-
Hindi Maka-Focus At May Tantrums? Maaaring Ito Ang Trigger Ayon Sa Mga Eksperto
Narito ang mga pwede mong gawin para matulungan ang anak mo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Bago pa man mangyari itong COVID-19 pandemic, mayroon na kayong family routine na siguradong praktisado na ng bawat miyembro.
May oras para sa trabaho ni mommy at daddy, may oras para sa school ng mga bata, may oras para sa mga gawaing bahay at iba pa.
Ngayong, sa bahay na nagtatrabaho sina mommy at daddy, tigil muna ang mga face-to-face classes, at iwas na muna sa paglabas-labas, napapansin mo bang tila mas nagiging matigas ang ulo ng anak mo?
Naging mahirap ba siyang pagsabihan ng mga dapat niyang gawin? Maaaring problema sa transition ito. Isipin mo, kung sa iyo na matanda na ay mahirap ang mag-adjust sa mga trabaho, paano pa kaya sa iyong mga anak.
Sabi nga ni Dr. David Anderson, ang senior director ng ADHD and Behavior Disorders Center ng Child Mind Institute, mahirap para sa lahat ang ano mang uri ng transition o pagbabago.
Ayon kay Dr. David, mahirap ang transition, lalo na sa mga bata, dahil malimit ay nagtatransition tayo mula sa mga gusto nating ginagawa papunta sa mga bagay na kailangan nating gawin.
Halimbawa, mula sa gusto nilang gawin tulad ng paglalaro o panonood, mahirap na lumipat sa kailangan nilang gawin, tulad ng pag-aaral.
Kakaibang karanasan din at malaking pagbabago ang distance learning at homeschooling, lalo na para sa mga maliliit na bata. Hindi nakapagtataka kung minsa'y lalabas ang frustration nila bilang tantrum o meltdown.
What other parents are reading
Paano mo malalaman na problema sa transition ang dahilan ng tantrums ng anak mo?
Sabi ng mga eksperto, maaari itong magmanipesto sa maraming paraan. Kabilang riyan ang resistance, avoidance, distraction, negotiation, at tantrums o meltdown. Malimit lalabas ang mga ito kapag na-overwhelm ang anak mo. Madalas din itong ginagamit na tactic ng mga bata para i-delay ang ano mang transition.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa pang halimbawa ng transition na maaaring maging mahirap para sa mga bata ay kapag lumilipat ang pamilya ng lokasyon. Marami nga sa atin ang iniwan na ang buhay sa siyudad at lumipat na sa probinsya.
Bukod pa sa mga nabanggit, maaari ring maging prone ang anak mo sa mga transitional problems kung mayroon siyang mga tinatawag na emotional at developmental issues tulad ng ADHD, anxiety, at autism.
Paano mo matutulungan ang anak mong hirap sa mga transitions?
Gaya ng nauna naming naisulat tungkol sa anxiety ng mga bata, halos pareho rin ang pwede mong gawin para matulungan ang anak mong hirap sa transitions.
Isa sa mga unang pwede mong gawin ay ang maging kalmado sa tuwing magtatantrums ang anak mo. Kapag kalmado ka kasi, mas magiging madali para sa iyo na hanapin ang tunay na dahilan sa likod ng tantrums ng anak mo.
Bukod pa sa pagiging kalmado, makakatulong din kung ipapaalam mo sa mga anak mo na nariyan ka para makinig sa kanila—ano man ang nais nilang ibahagi sa iyo. Makakatulong din kung hihintayin mo lang ang anak mo na matapos sa kanyang pagwawala.
Malimit kasi, kailangan lang niyang ilabas ang kanyang nararamdaman. Ang mahalaga, iparamdam mo sa kanya na ano man ang mangyari, hindi ka aalis sa tabi niya.
Kumusta ang pamilya ninyo ngayong may pandemic? Hirap ba ang anak mo sa mga transitions na pinagdadaanan niya? Paano ninyo ito inaayos? I-share mo na sa comments section.
CONTINUE READING BELOWwatch now

- Shares
- Comments