na lang ito sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga bahagi.
Huwag itapon ang mga cardboard boxes sa bahay, pwede itong gamitin para sa iba't-ibang DIY projects tulad nito.PHOTO BY Youtube/Happy IslandersCONTINUE READING BELOWwatch nowStep 2: Gupitin at gawan ng mga butas na magsisilbing 'lababo' at 'kitchen cabinet'
Pagkatapos baligtarin, ginuhitan ni Andi ng linya ang mga bahaging kailangan niyang butasan para magsilbing pintuan ng kanyang kunyaring kitchen cabinet at basin ng lababo. Gumamit sina Andi at Ellie ng glue at tape para pagdikit-dikitin ang bawat bahagi.
Lumang lalagyan ng biskwit ang ginamit nila para sa basin ng lababo.PHOTO BY YouTube/Happy IslandersADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWStep 3: Isunod ang paggawa ng 'stove' na may 'oven'
Sa mas malaking kahon naman ginawa ni Andi ang stove. Binutasan niya ang cardboard box ngunit hindi niya inalis ang flap. Ito ang magsisilbing pintuan ng oven. Gumawa rin si Andi ng tray na papasok sa oven—dito ilalagay ng kanyang mga anak ang mga 'lulutuin' nila.
Step 4: Assemble!
Pagkatapos gupitin, butasan, at lagyan ng mga flaps, pwede nang pagdikit-dikitin ang bawat bahagi! Patuyuin lang ng lima hanggang 15 minuto, depende sa ginamit mong pandikit.
Step 5: Lagyan ng design!
Para sa mga details at disenyo ng kitchen set ng mag-iina, gumamit si Andi ng screwdriver para butasan ang lababo at malagyan ito ng 'faucet'.
Gumamit naman siya ng takip ng mason jar para magsilbing 'burner' ng kanilang stove. Para naman sa mga dials ng oven, gumupit siya ng bilog mula sa tira-tirang karton at saka ito kinulayan at ginuhitan ng mga detalye.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBonus!
Kwento ni Andi, nakakuha siya ng mini refrigerator kaya naman ang karton na pinaglagyan nito ay ginamit niya para naman sa DIY toy refrigerator ng kanyang mga anak.
"All of that hard work actually paid off because Ellie and Lilo have really been enjoying it," sabi ni Andi. "As much as I would love to shower my kids with all of these really nice luxuries in life, they also will appreciate it just as much if it's simple pleasures, simple joys such as this one," dagdag pa niya.
Mukhang pasado naman kay Lilo ang gawa ni mommy Andi!PHOTO BY YouTube/Happy IslandersADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSulit na sulit kina Ellie at Lilo ang gawa ni Andi na DIY toy kitchen set.PHOTO BYYOUTUBE/HAPPY ISLANDERSPanoorin ang kabuuan ng proseso ng kanilang DIY toy kitchen set dito:
Mayroon ka bang mag DIY toys na gawa sa karton? I-share mo na 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments